Chapter 13

6.2K 287 25
                                    

***

Freya's Point of View

Pagtapos nung nangyari sa room kanina pinababa kaming lahat sa cafeteria, sinama narin namin dalawa--si Shimmer saka Naira.

Sobrang ingay, at malamang kalat na kagad ang nangyari kanina sa room.

Pero, nung tumingin sakin yung babae; i felt goosebumps. Imposibleng siya yun..

"Freya! Huy! Kanina pa kaming daldal ng daldal sayo naka tunganga ka lang." sigaw sakin ni Lorraine.

"Ha? Ay sorry hehe"

"Lalim ng iniisip ah? Anyare?" singit ni Zack

"Wala ka na dun -___- " isa pa yang si Zack! Shet lang, kausapin lang ako nagwawala na puso ko. Pa check up na kaya ako? O kaya maging cold ako sakanya? Ay ewan!

*BOGSH*

"Nyeta, sino bumato non!?" ugh, sakit nun ah =______=

batuhin ba naman ako ng libro! bwiset! err, libro na sobrang kapal tapos hard bound pa -.-

"SINO. BUMATO. NON!?" sigaw ko ulit.

Shimmer's Point of View

"SINO. BUMATO. NON!?" sigaw ni Freya. Grabe, di ko alam na nakakatakot pala si Freya magalit. Ughhh, sino ba kasi bumato non!

Natahimik lahat sa cafeteria, yung ibang specials at elementalists lumabas na ng cafeteria sa takot kay Freya.

(SPECIALS po ang tawag dun sa ang powers lang eh yung parang telepath, time manipulator, shadow manipulator, etc. basta yung hindi sya under ng mga elementals. and ofcourse ang tawag naman sa may mga power na under ng royalty elementals is ELEMENTALS)

"Ako! Ako bumato sayo non, may angal ka?" sabi na siya nanaman may gawa neto eh.

Napalingon si Freya dun sa nagsalita, nung nakita nya kung sino na pa ngisi nalang sya. Err, an evil smirk to be specific.

3rd Person's Point of View

Nang makita ni Freya kung sino ang umamin na bumato sakanya, napangisi nalang ito.

Napaatras lahat, kasama na si Veronica; oo si Veronica yung bumato sakanya. Kahit mga kaibigan nya at lalo na ang ibang nasa loob ng cafeteria.

"Oh! Sobrang honest mo naman, Veronica?" sobrang cold na pagkasabi ni Freya.

"Ts, yabang mo kasi. Bagong pasok lang dito, pasikat na!"

Halatang naaasar na si Freya sakanya. Nagulat ang lahat ng makita ang brown na mata ni Freya ay naging asul. Yung asul na parang dagat. Calm yet dangerous.

Kitang kita ng lahat ang nangyari. Ang iba ay natakot, may naguluhan, at may mga humanga rin.

Maya maya ay biglang nagpakawala ng sobrang lakas na force ng hangin si Freya. Nagulat ang lahat dahil halos masira na ang gamit sa cafeteria.

"Mayabang? Sinagad mo nanaman ako, Veronica." sabi nya sabay nagpakawala ng mga air darts sa paligid ni Veronica habang pinapaikutan siya ng maliliit na tornadoes.

"P-paanong?--"

"You.still.don't.know.me." putol putol at madiin na pagkasabi ni Freya.

Tumalikod na si Freya, ngunit biglang nag release si Veronica ng kung anong bagay na maliliit at umiilaw na kulay violet.

Mga tinik iyon na may lason, tatama na sana ito kay Freya ngunit bigla itong humarap at sinabing

"NOT.SO.FAST!" at biglang naglabas sa harap nya ng wall of fire na saktong makakasangga lang sa mga tinik.

Nasunog ang libo libong tinik na dapat ay tatama sa kanya.

Tumalikod na ulit ito at nagtuloy tuloy ng lumabas patungo sa bahay nya. Sumunod na din ang kanyang mga kaibigan.

Freya's Point of View

Dumirediretcho nako papunta sa bahay ng biglang may pumalibot sakin na itim na usok.

Hm, holy darkness manipulator. Kilala ko to.

"Tristan Arceneux, anong pakulo naman to?"

"Di ko akalain na kilala mo pala ako?" Tinanggal nya na yung nakapalibot sakin na usok.

Di ko sya sinagot, nakakasayang ng oras eh. Parang si Zack lang. Ugh, Zack nanaman!

Aalis na sana ako pero hinarangan nya ako.

"Matanong nga, Prinsesa Freya, sino ka ba talaga?"

"Wag mong sayangin oras mo dahil kahit ako di ko alam kung sino ako. Wala akong alam sa sarili ko, kaya maari ka ng lumayas sa harapan ko."

Sumunod naman sya, siguro natakot? Syempre nakita nya yung nangyari kanina.

****

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong tumingin sa salamin, hanggang ngayon ganon padin kulay ng mata ko. Ugh! Nakakainis! Di ko alam kung anong nangyayari sakin!

*sigh* nakaka stress tong araw na to itulog ko nalang muna siguro to.

Someone's Point of View

Dinala ko na ang pendant sa Haring pinagsisilbihan ko ngayon.

"Mahal na hari, eto na po ang pendant ng Dutchess ng Environs Clan."

"Aba, mabilis ka talagang kumilos ha. Di talaga ako nagkamali sa pagbawi sayo."

"Sumusunod lang po sa iyo. Sige po, aalis nako." Tumalikod nako at tumungo na papunta sa pinto nang magsalita ulit ito.

"Balita ko, nandun siya nung ginawa mo ang inutos ko sa iyo. Totoo ba ito?" Napatigil ako, at humarap sakanya.

"Opo, nandun nga po siya."

"At ano naman ang ginawa mo?"

"Wala po."

"Nakilala ka ba niya?"

"Tingin ko po ay hindi dahil narin siguro sa pagkakatakip ng muka ko at mata lamang ang nakikita."

"Magaling, sige, makakaalis kana."

Habang naglalakad ako patungo sa kwarto ko napaisip nalang ako bigla. Mapapatawad nya kaya ako? Pagdating ng panahon, malalaman nya rin ang katotohanan.

Freya, mapatawad mo sana ako...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Royal Elemental Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon