Marriage CONTRACT

7K 137 59
                                    

Ding Dong

“Si Ivo!” sinara ko yung libro na binabasa ko at nagmadaling bumaba para salubungin siya.

“Welcome home! ^_____^” kinuha ko yung hawak niyang itim na bag.

“I’m tired” tapos naglakad na siya papunta sa hagdan.

“Nagugutom ka ba? gusto mo ipagluto kita? ^_^” tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.

“I just want to rest,, and please. Don’t disturb me okay?” at nawala na siya sa paningin ko.

SIGH.

Umupo ako sa sofa saka niyakap ang bag niya.

“Ikaw na lang ihuhug ko.” at di ko na napigilan ang maiyak. Hay naku naman Khate, ano ka ba pagod lang ang asawa mo kaya siya ganun. Hayaan mo na lang makapagpahinga siya at mamaya magiging okay na din siya. Alam ko na! Ipagluluto ko na lang siya para mamaya pag gising niya eh makakakain na siya kaagad.

[Hello po?]

“Nanay Lorna? Si Khate po ito uhm may ginagawa po ba kayo diyan sa bahay?” si Nanay Lorna, siya yung katulong namin dun sa bahay.

[Ay iha ikaw pala yan! Wala na anak bakit?]

“Tamang tama po! uhm nay magpapatulong po sana akong magluto eh. Kung okay lang po??”

[Naku! Pwedeng pwede! Ano bang lulutuin mo para makadaan ako sa palengke ng mabili ko yung mga kelangan]

“Ano po bang madaling lutuin nay? Balak ko kasing ipagluto si Ivo para pag gising niya may makakain na siya kaagad.”

[Ganun ba, itlog na may sibuyas? Hahahaha!]

“Nanay naman eh, siyempre po yung iba naman baka kasi mangitlog na kaming mag-asawa! Hahaha”

[Hahaha, o sige sinigang na lang ang lutuin natin tutal madali lang yun.]

“Yehey!! Sige po nay hintayin ko na lang kayo dito sa bahay. Ingat po!” tapos binaba ko na yung telepono.  Kinuha ko yung bag saka tumayo at umakyat sa kwarto namin. Pagkabukas ko ng pinto eh nakita ko si Ivo na nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog.

“Hay.” Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ang maamo niyang mukha.

“Grabe siguro ang stress mo. Kawawa ka naman” hahaplusin ko sana yung mukha niya pero baka magising lang siya. Naalala ko yung sinabi niya na huwag daw siyang iistorbohin sa pagtulog.

“I love you Ivo, sobra sobra” napatayo ako bigla dahil gumalaw siya at tumalikod sa akin.

“Pati ba naman sa pagtulog? Haha” siyempre mahinang pagtawa lang yan. Pinunasan ko yung luha na tumulo galing sa mga mata ko. Ang sakit, kahit kasal na kami ramdam ko pa din na hindi niya ako mahal at ramdam kong iniiwasan niya ako. Kasalanan ko naman eh, alam kong ayaw niyang makasal sa akin pero wala siyang magawa. Nasira ko ang mga pangarap niya. Imbes na nagmamasters siya ngayon eh subsob na kaagad siya sa trabaho.

Kriing Kriing

Agad kong kinuha yung cellphone sa bulsa ko.

“Hello?”

[Khate!]

“Oh Lui, bakit ka napatawag?” lumabas na ako ng kwarto at baka magising pa si Ivo eh.

[Busy ka ba? Pupuntahan sana kita eh]

“Lui, andito na si Ivo.” Umupo ako sa may hagdanan namin.

[Oh ano naman? Hindi naman siya yung pupuntahan ko]

Marriage CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon