Chapter 17.2

62 1 2
                                    

Hello! Bwahaha, grabe ang tagal na hindi nakapag-update sorry!! Salamat sa nagbabasa pa rin nito! Arigatou! (;u;)

May mga minor changes nga palang ginawa dun sa previous chapters, hindi naman nabago yung story medyo inayos lang yung ilang bagay-bagay haha

Anyway... ito na talaga! 

 (Note: yung naka-italicized, flashback scenes)

Chapter 17.2

Di nagtagal ay dumating na rin ang mga aklase ko. Pagkapasok na pagkapasok ni Mage sa loob ng classroom ay lumapit siya agad sa akin with an apologetic look on her face. Bigla siyang lumuhod sa harap ko at ngumawa. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa pagkabigla ko sa ginawa ni Mage.

"Xy-xy, sorry! Kinuwento nila sa akin yung kapalpakan ko. I'm really really sorry. Hindi ko naman sinasadya. Natuwa lang ako nang sobra kanina. Hindi ko talaga sinasadya. Sorry na Xy-xy" 

"O--oyy! Tss! Ano ka ba? Alam ko namang hindi mo 'yun sinasadya!"

Umupo siya sa tabi ko nang malungkot ang mukha at tumungo. 

"Lagi na lang ako yung iniintindi niyo at nagpapasensya dahil ang laging sinasabi niyo hindi ako 'yung may kasalanan. Pero alam naman nating lahat na dahil sa clumsiness at carelessness ko kaya tayo nagkakaproblema. Bakit ba kasi lagi na lang akong kumikilos nang hindi nag-iisip?" Tumawa siya saglit pero narinig kong sumisinghot-singhot siya. "Ang fail ko talagang best friend noh? Hahaha" Tumawa siya nang tumawa at biglang umiyak.

Napabuntong hininga na lang ako. Paano ko ba mapapatahan ang crybaby na 'to?

Kinuha ni Mage ang mga kamay ko at ikinulong sa mga kamay niya. Nakita kong inangat na niya yung ulo niya. 

"Xy-xy, i-promise mo sa'kin na kahit gaano pa ako ka-epic fail na bestfriend, hinding-hindi mo ako ipagpapalit ha?" Suminghot-singhot siya habang nagpa-puppy eyes sa akin at umiiyak. 

Naalala ko tuloy yung dati...

Flashback

"Ano ba?! Bakit ka ba sunod nang sunod sa akin?" bulyaw ko.

"Eh ikaw? Bingi ka ba?! Hindi ka kasi nakikinig!" Sinamaan ko siya ng tingin at napaatras siya. Yumuko siya at nagkamot ng batok. "Matagal ko na kayang sinasabi sa'yo na gusto kitang maging kaibigan."

Nakikipagkaibigan ba talaga siya o nang-aaway?

"Huh? Kaibigan?"

"Bingi talaga..." narinig kong bulong niya

"Anong sabi mo?!"

"A-ahh ano.." Mukha ulit siyang nahiya pero bigla siyang sumigaw abang nakangiti "Do you know that friends bring colors to your life?"

"Wow. So ano tingin mo sakin? Black and white? At as if namang may paki ako."

( -_-)            (-_- )

siya              ako

"Ang corny mo Xyz.."

"Whatever" Tumalikod na ako at naglakad ulit pero hinatak niya ako.

"You're so mean." she pouted

"And you're irritating. Get lost." Inagaw ko ang kamay ko sa kanya pero mahigpit ang kapit niya dito. 'Yung totoo? Tuko ba 'tong babaeng to?

"No! No! No! Mage wants Xyzielle to be her best friend!" Nagpapapadyak siya habang ngumangawa. Dumami na yung mga tao sa corridor kaya naglakad ako papunta sa gilid kaso hinatak niya ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

mission failedWhere stories live. Discover now