CHAPTER 1

2.4K 63 12
                                    

Chapter 1

“Ok, Start na tayo! 1, 2, 3, GO!” Sigaw nang student director.

Agad namang nagsikilos yung mga student sa malaking auditorium ng Kangnam International, mga kasapi sila sa Theater Arts Club.

Nagsimula nang mag-record ang mga ito para sa kanilang malaking project.

“Ang Pag-ibig parang tinta ng ballpen lang yan” Akto nung lalaki na may hawak na tinta ng ballpen. “Nauubos rin” Saboy tapon nito ng hawak.

Lumipat naman sila ng ibang scene “Ang pag-ibig para lang yang sapatos na di kasya sayo...  wag mong ipilit” Sabay flip ng babae sa buhok.

Papalit-palit ang mga ito ng scene “Maihahalintulad mo lang din ang pag-ibig sa menu sa Canteen… may choice ka, Girl! Wag tanga pumili” Maarteng sabi nung bakla. Tahimik namang natawa yung mga tao sa paligid.

Natatawa paring lumipat sa isang scene ang mga ito.

Naglalakad ang babae at may mga tuyong dahon na pumapatak, nilimot niya ang isang dahon “Tulad ng dahong ito…” Sabi nung babae, kasabay ng pagtugtog ng isang malungkot na melody “Lumilipas din ang pag-ibig… nawawalan ng kulay… at nawawasak” sabay durog niya ng dahon “At sa isang iglap lang, kasabay din ng pag-ihip ng hangin na ito” Biglang pinayid yung dahon ng hangin mula sa electricfan sa gilid “… na naglalaho na lang na hindi mo na naramdaman” sabay pikit ng babae na waring nalulungkot.

“Hep! Hep! Hep!” Singit nung matabang bakla dun sa scene. Binigyan nito ng AMpalaya ang babae “Eto Ampalaya, pakuluan mo baka sakaling tumamis, pagkatapos inumin mo na rin! Bagay kayo Ate, parehas Bitter!” Maarteng pagkakasabi nito sabay tulak sa babae paalis sa scene na yun at itinaboy din ang mga dahong nagkalat sa ibaba.

Hindi magkandaugaga ang mga student sa pagpipigil sa pagtawa.

Napalitan ng masayang melody yung background ng scene “Students try niyo muna kasing intindihin yung pag-aaral niyo” Pangaral ni Bob, siya ang president nang Student Council, nasa ikaapat na ito na baiting ng kolehiyo. “Masarap magmahal o lumandi kung wais ka sana! Pero kung tanga ka rin naman, ang sarap mong ingungod sa desk at ipakain sayo lahat ng Math problems!”

Bumontong hininga ito “Try mo munang hawakan yung ballpen mo kaysa makalyong kamay ng jowa mo, harapin ang glass board kaysa kaharap yung pagmumukha niya. Basahin ang libro kaysa malalanding text niya na nauwi lang sa paghaharutan niyo, na inumaga ka sa kakatext, na sana ay pinag-aral mo na lang dahil may exam pa bukas”

“Kung ayaw niyong maging ampalaya. Unahin ang pag-aaral students” Pumasok na sa scene yung ibang members ng club “Pag-aaral muna bago landi” Sabay-sabay na sabi ng mga ito.

Nagsalita naman yung president na nasa gitna “Ito ang Campaign ng Theaters Art Club na nangangaral sa lahat ng makakarelate at kung hindi ka man makarelate, Conratulations! Dahil Single ka!” Malakas na tawa nito “Wag kang mag-alala hindi naman patakaran sa school ang “Single-No Entry. In a Relationship- Double Entry. It’s Complicated-Magbakod ka na lang.” Bigla namang nagtawanan yung mga kasama nito sa scne at ganun din yung ilang mga students na nasa gilid.

“Anyways! Iyon lang po at paalam! We're from Theaters Art Club!” Sabay-sabay na sigaw ng mga ito.

“Ok! Cut!” Malakas na sigaw rin ng Student Director.

“Yeheeeey!” Panay sigawan ng mga ito. “Tapos na natin!” Pagbubungyi ng lahat sa natapos na proyekto.

“Guys! Magpapakain daw si Baklang Agusto sa Canteen” Sigaw nung secretary ng club. Ang tinutukoy nitong Agusto ay ang president ng Club nila.

Lalo namang nagsigawan ang mga ito at pinagliligpit na ang mga gamit.

“Hoy, gandang babae, parito ka!” Tawag ni Agusto kay Darlene, ito ang nakababatang kapatid ni Dominic na kasali rin sa Theaters Art Club. Freshman pa lang si Darlene sa Kangnam International.

Nakangiting lumapit sa table ng mga ito si Darlene “Ano yun, Kuya Agusto?” Magiliw nitong tanong.

Bigla namang hinila ni Agusto ang buhok ng dalaga “Aray naman, Kuya ----“

“Tawagin mo pa akong Kuya, sasabunutan na kitang bata ka”

Natawa naman si Darlene at hinampas ito “Ano yun Bakla?” Walang galang na sabi nito. Nagtawanan namna yung mga nasa table nina Agusto.

“Mana ka sa Kuya mong pasaway!” Pagtataray ni Agusto. May inabot ito kay Darlene na Envelope. “Ibigay mo kay Dominic yan. Mahalaga yan Hija, mas importante pa sa buhay mo. Pag yan nawala baka masaksak kita ng biglaan” Natatawang banta nito sa dalaga.

Natawa rin si Darlene “Ano ba ito?”

“Yan ang memory card nang ginawa naming Campaign, ngayon lang. Si Dominic yung mag-eedit. At sa hindi ko malamang dahilan kung bakit wala dito ngayon yang Kuya Dominic mo!”

“May Date siya” Agad na sabi ni Darlene.

Mukha namang nainis si Agusto “Oh yan! Ibigay mo sa kanya! At sabihin mo panuorin niya! At makakarelate siya diyan!” Dire-diretsong sabi nito.

“Syempre, papanuorin niya. Ie-edit niya eh” Ganting sabi ni Darlene.

“Etchusera kang bata ka! Layas na!” Taboy ni Agusto dito.

“Selos lang si Baklang Agusto, eh” Sabi pa ng isa sa mga nasa table na yun. Agad naman ang paghampas ng papel dito ni Agusto.

Naglalakad na pauwi si Darlene nang nag-vibrate ang cellphone nito. Tiningnan niya ang bag at hindi niya makita ang cellphone dahil nakahara yung envelope sa mga gamit niya.

Kinuha niya yung envelope sabay inilabas at dahil tatanga-tanga yung mga dumadaan ay nasagi nila ang kamay ni Darlene at nahulog yung envelope kasabay nun yung paglabas ng memory card sa loob nito.

At nag slow-motion ang lahat ng dahan-dahang bumagsak yung memory card sa mismong butas ng kanal.

Napatigil si Darlene. “N-N-No! No!” Histerikal nitong sabi nang hindi na niya makita yung memory card. Napaluhod ito dun sa butas. “Noooooo!” Mangiyak-ngiyak niyang sigaw “Paano na ito! Lagot ako” Nanlulumo nitong sabi.

Umiiyak si Darlene na pumasok ng 7Eleven. Pumunta siya dun sa sulok at nagsimulang umiyak. Naaalala niya yung bilin ni Agusto kanina lang. Hindi niya tuloy mapigilan ang umiyak.

“Siguro, Heart Broken” sabi nung babae sa kabilang table.

“Oo nga kawawa naman. Baka nkipag-break yung Boyfriend” sagot nung isa.

Lalo pang napahagulhol si Darlene. Pag umiyak dahil agad sa HeartBroken?! Nasaan ang hustisiya dun?! Panay ang hagulhol niya sa kamalasang nangyari.

Napakinig niyang bumukas ang pinto ng seven eleven at ang bango ng pumasok. Pero hindi niya yun pinagtuunan ng pansin.

Maya-maya napukaw ang atensiyon niya ng mahinang tunog. Napatingin siya sa harapan niya at nakita ang isang gwapong lalaki na nakangiti sa kanya. Nakayuko ito sa harap niya at nasa labas ng 7 eleven. Ang gwapo ni Kuya!

Na-concsious siya kaya pinahid niya ang pisngi.

“There’s always a rainbow after the rain” basa niya sa ‘note’ na ikinapit ng lalaki. Medyo napangiti siya sa nabasa.

Agad naman din itong nawala sa harapan niya. Dali-dali siyang lumabas at natanaw na niyang sumakay ito ng kotse. Tinitigan niya ang plate number ng kotse nito.

Lumapad na yung ngiti niya at unti-unting lumapit dun sa note na nakakapit dun sa glass.

“Till we meet again, Mr.” Sabi ni Darlene at tinitigan ang hawak na note.

VOTE. COMMENT. FOLLOW. XOXO

 AN; I bet, madami yung nag-akala na kaya siya umiiyak dahil sa baka heartbroken si Girl. :'> Pero hindi pooo... 

*** LOVE NOTE *** [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon