Beautiful Disaster -- OneShot

869 43 12
                                    

Isa sa pinakamagaling na author dito sa wattpad. Pwera biro. Kailangan mong mabasa gawa niya!

**

"I have to go, uhm bye, take care! I love you. Bye din Esther." Nilingon ko ang kaibigan kong hinimas ang likod ko at punung-puno ng simpatya, siguro ay naiintindihan niya ang kinaiinisan ko. Grabe rin! Limang minuto lang kami halos ni Kelvin sa skype ah! Ilang linggo ang hinintay ko para makapag-usap kami sa skype dahil sobrang busy ko sa pag-aaral, tapos ganito? Alam ko namang may nagtext lang sa kanya eh, narinig ko kaya yung phone niya na tumunog.

Dito ako sa Baguio nag-aaral, medtech ang kinukuha ko, si Kelvin naman, architecture, sa Manila. Four to six hours away kami sa isa't isa, pero akala mo OFW ako, o siya, dahil wala na kami halos komunikasyon! Parehas naman namin tina-try na tumawag, pero wala eh, busy eh, kaya eto, nagmamaktol na naman ako sa kaibigan kong housemate ko rin dito, si Esther.

"Wag ka nang ngumalngal, you know, faith plus trust equals successful long distance relationship!" 

"Gaga, nag-eexist ba yung 'successful long distance relationship' mo? O guni-guni lang?"

"Ay ewan ko sa'yo! Maghihilamos na ako, kulit mo kausap." At pumasok na nga siya sa banyo, padabog pa itong sinara sa inis  sa akin. Magka-share lang kasi kami ng kuwarto, dahil nga bahay ito ng tita niya, sa'min lang pinapagamit kasi resthouse lang talaga ito, buti nga at nasa city proper ito eh.

Totoo naman, lahat yata ng kilala kong nainvolve sa long distance relationship ay walang nangyaring matino. May nagkaroon ng other one, may na-fall-out-of-love, may nawalan ng trust, faith, at loyalty. Sa tatlong bagay na yun, isa na lang ang meron ako: loyalty. 

Hindi ko alam kung imagination ko lang yung nakita ko nung magka-skype kami ni Kelvin, pero parang kumikinang ang mata niya na parang blooming.

Pag masaya may iba agad? Umiling na lang ako sa sarili kong iniisip at nagpaka-busy sa pag-sketch ng mga bahay, o kaya interior nito, sa isang notebook ko. Nang natuwa na ako sa dino-drawing ko, pinunit ko ito, at itinapon ang pilas ng papel sa basurahan. Kada nakakatapos kasi ako ng ginagawa kong drawing, tinatapon ko agad, kagaya ng pagtapon ko sa pangarap na maging isang architect balang araw. Si Kelvin ang dahilan nun, nasabi niya sa akin na ayaw niya sanang magkaparehas kami ng field, angboring naman daw, isa pa magaling naman ako sa chem at bio, bagay raw ako rito.

Nagsisisi ba ako? Isang malaking oo. bakit ko ba kasi idinepende ang kinabukasan ko base sa gusto niya? Sigurado ba kasi akong-?

Nahinto ang pag-iisip ko at pagbubuntunghininga nang lumabas ang pangalang "Carl" sa cellphone ko, anglakas ng kabog ng puso ko sa dibdib ko, sasagutin ko ba ito?

"Napatawag ka?" hindi naman gaanong masungit ang pagkakatanong ko, I guess?

"Ay, naistorbo ba kita? Eh kasi, walang pasok bukas, libre ka ba?"

Nagulat ako nang bumukas ang pintuan ng CR at lumabas na rin si Esther, ipinagkibit-balikat ko na lang kung bakit siya nagtagal.

"Sige, labas tayo bukas, goodnight na, itext mo na lang sa akin yung time and place." 

"Sunduin na lang kita sa inyo. Sige."

Aah, naalala ko, hinatid na niya ako noon pauwi, 7 pm kasi natapos ang klase ko eh. Angsama naman ng tingin sa akin ni Esther.

"Akala ko pa naman magkakabonding tayo bukas. Sino naman kameet mo bukas?" Parang nagtatampo pa siyang bata.

"Gusto mong sumama? Si Carl." Mukang nagulat ata siya sa pagbanggit ko ng pangalang Carl, kaya nagsalita siya,

Beautiful Disaster -- OneShotWhere stories live. Discover now