O, Heichou.

273 13 3
                                    

Babala: Medyo may landiang magaganap dito. Kaya sa mga bata, 'wag basahin please. Ayokong ako ang maging dahilan para madungisan ang inyong kamusmusan.

Pinagpapawisan at nanlalamig ako. Hindi ko alam kung kakatatok na ba ako o babalik na lang ulit ako sa aking kwarto. Gusto ko siyang makita pero natatakot ako dahil baka iba ang isipin niya sa ginawa ko sa kanya sa tunnel. Pero ginawa ko lang naman ‘yon para maisalba ang buhay niya. Kung magalit man siya ay magpapaliwanag na lang ako. Tama, uunahan ko na siya ng paliwanag bago pa man niya ako masipa.

Kinatok ko ng tatlong beses ang pintuan. “Heichou? Si Eren ‘to,” wika ko.

Walang sumagot mula sa loob. Pinihit ko ang doorknob pero nakalock ito. Ayon naman sa nars ay nasa loob raw si Heichou at nagpapanhinga. Baka hindi niya lang siguro ako narinig kaya ‘di siya sumasagot.

Kumatok ulit ako. “Heichou, si Eren 'to.”

Wala pa ring sumasagot mula sa loob. Inilapit ko ang aking tainga sa pinto at nagbakasakali akong may marinig na paggalaw mula sa loob. Wala. Naisip kong baka tulog siya kaya minabuti ko na munang umalis at bumalik na lang mamaya. Nakatalikod na ako no’n sa pinto at nasa akma na akong paalis nang biglang bumukas ang pinto.

“Natutulog ako, istorbo ka. Ano ba ‘yon?” Pagharap ko ay nakita ko si Heichou na nakapamewang at nakataas ang isang kilay.

Nakangiti ko siyang hinarap “Pwede ba muna akong pumasok?” tanong ko.

Kagaya ng dati, inirapan niya ako. Tumabi siya sa gilid ng pintuan at inilahad ang kanyang kamay na nag-aaya na pumasok na ako sa kanyang kuwarto. Isinara niya ang pinto pagkatapos 'kong makapasok sa kuwarto. Dumiretso siya sa kanyang kama at naupo sa tabi nito. Ako naman ay tumapat sa kanya at sumandal sa pader.

“Anong kailangan mo?” Tanong niya.

“Gusto ko lang malaman kung okay ka na ba,” ani ko.

“Eren, kung hindi ako okay, sa tingin mo ba ay makikita mo ako ngayon dito sa harapn mo nang nakatayo?” sarkastiko niyang sagot.

“Gusto ko lang kasing makasiguro na ayos ka lang, at…” Naputol ko ang dapat kong sasabihin.

“At?” Sumeryoso at hindi na mukhang iritable ang mukha ni Heichou.

Heto na. Itatanong ko na sa kanya ang tungkol sa nangyari sa tunnel. Humugot ako ng isang malalim na hininga at saka ako nagpatuloy sa aking sasabihin. “ At ‘yong ahas.”

Magsasalita pa sana ako pero biglang sumingit si Heichou. “Oo na, alam ko na. Natuklaw ako ng ahas at nagmukha akong kaawa-awa sa paningin mo. Pero kalimutan na lang natin ‘yon ‘di ba? Magpasalamat na lang tayo na hindi agad kumalat ang kamandag kahit na wala tayong ginawang paunang lunas.”

Nagulat ako sa mga sinabi ni Heichou. “Walang ginawang paunang lunas?” nagtataka kong tanong.

“Oo, sabi nila Petra naabutan raw nila ako na nakahandusay samantalang ikaw naman daw ay nakatitig lang sa kawalan. Hindi naman kita masisisi kung nagulat ka sa mga pangyayari o kung naduwag ka.”

Hindi pala nila sinabi ang tunay na kalagayan namin ni Heichou nang makita nila kami sa tunnel. Mas mabuti na nga siguro na magmukha akong duwag sa harap ni Heichou kaysa naman isipin niyang pinagsamantalahan ko ang pagkakataon at minolestiya siya.

“A, natakot kasi ako,” wika ko.

“Pero….” Hinimas ni Heichou ang kanyang baba at umarteng nag-iisip. “Nanaginip ako na sinipsip mo raw ang kamandag sa sugat ko.”

Napatanga ako sa mga salitang binitawan niya. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Sasabihin ko bang totoo ang panaginip niya o itatanggi ko pa rin ang lahat.

“Pa...panagini.p lang naman ‘yon,” mautal-utal kong sabi.

Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa ni Heichou. Tumayo siya mula sa kanyang pagkakaupo sa kama at dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Hinarang niya ang kanyang katawan sa akin at pinadaan niya ang likod ng kanyang kamay sa aking leeg pababa sa aking dibdib. Tumigil ang kanyang kamay sa parte kung nasaan ang aking puso na naririnig ko na ang pagtibok sa lakas nito.

“Pero kung gusto mo, pwede nating totohanin ang panaginip kong ‘yon?’ bulong niya.

“He-heichou?” ika ko.

“Bakit Eren, natatakot ka ba sa akin? Kung ikaw ang natuklaw ng ahas, alam mo…” Tumingkayad siya para maabot ng kanyang bibig ang aking tainga. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga na nararamdaman ko na ang mamasa-masa niyang labi. Kinikilabutan din ako sa bawat dampi ng kanyang hininga sa aking balat. “Buong puso kong sisipsipin ang kamandag sa sugat mo. Sisipsipin ko nang sisipsipin ang sugat mo hanggang sa mailabas mo ang lahat ng kamandag na tinatago mo riyan sa loob mo.” Nararamdaman ko nang medyo kumikiskis ang ibabang bahagi ng katawan ni Heichou sa katawan ko. Kaya bago pa man may mangyaring hindi kanai-nais ay nag-isip na ako ng sasabihin na makakapagpatigil sa ginagawa niya.

“A, heichou?” tanong ko.

“Hmmm? Kahit saan ang sugat mo Eren, sisipsipin ko.” Patulog pa rin siya sa pagbulong samantalang ang kanyang kamay ay marahang minamasahe ang dibdib ko.

“Kilala mo ba kung sino ang nagkulong sa ‘tin sa tunnel?” tanong ko sabay hawi sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Lagusan (Shingeki No Kyojin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon