Fuck Buddies

2.1K 4 0
                                    

Ang typical lang sa buhay ni Frank bilang isang college student ay ang kalungkutan. Sa ngayon, hindi siya nakatira sa isang bahay kasama ng pamilya niya o sa isang dorm, kundi sa isang condominium unit na isang mabilis na sakay ng jeep ang layo mula sa De La Salle University -  Dasmariñas. Hindi rin siya mahilig uminom, manigarilyo, sumubok ng drugs. Ang hilig niya ay ang pagbabasa ng mga librong pinapadala sa kanya ng kanyang mga magulang mula sa America at ang panonood ng mga independent films. Hindi rin siya masyado nakakagala kasama ang mga kaibigan. Hindi naman sa hindi niya gusto ang paggagala, pero para makagala kasama ang mga kaibigan, una ay dapat may mga kaibigan at yun ang wala masyado si Frank, kaya kahit minsan ay nakakasama siya sa mga gala, mas madalas pa na siya ay makikita na mag - isang umiinom sa isa sa mga bar malapit sa kanyang condominium.

Araw - araw dinudurog ng kalungkutang ito si Frank. Tuwing pupunta siya sa kanyang unibersidad, nakakaramdam siya ng saya. Napapatawa siya tuwing nakakasama niya ang kanyang iilang kaibigan pero dahil hindi pareho ang schedule ng mga klase nila at dahil may mga sariling buhay rin ang kanyang mga kaibigan (pamilya at love life), madalas pa rin na maging mag - isa siya kahit pinilit niya nang maghanap ng kasama. Sinubukan niyang maghanap ng mapagsasabihan at makakaramay sa kalungkutang ito pero naiinis siya na hindi siya maintindihan ng mga kaibigan niya. Para sa kanila ay pareho lang silang lahat na may pinagdadaanan. Pareho lang na prinoproblema ang mga magulang, love life, schoolwork at kung anu - ano pa. Siguro tama sila, ang nasa isip niya, pero at least may kasama kayo sa mga  problema niyo.

Ngayong taon, ang pinakamalungkot na panahon sa kanya ay yung panahong ng kapaskuhan dahil tuwing kapaskuhan ay lahat ng kanyang mga kaibigan ay kasama ang kanilang  mga pamilya, samantalang siya ay mag - isa sa kanyang condominium unit.

Pero ngayong taon, kahit papa'no ay magkakaroon siya ng makakasama.

Ilang minutong lakad mula sa kanyang condominium unit ay may babaeng maituturing ng karamihan ng mga lalaki na maganda. Kahit nasa malayo pa lang siya ay napapatingin na ang mga lalaki sa kanyang malambing na ngiti, maputing balat at buhok na mahaba at itim. Pero para sa araw na ito, ang napansin ng mga lalaki ay hindi ang kanyang kagandahan kundi ang kanyang hawak - hawak na kahon na maganda ang pagkakabalot. Lahat tuloy ng lalaking nakasalubong niya ay napaisip, napakaswerte naman ng lalaking makakatanggap ng regalong iyon.

Kumatok siya sa condominium unit ni Frank.

"Sandali lang!" ang sigaw ni Frank, na ang boses ay mukhang nanggaling pa mula sa kanyang kwarto, hindi sa sala.

Napaaga ata ako ah, ang nasa isip ng babae. Alas otso pa lang ng umaga.  

Bumukas ang pinto at humarap si Fran na medyo magulo pa ang buhok at suot na damit. 

"Uy, Bea," sabi ni Frank, may ngiti sa kanyang mukha. "Ba't napadaan ka?"  

"Alam mo naman kami tuwing magpapasko," sagot ni Bea, ipinakita ang kanyang hawak na kahon kay Frank.

"Ano yan? Cake?" tanong ni Frank, halatang medyo excited.

"Brownies," may ngiting sagot ni Bea.

"Ah... salamat, Bea," sabi ni Frank at humakbang paatras. "Ah... pasok ka, pasok ka. 'Di ka naman siguro nagmamadali no?"

"'Di naman."

Pagpasok ni Bea, napansin niya medyo may iba sa tinitirhan ni Frank. Natural na medyo maayos sa gamit si Frank, alam yun ni Bea kaya ganoon na lang ang pagtataka niya noong napansin niya na medyo magulo ang mga kagamitan sa loob.

"Ah... Frank? Anong nangyari dito?" tanong niya.

Hindi agad nakasagot si Frank dahil inaayos pa rin niya yung mga gamit. Sa katahimikan niya ay nagsimula na rin maglini si Bea. "Ah... wala lang 'to," sabi ni Frank. "Yung brownies?  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fuck BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon