Chapter 3

10 2 0
                                    


Damsel


"Macoy!" Sigaw ko nang madaanan ako ng aking pinsan dito sa aking kinauupuan.

Tumigil sya sa pag lalakad at nilingon ako. Agad kong niligpit ang aking gamit at tinakbo ang distansya sa pagitan namin.

"You don't have class?"

Sinabayan ko ang kanyang paglalakad.

"Minor lang naman. Di naman ako babagsak 'don."

Napangiwi ako sa kanyang naging sagot. Kung ganyan palagi ang magiging prinsipyo nya ay hindi ko nalang alam kung makaka graduate ba sya.

"San punta mo ngayon?"

"We're going to meet Tamara." Ngumisi sya ng pilyo at inakbayan ako.

"Tamara? You mean the girl on the mall?"

Ang tinutukoy ko ay iyong magandang babaeng hiningian nila ng number noong nakaraang linggo sa mall.

She looks so classy and smart. I didn't expect na kakagat sya sa mga kalokohan nitong mga 'to.

"Bakit kailangang may alipores ka pang kasama? Where's your balls? Scared to meet her alone eh?"

Agad nyang pinitik ang aking noo. Siniko ko naman sya bilang ganti.

"They wanted to see her too! Pinilit lang nila ako. Dapat nga ay date namin ito eh."

"Speaking of them. Nasaan sila Minton?"

"Ayon nga. Papunta akong Guidance Office ngayon."

Sa sinabi nyang iyon ay hindi na ako nagulat pa. Napailing na lamang ako sa kalokohan ng aking mga kaibigan.

Nang marating namin ang Guidance Office ay naabutan naming tamad na nakaupo si Minton sa labas.

"Nasa loob padin?"

"Oo. Tagal nga eh naiinip na ko."

"Ano nanaman bang ginawa?" Bahagya kong sinilip ang bintana ng pinto. Ngunit halos lumipad naman ako ng bigla iyong bumukas mabuti na lamang at gumilid ako kaagad. Niluwa noon si Chico na naka ngisi.

"Anong sabi?" Humahalakhak na tanong ni Macoy.

"Wala. Pinalagpas na. Nagsasawa na daw sya sa pagmumukha ko."

"What did you do this time, Chico?" Pinag taasan ko sya ng kilay at sinundot ang band aid sa kanyang baba. Hindi ata nawawalan ng sugat at pasa tong isang to eh.

"Don't give me that look, Arisse. I didn't hurt anyone."

"Ano palang nangyari?"

"The SG President caught me smoking." Pinasadahan ng kanyang kamay ang kanyang buhok. Kuminang ang kanyang itim na hikaw dahil doon.

"May gusto ata sayo yon eh. Ikaw lagi puntirya."

Napangiwi ako sa sinabi ni Minton.

"Why don't you court her? Come to think of it, she's not that bad. Alisin mo lang yung makapal na salamin."

"Alisin mo narin pati damit. Sobrang ganda siguro talaga non-" natigilan si Macoy sa kanyang kamanyakan nang hampasin ko sya.

Nginiwian nya lamang ako. Nagsimula na silang maglakad. Sumunod na lamang din ako dahil bored na bored na akong mag isa.

May klase sina Pau at Miel habang si Jen naman ay hindi pumasok dahil daw sa kanyang dysmenorrhea. Kaya't heto ako ngayon at hindi malaman kung saan pupunta.

Mr AlmostWhere stories live. Discover now