Chapter 2 Part 2

22.3K 625 10
                                    


"We're here," anunsiyo ni Lance Pierro.

Saka lang napansin ni Catherine na nasa harap sila ng isang mamahaling restaurant. It was an Asian restaurant that served all kinds of Asian cuisine--- Korean specialties, Japanese, Chinese, and others. Alam niya ang restaurant na iyon. Hindi birong pera ang pakakawalan ng sinumang gustong kumain doon. Bukod kasi sa mga pagkain ay world class din ang establisyemento at may nakatalaga pang chef at waiter ang bawat diner.

Lihim na napangiti ang dalaga. Revenge is indeed at hand!

Mabilis na bumaba ng sasakyan ang binata at lunigid sa gawi niya, marahil ay upang  ipagbubukas siya nito ng pinto. Ngunit bago pa man ito makalapit ay mabilis na siyang naka-ibis ng sasakyan. Lihim siyang napangiti nang matigilan ito at tila nainsulto sa iginawi niya. Hindi na rin niya hinintay na alalayan siya nito papasok sa restaurant. Siya na rin ang  naghila ng upuan niya nang makarating sila sa mesa na nasa bandang sulok ng restaurant. 

Hindi na maipinta ang mukha nito nang makaupo sila. "Won't you really let me do those gentlemanly acts?"

Ngumiti siya nang sarkasriko. "I'm not expecting you to be a gentleman." Muli, alam niyang naka score na naman siya.

Sasagot pa sana ang binata nang lumapit ang waiter na nakatalaga sa mesa nila pati na ang chef na siyang magluluto ng kakainin nila. Pinauna niya ito sa pag-order. He settled for Korean food, maaanghang lahat.

"How about you ma'am?" baling sa kanya ng waiter na kanina ay sinenyasan niya nang palihim pati na ang chef na huwag siyang babatiin. Mukhang nakuha naman ng mga ito ang mensahe niya dahil napakapropesyonal ng ginawang pagtrato ng mga ito sa kanila.

"Fresh fruits in caramel dip, please pineapple juice. That's all! And please make sure to do the usual, okay?" Kumunot ang noo ni Lance Pierro nang ngitian niya ang waiter.

"Certainly, Ma'am," anang waiter bago magalang na tumalikod.

"Prutas lang ang kakainin mo? And what's the usual?" baling ni Lance Pierro sa kanya nang makaalis ang waiter at ang chef.

"You'll see," makahulugang sagot niya.

Hindi na ito nagkomento. Lihim siyang nangingiti sa nakikitang pagkabalisa nito. Tila hindi nito alam kung paano magbubukas ng paksang pag-uusapan, katunayan roon ang ginagawa nitong pagtapik-tapik ng mga daliri nito sa ibabaw ng mesa. Ilang beses din niyang nahuling nag-iwas ito ng paningin kapag nahuhuli niya ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Parang gusto tuloy niyang magdalawang isip kung totoo ba talaga ang kayabangan nito dahil sa kaunting panahon ay marami na agad siyang nakitang inconsistency sa personalidad nito.

Nakahinga marahil ito nang maluwag nang maihain na ang mga pagkain, pagkatapos  ay pareho na silang naging abala sa pagkain. Manaka-naka ay nahuhuli pa rin niya itong sumusulyap sa kanya. Agad na nagbabawi ito ng tingin na sinasagot naman niya ng pagkibit-balikat. Iyon nga lang, kahit na anong gawin niyang pambabalewala rito ay hindi pa rin niya naiwasang hindi maapektuhan ng presensiya nito. Hindi kasi nakaligtas sa paningin niya ang humahangang mga mata ng mga kabaro niya na panay ang sulyap sa mesa nila. 

"Would you like some champagne?" Tanong nito nang matapos na silang pagkain,

Tumaas ang isa kilay ng dalaga. Marunong din pala itong magtanong. Akala niya, ito ang tipong hindi humihingi ng opinyon ng iba. "Champagne? What for?" May dapat bang i-celebrate?

"Wala lang," anito. Mayamaya ay sumenyas sa waiter upang hingin ang bill nila.

 Mabilis namang lumapit ang waiter. Nakadama siya ng kasiyahan nang makita ang dalawang set of bills.

When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Completed!)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα