Chapter 29: First Day

92 9 1
                                    

Bianca's POV

Hindi ako makapaniwala na college student na kami. As in! Ang bilis ng mga pangyayari. Dati first year lang kami ni besfriend Shi tapos ngayon first year college na? Ang saya lang!

Naghiwalay na kami ni bestfriend ng way kasi magkaiba kami ng building. Iba course ko sa course niya eh. Ewan ko ba sa babaeng yun, bakit yun ang gusto nyang course. Baliw na ata eh.

Habang binabasa ko yung papel kung saan nakasulat yung number ng room ko, nagmamasid masid ako sa paligid. Napansin kong parang kanina pa may sunod ng sunod sa akin eh. Syempre hindi ko ipapahalata na napansin ko diba, mahuhuli ko rin 'to.

Nakarating na ko sa room ko for my first subject. Maaga pa kaya medyo konti pa lang ang tao. And syempre bago ako umupo sa upuan, napansin ko ring may kasabay akong pumasok na lalaki. Hinanap ko kung nasan na siya, pero hindi ko napansin kung saan siya umupo.

"May hinahanap ka?" tanong sa akin nung tao sa likod. Nilingon ko siya para kausapin.

"Uhm, oo eh. May napansin ka bang kasabay ko pumasok?" tanong ko sa kanya. Ang weird nya bakit siya naka half mask. Natatakpan yung bibig niya.

"Meron." ang tipid naman ng sagot nito!

"Talaga? Saan siya umupo?" lapit ko sa kanya

"Dito." sagot niya sakin. Naguluhan naman daw ako. Eh kaming dalawa lang nasa line dito.

"Huh? Tayong dalawa lang magkatapat eh. Tsaka wala naman tayong katabi. Niloloko mo ba ako?" sabi ko ng may konting pagkairita

"Hindi ah. Dito nga siya umupo." aba'y ang kulit nitong lalaking 'to!

"Ewan ko sayo. Lakas mong mantrip!" sagot ko sabay humarap na lang ulit sa harapan. Badtrip yun ah.

"Hoy Bianca. Sorry naman. Hahaha!" kalabit niya sa akin. Wait! What? Tinawag niya ko sa pangalan ko?

"Paano mo ko nakilala? Sino ka?" lumapit siya sakin at tumabi. Dahan dahan niyang tinanggal yung half mask niya at bumulong sa akin.

"Ako 'to. Si Cedric." OH MY GOSH! Siya nga! Bakit siya nandito? Seryoso ba 'to? Classmates na kami?

"Paano? Bakit? Seryos 'to?" sabi ko sa kanya ng may disbelief

"Ayaw mo ba? Classmates na tayo oh." nakangiti niyang sagot sa akin. Ang cute niya talaga magsmile. Parang bata.

"No, okay nga yun eh! May instant kakilala na agad ako." iling ko sa kanya then smiled because nakakahawa yung smile niya

Thank goodness at nagkita ulit kami ni Cedric! Ewan ko ba, gusto ko lang na kasama ko 'tong lalaking 'to. Para kasing ang gaan ng atmosphere kapag kasama ko siya. I feel ME whenever he's there. Wow. Crush ko na ba talaga siya? Hahaha. Papagalitan ako ni bestfriend Shi. Ang landi ko na. Haha!

***

Steph's POV

Excited ako! It's my first time to attend school here. And i'm with Arjei pa, so that's what makes me more happy! We enrolled in the same course. Culinary or HRM is the name ata. Not sure.

Sinundo ako ni Arjei sa house kanina para sabay kaming pumasok. Si Trix kasi sumabay kay Anthony. So yeah, hiwa-hiwalay kaming pumasok. But we'll go out later after class. Hangout baby!

Arjei and I are so sweet. Seatmates daw kami and locker buddies. Haha! Cool right? Pinagtitinginan nga kami ng tao cause naka-akbay 'tong si Arjei sa akin. Maybe iniisip nila na we're boyfriend and girlfriend. Oh well i'm used to it.

"Steph, punta na ba tayo sa classroom? Or you want to walk around pa?" Arjei asked me

"Sige, classroom na tayo." I smiled. Hawak niya kasi sling bag ko. So we kinda look like YOU KNOW. Hahaha!

A Secret LoveWhere stories live. Discover now