Book 9: Xavier Zach Chua

94 5 4
                                    

“Hi. 'Di ba ikaw Xande…”

“No. He’s my twin,” putol ni XZ sa sasabihin ng babaeng nakangiti sa harap niya ngayon.

“Ah, sorry.”

Tumango lang siya saka ito iniwan.

“Ako nga pala…” Pahabol na sabi ng babae sa kanya. Kahit hindi niya ito lingunin, alam niyang nakasunod ito sa kanya.

“No, I’m not interested.”

Naiwang nakatulala ang babae. Wala siyang paki-alam. Tinuloy niya lang ang paglakad at hindi man lang ito humingi ng patawad.

He’s snobbish. Like hell.

And that is the trait why girls go crazy over him.

“Oh my, god! Every time you hit the ball, you look so delicioso!”

Napakunot na lang ang noo ng binata dahil sinagaw nito. Mula ‘yon sa audience ang sigaw na 'yon. His eyes wandered para hanapin kung sinuman ang sumigaw na ‘yon.

“And yummy as well!”

Hindi na nagugustuhan ng binata ang naririnig niya.

“Pare,” tinawag nito ang isang kateammate. “Alis lang ako.”

“Paano ang practice?”

“You heard my fan. She might eat me any moment. ‘Di pwede ‘yon.”

He got skills on tennis. When I said skills, what I mean was, he’s good, really good.

Another reason why girls go crazy over him. Even good girls go bad.

“Sige na, kunin mo na.”

“Huh?”

“’Diba sabi mo, gusto mo ng human-sized na bear na ‘yan?” Turo nito sa bear na kanina pa tinitingnan ng kasamang babae. “Kunin mo na.”

“Mahal. Baka hindi kita mabayaran.”

Sa gulat ng kasama nito, hindi na siya nito napigilan nang kusang inabot ni XZ ang bear at ito na mismo ang dala niyon para magbayad sa cashier.

However, he’s gentleman and sweet.

But, to the only girl he likes. Love, perhaps.

Sabagay, hindi lang naman tennis ang pwedeng mahalin niya, diba? 

_____

Author's Note:

@sumuko speaking here. Opo, inaamin ko, naging biased po ako sa picture sa limang lalaking susulatan ko ng buhay tennis nila. Sorry na. Sorry na. 'Di ko mapigilan ang pagmamahal ko kay Xavier Zach, e. Hahaha. At 'di ko pala dapat akong magsorry dahil pagmamahal 'yon! Meh. Hahaha. Hi, Xavier Zach! :"> >:D< Ang pogi niya sa picture, ano? Hahaha.

At kung napapaisip po kayo sa unang line ng fan ni Xavier Zach patungkol sa kambal niya... Xande... Check and click niyo po 'yong nasa External Link. Malalaman niyo po ang lahat-lahat. Hahaha. Pareho ko kasi talaga silang lalaki. Hahahaha. So, alam niyo na kung bakit? :D

Siya ang pangsiyam at panghuli lalaki (sa buhay ko) sa Tennis Menace. At isusulat ko po siya. Still @sumuko speaking here. :)

Tennis MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon