27: Her Sorrow

9.2K 154 2
                                    

“Kiss me on the lips.” Wika niya kay Erwin.

Nanlaki ang mata nito. “No.”

“Yes.” Humagikgik pa siya.

“No.” saway nito sa kanya. “You are drunk”

They were now heading at her condo unit. Katatapos lang nilang mag-inom. Or rather katatapos lang niyang mag-inom. Erwin just had a few glass of alcohol while she had a few bottles of alcohol.

Why is everything spinning like craz-zy?

Damn!

“No, I am not.” Wika niya.

Goodness! Yes, she is drunk.

“Wag kang maarte hindi ikaw ang babae sa ating dalawa!” Asar na wika niya dito.

Inilapit niya ang labi rito.

He pushed her. “You need sleep.”

She held his head. Pinipilit niyang itulak ang ulo nito papalapit sa ulo niya. Ngumuso siya. And once again she felt his lips on her forehead. 

She sighed. “You are no fun!” Umiiyak na sigaw niya rito. “You are no fun just like Ric!” She paused. “You are despicable just like him. I mean,” Umikot siya na parang tanga. “Who would have thought na mamahalin ko siya.” Napalunok siya. “Oo, mahal ko siya. Is it not obvious?” Parang tangang kinakausap niya ang sarili.

Tinitingnan lang siya ni Erwin. Habag na habag sa sinapit niya.

“Who would have thought na ang lalaking pinakakinamumuhian ko ay mamahalin ko pala.” Tumawa siya ng mapakla. “But it isn’t my fault!” Pinahid niya ang luha. “It is not my fault! It is that stupid moronic idiotic jerk and son-of-a-bitch fault!” Humagulgol na siya. “I was fine with him being mean to me and rude and arrogant but then one day he showed me the other side of him” Hinang-hinang napaupo siya sa semento.

“I saw the other side of him who is kind, helpful, loving, sweet and gradually…” Humikbi siya. “gradually, I fell in love with him!” Pinunasan niya ang luha. “And when I’ve fallen in love with him he sees me nothing but just a friend!” Tumawa siya ng mapakla. “Can you believe that? A friend?!”

Tiningnan niya si Erwin. Niyakap siya nito. Napahagulgol na naman siya.

“Why just a friend?” Parang batang atungal niya dito habang umiiyak. “I don’t want to be his friend!”

Itinayo siya nito. Pinunasan nito ng panyo ang luha niya.

 “Reena, wake up.” Mahinang wika nito sa kanya.

Tiningnan niya lang ito. “You are beautiful. You are intelligent. You are kind. You are a woman worthy to be loved. Nakaiyak ka na. Don’t you think it is time to wake up? Know your boundaries okay. You’ve done everything. If Ric, does not love you, If Ric just sees you as a friend, will you stupidly chase him? Where’s your self-respect Reena?”

Para siyang binuhusan ng malamig na yelo dahil sa sinabi nito. Again for the nth time. Nagiging tanga na naman siya. It was all because of love. Mahal niya si Ric at nagpapaka-cheap siya para dito. Mahal niya si Ric at nakalimutan na niyang mahalin ang sarili.

Wala sa sariling nayakap niya ang sarili. Naalala na naman niya ang katangahang nagawa niya noon ng dahil din sa pagmamahal. Ang isang kasalanang sobra niyang pinagsisihan. Ang isang kasalanang kanyang ginawa dahil mahal na mahal niya noon si Patrick. At ngayon, nauulit muli ang nakaraan.Hindi na niya nakikilala ang sarili. She had stooped so low para lang mapaibig si Ric. She had stooped so low para lang kahit papaano ay maramdamang mahal din siya ng mahal niya.

Nagulat siya ng yakapin siya ni Erwin. Naiyak na naman pala siya.

Bakit?

Bakit ba laging kailangang mangyari ito tuwing nagmamahal ako?

Bakit ba kailangan lagi kong makakalimutang i-distinguish ang tama sa mali tuwing nagmamahal ako?

Bakit ba lahat na lang ng bagay ay nagmumukhang tama kung ang dahilan ay para ipaglaban ang pag-ibig?

Bakit?

Anu bang kasalanan ko?

Bakit hindi ba ako maging masaya?

Bakit kailangan lagi na lang magkaganito ako?

Mauulit na naman ba ang isang pagkakamaling nagawa ko noon ng dahil lang umibig na naman akong muli?

Kung ganoon. Ayaw ko na. Ayaw ko nang magmahal pa.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now