CNTHB.18

16.3K 294 13
                                    

Thank you. 2 words na masasabi ko ngayon. Alam kong hindi ako ganun kagalingan sa pagsusulat, pero may mga tao palang nakakaappreciate ng ginagawa ko. Salamat po! :) 

Btw, araw-araw po akong naguupdate. Pero depende din kung tinatamad akong mag'type ehehe. :D Kung gusto nyo po magpadedicate just pm me or post on my MB. :) Aint snob. ^^

-----------

CNTHB.18

writtenby: Monsterlyn.




Quen's POV





Nabalitaan ko yung nangyari kanina sa school. At tinawagan kame ni Gino na nawalan daw ng malay si Kath. 

Andito ako ngayon sa gate nila Kath nang makita ko si Gino palabas. 

Mukhang badtrip pa? Anong nangyari dun. 

Nilapitan ko sya. "Pre, kamusta na si Kath?" tanong ko sakanya.

"Okay na, gising na sya." matamlay nyang sagot.

Anong nangyari dito? 

"Ge, puntahan mo na si Kath.. Uwi na ko." sabi nya at naglakad papuntang kotse nya. Pero bago pa sya makalayo saken kinapitan ko sya sa braso at napalingon naman sya saken.

"Sabihin mo nga, may nangyare ba?" -ako.

Bago sya sumagot, nakita kong may lungkot sa mata nya. "Wala na kame!" 

Tama ba yung narinig ko? Wala na sila? Pano naman at bakit? 

"Pre, kung talagang mahal mo si Kath. Hindi ka basta basta susuko, gagawin mo ang lahat para lang mabalik sya sayo. Alam kong nabigla lang si Kath sa mga nasabi nya. Siguro dala ng galit nya, pero ako na nagsasabi sayo. Mahal ka nya, at alam kong hindi ka nya kayang iwan basta basta."

"Bakit mo ba sinasabi saken yan? Diba nga dapat matuwa ka dahil wala na kame at sa wakas pwedeng pwede mo na syang ligawan." 

Campus Nerd Turned to Heartthrob and BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon