[Chapter 12]

4.3K 61 3
                                    


CHAPTER 12: REVISED

DONT FORGET TO VOTE! Madali lang po yang i.click salamat po. Kahit yun lang sasaya na ako. Thank you. Ang hindi magvote, ipakukulong ko. HAHAHA dejoke lang. Basta sige na i.click niyo na. Go. Sigeeee na. Icliclick na yan. Haha. Thank you :

BTW, Jane Lhee Hilario on the right side. :)

Chapter 12

Pagkatapos ng araw na yun wala namang masyadong nangyari samin ni Kyle. Syempre hindi mawala yung pag-aaway namin. At saka hindi talaga natatapos yung araw na hindi namin magamit ang acting skills para pagselosin si Lexie. Habang tiningnan ko si Kyle, na kahit nakangiti siya alam kong malungkot padin siya. At hindi maiwasang may babara sa lalamunan ko habang inisip ko yun. Na sana maging masaya na siya. Na sana, na sana . . .

“Hoy Kayla?!” Inaalog-alog ako ni Kyle. Masyado ata akong napaisip kaya nakalimutan kong kasama kop ala si Kyle at nandito kami sa Library. 

“Aray naman, kung maka-alog ka parang walang bukas.” 

“Kasalanan ko bang hindi ka nakikinig?” Inirapan ko lang siya.

“Maiwan ka nga dyn!” Nagwalk out ako, kasi ewan, trip ko lang magwalk out. Tumingin ako sa likod ko baka sinundan niya ako, pero wala akong nakitang Kyle. Bwesit talaga yung monster na yun! Ehh bakit ka naman nagagalit? Ina-ano ka ba ni Kyle? Tss. Kaya tinuloy ko nalang yung paglalakad ko. Pero may biglang humawak sa braso ko.

“Kyle?” Tiningnan ko siya, pero ayun nakangiting wagas na wagas.

“Gulat ka no?” With matching evil smile pa, naku ha.

“H-Hah? Pinagsasabi mo?” 

“Naku, wag ka na ng magdeny. Hinanap mo ako kanina ehh.” Tapos nilagay niya yung isang kamay niya waist ko at hinila niya ako at masyado na akong malapit.  

“H-Ha? W-wala ahh. Feeling mo n-naman.” Tapos nilaro-laro niya yung buhok ko.

“Aysows, deny pa tong babe ko.” Nagkakagoosebumps talaga ako tinatawag niya akong babe. Tapos bigla niya akong sinadal sa pader. 

“T-Teka Kyle.” 

“Ano?” Tapos nilapit niya yung mukha niya sakin. 

“A-ano bang nakain mo nga-ngayon?”

“Wala naman na miss lang kita.” Papalapit na yung mukha niya, pininkit ko yung mata ako. Tapos dinilat ko naman at biglang nagkasalubong yung mata namin ni Lexie at bigla siyang umalis. Iniwas ko agad yung mukha ko sa mukha ni Kyle.  

“Ano ba yan babe?” Tiningnan ko siya, yung walang ekspresyon na mukha ko. “Anong problema?”

GIRLFRIEND for HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon