-2-LENARD POV'S

82 7 5
                                    

-2-LENARD POV’S

Halos isang linggo na ang lumipas ng maging kaklase ko siya.Sa isang linggong iyon,isang beses lang niya ako sinagot sa lahat ng sinasabi ko sakanya.Hindi rin siya ngumingiti pag nginingitian ko siya oh ang bumati manlang ng magandang umaga

Hindi lang naman ako ang nag-iisang nakakapansin nun.Halos buong classmate namin pansin ang pananahimik niya,Madalas ko rin siyang mahuling nakatingin kay Ahyan na hindi ko naman mabasa ang nilalaman ng tingin niya

Diba Section 3 yan?Narinig kong tanong nung isang estudyante na kung hindi ako nagkakamali Grade 11 ding katulad ko

Ah,Oo..classmate yan ng pinsan ko,Hindi nga daw nagsasalita sa klase yan kung hindi teacher ang magtatanong

 

Tinignan ko naman ang tinitignan nung dalawang nag-uusap at hindi ako nagkamali sa kutob kong si Yzhel ang tinutukoy ng mga ito na kanina lang ay tinitignan ko rin

Baka naman weirdo kaya ganun!

Malay ko,pero alam mobang madalas niyang kasama yung tatlong gwapo sa grade 13.

Oo,nga!pansin ko rin,ang landi naman niya.Wala siyang kinakausap pero tatlong lalaki ang nakakasama niyaNapailing naman ako sa mga naririnig ko

Pinasya ko nalang na umalis sa bench at maglakad papuntang library.Pag ganito kasing wala kaming isang subject madalas akong pumupunta sa library para magbasa-basa.Hindi naman ako matalino at nagpapakatalino

Hobby ko narin kasi ang magbasa at pumunta sa mga tahimik na lugar.Hindi rin naman ako pang hearthrob para hangaan ng maraming estudyante sa school namin.Normal lang ang buhay ko kahit pa nga hirap ako sa buhay at wala ng mga magulang

Sa paglalakad ko may nakabangga akong lalaki,Bigla nalang kasi itong sumulpot sa dadaanan ko.Kung hindi ako nagkakamali isa ito sa nakakasama ni Yzhel,Ang alam ko nga sikat ito sa school namin.Tinignan ako nito ng mabuti pagkuwan ay ngumiti

Gumanti ako ng ngiti,Mukha naman kasi itong mabait at hindi mayabang tignan.May mga lalaki kasi sa school namin na masanggi mo lang ng konti basagan na ng mukha ang kasunod niyon

Jhomar..Tara na!Isa pa sa nakakasama ni yzhel ang tumawag dito,Kung hindi ako nagkakamali Nico ang pangalan nito na siyang madalas bukambibig ni Carmella na kaibigan ko

oh,Pano..ingat nalang pare!sensya na!Hindi ko man gaanong naintindihan yung sinabi nito sakin,bahagya nalang akong tumango at nag tuloy na ulit maglakad

Madaming tao sa hagdanan,Mga magkakatropa na doon pa talaga tumambay,Pinasya ko nalang tuloy lumiko at gamitin ang elevator.Tutal naman at nasa third floor ng building ang library namin.Nagmamadali akong nagtatakbo para makaabot sa papasarang elevator

Halos madapa pa nga ako para lang makahabol.Bahagya ko naman inayos ang sarili ko at tumayo ng tuwid ng makapasok sa elevator.Dun ko rin lang napansin na ang kasama ko pala sa elevator ay si Yzhel na kanina lang ay pinagmamasdan ko habang nakatambay ako sa bench

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CAN I STEAL A LITTLE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon