Story 3 - Nang dahil sa pick-up

238 10 1
                                    

Eto pong story 3 ay maikli lang talaga.. :)

E N J O Y! Vote and leave a comment.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ako si Nathan.. At mahal ko si Katerina.. Ay mali~ joke lang 'yon..

Author: Ano ba naman Than! Hindi 'to Walang Hanggan okay? Take 2!!

Ako si Nathan.. At Krystal ang pangalan ng babaeng mahal ko..

Uulitin ko ako si Nathan wala na kayong pakielam sa last name ko.. haha.. 16 years old. Gwapo.

Childhood friend ko si Krystal.. At bata pa lang kami noon ay mahal ko na siya.. Corny at gayish mang sabihin pero totoo..

Hanggang ngayon nanatili pa rin siya sa puso ko..

Kaya lang may malaking problema.. May gusto siya kay Leo ang aso namin... LOL joke lang.. Si Leo ay ang anak ng bestfriend ng mommy ni Krystal.. At siya rin ang president sa class.. Ano ba namang laban ko dun diba?

Torpe na kung torpe pero paano nanaman kasi ako aamin kung..

Siya lagi ang bukambibig niya </3

Masaya na sana ko dahil halos every hour eh magkasama kami ni Krystal.. Kaya lang sana nga hindi na lang ganun.. dahil puro Leo lang ang lumalabas sa bibig niya..

"NAATHHANN!!!"

O ayan na pala siya..

"Nathan grabe--"

"Si Leo?" ako na nagtuloy sa sinasabi niya.. Lagi naman nang ganito eh.. sanay na ko..

"Ha? Oo.. kausap ko siya kanina.. Sabi niya may gusto daw siya dun sa kaklase natin.. T^T Ouch no? Ang sakit kaya!" sakin lahat sinasabi ni Krystal ang lahat ng 'to.. Kesyo nasaktan siya, kesyo kinilig siya.. Hay.. ang hirap ng buhay ko no..

Ang sakit kaya marinig mismo sa bibig ng taong mahal mo yung pangalan ng mahal niya.. Okay sana kung Nathan yun.. Pero hindi eh! LEO.

"Okay lang yan Krys.. Nandito naman ako eh"

"Ha? Hindi ko narinig yung sinabi mo nung huli eh?"

"Wala yun.. Tara na nga!"

Gustong-gusto nang isigaw na mahal na mahal ko siya.. kaso hindi ko kaya.. Umuwi na kami..

Nag-stay muna ko sa kanila.. nakasanayan na eh.. Siya naman pumasok agad sa kwarto..

Paglabas niya nakabihis siya..

"Oh san ka pupunta?"

"Nakita ko kasi sa status ni Leo nandyan daw siya sa may park eh.. titignan ko siya dun.. SAMA ka?"

"Wag na.. istorbo lang ako.." ouch. Ang sakit sakit lang.. ang ganda ganda niya ngayon.. Mas lalo akong naiinlove.. kaya lang.. </3

"Teka..Nathan!! pakinggan mo ko! Maayy pick-up ako!!"

Para nanaman kay Leo yan..

"O sige.. ano?"

"Bigas ako!!" ang weird nun ah..

"Bakit?"

"Kasi habang tumatagal lalo akong NAGMAMAHAL... sayo!" sabi niya sabay tawa ng malakas.. Sana ako na lang talaga ang sasabihan mo niyan.. Sana para sakin yan

"Eh.. ako rin meron.. Bato ka ba?"

"Huh? bakit"

"Hindi mo kasi maramdaman na mahal kita.. Sige na pumunta ka na kay Leo" panahon na siguro para malaman niya diba..

Akala ko kung ano ang magiging reaksyon niya pero ngumiti lang siya..

"SLOW MOTION ka ba?"

"Bakit?" ano nanaman 'to?

"Kasi ang SLOW MO!"

"HUh? bakit?"

"Eh ikaw naman kasi eh.. Mahal kaya kita~~ Ikaw nga yung parang bato diyan eh! I'd rather stay here with you!"

"Huh? Eh paano si Leo?"

"Crush ko lang naman yun eh! Tsaka ginagawa ko lang siyang dahilan para humaba yung usapan natin!! Hindi ko kaya alam kung ano ang sasabihin ko pag magkausap tayo!!!" sabi niya na pulang-pula yung mukha.. Ede kung alam ko lang sana no? YAAAHHHHOOOOOOOOO!!!!!

"Stupid. nagseselos kaya ako!"

"Sus.. ikaw lang naman ang mahal ko!"

Nang dahil sa pick-up nagka-alaman na!!!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Okay.. pasensya na kung panget.. XD

PLEASE VOTE AND COMMENT AND BE A ELECTRIC FAN!! JOKe.. BE A FAN!

DYKM

One-shot Stories &lt;3 [Story 5]Where stories live. Discover now