Chapter 35: Finale

10.6K 619 184
                                    

Hindi makapaniwala si Mayor na hawak niya ngayon ang kahon na naglalaman ng rosaryo ni San Lorenzo Ruiz, isang artifact na kung titignan ay simple lamang at gawa sa ordinaryong materyales

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi makapaniwala si Mayor na hawak niya ngayon ang kahon na naglalaman ng rosaryo ni San Lorenzo Ruiz, isang artifact na kung titignan ay simple lamang at gawa sa ordinaryong materyales. Pero ayon sa simbahang Katoliko, ito'y nagtataglay ng malakas na kapangyarihan. Nanginginig ang kanyang kamay sa paghawak lamang sa kahon, pero hindi rin niya mapigilang ngumiti. Somehow, naniniwala sila na may gabay ng Diyos na kanila iyong natagpuan.

Pabalik na ang Pajero mula sa Lucena City tungo sa Daigdigan. Kung may blessing ng Diyos na nakuha nila ang rosaryo ay may pinapakita ring pangongontra ang dimonyo, pagka't lumakas na naman ang ulan at ang direksyon pa ng hangin ay pasalubong sa kanila.

Nag-ring ang cellphone ni Mayor. Si Karen.

"Hello?"

Sa Dead Room, hindi maganda ang sitwasyon na nagaganap. Nakatayo sa may pintuan si Karen kausap si Mayor sa cellphone at makikitang hinahangin ang kanyang buhok at may kakaibang liwanag na tumatama sa kanyang mukha.

"Sonny!" sigaw ni Karen. "Bilisan n'yo!"

"Bakit? Anong nangyayari?" sabi ni Mayor sa kabilang linya. Hindi sila gaanong magkarinigan dahil may malaks na ihip rin ng hangin.

"A-ang portal..." sabi ni Karen.

Lumingon si Karen para tignan ang nangyayari sa loob ng Dead Room. Mas lumala pa ang sitwasyon.

Si Berta ay lumulutang sa ere.

Naalis na ang mga tali niya sa katawan at sa taas ng ulo ng bata, sa kisame, ay may maitim na ulap na namuo. Sa gitna ng ulap ay may butas papunta sa isang dimension-ang Portal, at ito'y unti-unting bumubukas. May malakas na hangin itong pahigop. Dinig sa loob ang malakas na tunog ng ipo-ipo. Ang hospital bed na kinalalagyan ni Berta ay umuuga at nanganganib na makalas sa kanyang pagkakabarena.

"Itay!" sigaw ni Berta.

"Berta!" tawag nina Kanor at Wendell.

At mabilis na bumalik ang boses ng dimonyo.

"Akin na ang batang ito!"

Papalit-palit ang boses ni Berta at ng dimonyo.

"Lumalaban si Berta! Pinipigilan niyang mahigop siya sa portal!" sigaw ni Father Markus at sinabi kina Kanor at Wendell, "Kausapin n'yo si Berta! Sabihin n'yong lumaban lang siya!"

Hawak nina Kanor at Wendell ang binti ni Berta, hinahatak nila ito pababa pero may force na pumipigil sa kanya.

"Lumaban ka, anak!" sigaw ni Kanor.

"Laban, Berta! Laban!" sigaw naman ni Wendell.

#

Tumatakbo ang Pajero sa kahabaan ng provincial road.

"Bumukas daw ang portal," alalang sabi ni Mayor. "Nanganganib si Berta."

"Kailangan nila ang rosaryo!" sabi ni Hepe.

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseWhere stories live. Discover now