Tennis Menace: Teaser

337 11 3
                                    

TEASER 

_______

Sabi nila, first love nila ay ang larong tennis.

“Ano ba, James! Umayos ka nga sa pagpapractice!” sigaw ng kakambal nitong si Jared sa kanya.

 

“Gutom na ako, Jared!” Parang nagmamaka-awang sabi ni James.

 

“Wala akong paki-alam! Magserve ka nang maayos.”

 

Wala namang magagawa si James kung hindi sundin ang kakambal nito dahil kung hindi, baka magbugbugan sila ng wala sa oras sa tennis court.

 

Sa kabilang dako naman, seryosong naglalaro sina XZ at Caleb sa kabilang court. Ang dalawang ito ang laging seryoso sa paglalaro. Kahit sa practice din. Mukha ngang galit sila sa isa’t isa. Pero, hindi naman.

 

At ang ilan naman sa kanila ay nakaupo sa benches. Umiinom ng Gatorade dahil kanina pag nakikipaglaro sa isa’t isa. At nakikipag-away sa raketa at bola ng tennis.

They are playing for the school’s varsity since high school.

Kahit na hindi pa iisa ang pinapasukang eskwelahan dati.

“Wala daw si Coach,” sigaw ng bagong dating na si Kurt. Ang lider-lideran ng grupo.

 

“Alright!” Sigaw ng mga kani-kanina lang ay umiinom ng Gatorade.

 

“Tara, alis na tayo,” pagbibiro ni Harold.

 

Binatukan ito ni Gardo. “Gago! Patalsikin ka pa sa varsity.”

 

“Joke lang kasi,” nakatingin ng masama si Harold kay Gardo.

 

“Oh. Tama na ‘yan,” sabi naman ng kalmadong si Caine.

 

“So…” Nilingon ni Kurt ang mga nasa tennis court. “Hayaan niyo na lang muna silang maglaro. I think, they’re enjoying.”

And then became friends. Close friends. Naging barkada sila. At sila ang naging hari ng tennis court.

“Kailan daw ba ulit ‘yong sa league tournament?” Tanong ni Rocco na bagong dating lang.

 

“Part ka ng varsity, hindi mo alam?!”

 

“Fuck you, Kurt. Tinatanong kita nang maayos.”

 

“Biro lang, P’re.” Nagpeace sign pa ito.

 

“Para kang bading, Kurt.” Puna ng Harold na naging tahimik na dahil hindi makasingit sa sumba… Biruan ng mga kasamang kaibigan

 

“Oh, Harold. Andyan ka pala,” kunwaring pinalambot na boses ni Rocco.

 

“Oo, kausap mo pa ako kanina.” Saad nitong nakatingin lang sa kanya. “Joke.”

 

“Para kayong mga baliw.” Seryosong sabay na sabi nina XZ at Caleb habang naglalakad papalapit sa mga ibang kaibigan.

 

“Saan? Sa pag-ibig?” Nagulat pa sila sa biglang pagsulpot ng kambal. At syempre sa sinabi ng mga ito.

 

 

 

Sino kaya ang maaaring makakuha ng atensyon nila maliban sa larong tennis?

 

Malayo kayang mangyari iyong bagay na ‘yon?

 

At…

 

Sa tennis lang ba sila talaga pwedeng ma-inlove? 

_______

Author's Notes:

(Edited. From comments) MAMAMICH;

Naghihirap ako kaya dito ko na ilalagay ang author's note ko. Balang araw mawawala din ito dahil matatambakan ng mga comments tapos ano mga pagmumura mga ganun. Aasahan ko yun. Nagpapasalamat na ako sa mga sumusuporta, ay mali. Susuporta sa akin este sa gagawin namin ng kamag-anak ko~

PS. Dami mo drama SUMUKO .Bata mo palang ganyan na naiisip mo. Dapat ang pinoproblema mo eh kung ano ang kasunod na episode ng Barney. Mahal kita."

SUMUKO;

Finally! After 8539684534287 years, napublish din ito. Hahahaha! Kasi naman, medyo matagal ding pinag-isipan. Pabago-bago ang isip sa sports. Tapos... Tapos... Problema pa namin 'yong kung paano kami gagawa ng story. I mean, kung POV ba o narrative. At ayon sa nagpag-usapan... Hmm, mahahati. Depende sa author. At depende sa mood ng author. Mehehehe.

Ayooooooooooooon. Sana abangan niyo po 'yong kwento ng bawat isang miyembro nito. Please, please, please!

First collaborated story! Woot, woot! Hahahaha. \:D/ 

Tennis MenaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon