-==The Cliché Story==-

1.1K 39 21
                                    

Hello Philippines and Hello World!

Ang sarap ng gising ko dahil first day ngayon sa school namin. Well, lemme erase that, first day ko lang pala, since new student lang ako sa Wattpad University! Isa nga pala akong Wattpader na adik sa pagbabasa ng mga stories. Kaya nga hanap ko ngayon ay yung gangster ang dating na maangas. Yung tipong Casanova na hinahabol ng madaming babae at pretty face. Yung maginoo pero medyo bastos, in short I’m looking for Casanova/Gangster/Pervert look-a-like boyfriend, kasi yun yung nakakakilig sa mga kwentong binabasa ko.

At dahil diehard fan ako ni Watty, sinimulan ko din ang kwento ko sa first day of classes. Sa totoo lang di ko pa alam kung ano gagawin ko since bago akong student at the same time writer din ako. Hirap nun! Ngayon palang narerealize ko na kung paano maging writer/student! Kahit di pa ako sikat, pressured na ako! Sh*t!

So, enough with brief introduction, magpapakilala na ako! Ako nga pala si Shanna Reyes, labinlimang taong gulang at papasok na bilang fourth year HS sa Wattpad University or yung mas sikat na WPU! May scholarship grant kasi na offer yung school, kaya nakapasok ako til’ college yun.

Describe myself? Kailangan pa ba yun? I’m a nerdy geeky student, petite body, yung mala Kim Chiu ang payat, 5’6” in height at mala beauty queen na mukha, yun nga lang with braces, thick eye brows, konting pimples and syempre ang eye glasses ko.

Since scholar lang ako, alam niyo ng laking hirap ako. Pero pinaghirapan ko yung scholarship ko, hindi ko tinulugan yang pagrereview, kaya nga siguro may pimples ako e. Naniniwala  kasi ako na kahit mahirap ako, makakahanap ako ng partner sa WPU, katulad sa mga stories, nainspired ako ni Eya ng *Diary ng Panget* malay mo, may makilala ako dun na kasing hot ni Cross! Oh my~ lalo akong naeexcite! Baka nandun din ang kakambal ni Lance na mahilig sa rabbit ni Miyuki! Or kung sino man na lalaki sa wattpad.

So, tapos na ako sa pagbibihis, kaya ito ako ngayon, nakaharap sa salamin “Shanna! Galingan mo! Kailangan ikaw na ang sunod na Momo, Phoebe, Jersey, Elle at Dana! Kailangan makahanap ako ng ganster/Casanova at pervert na boyfriend! ”  pagchecheer ko sa sarili ko! Nakakahiya man, pero kailangan ko isakatuparan ang aking pangarap!

So, ditto muna ang aking kwento, dahil papasok pa ako! Malalate pa ata! Gahd!

-==The Cliché Story==-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon