Kabanata 1

6.9K 160 157
                                    

Kabanata 1 : Panaginip
Ayesha's Point of View

"Teka, nasaan ako?" Tanong ko sa aking sarili. Madilim dito at ni-aninag ng ilaw ay wala kang makikita. Wala naman akong na-aalala na na-trap ako sa isang silid. Kaya nasaan ako?

"Walang mababago ang kasalukuyan, sa nangyari sa natapos na. Ikaw ang nakatadhana, baguhin ang dapat sana," sabi ng isang tinig. Hindi pamilyar ang tinig, hindi ko rin alam kung saan nanggagaling yaon.

Hinanap ko parin sa dilim kung sino ang nag-salita. Pero kahit anong gawin ko, wala talaga akong makita. 'Di ko din maintindihan ang mga tinuran niya. Kapa ako ng kapa, umaasang may mahahawakang switch ng ilaw.

Pero, wala.

"Nasaan ka?" Tanong ko sa tinig, umaasang sasagot ito. "Nasaan ako?" Dagdag kong tanong. Pero muli, walang sumagot. Nag-echo lamang ang boses ko.

Maya-maya'y may lumitaw na ilaw. Nagsimula sa isang butas, hanggang sa dumami ng dumami. Nahirapan mag-adjust ang mata ko sa liwanag, pero nang makapag-adjust na ito, nakita ko na ang lugar na kinatatayuan ko.

Pwede kong masabi na silid ito, pero kung gagawin kong ispesipik, ako'y nasa loob ng rehas. "Paano ako napunta dito?" Nagugulumihanang tanong ko sa aking sarili. Paano ako napunta, sa loob ng kulungan?

"Ika'y babalik, sa panahong walang naisaliksik. Babaeng nagtanggol, at babaeng bisyo ang ginugol," muli, narinig ko ang tinig ng isang babae. Maliit ang boses, at tila'y seryoso.

Sinundan ko ang pinang-gagalingan ng boses, at sa sulok, nakita ko ang isang batang babae. Seryosong nakatingin saakin, at tila ba'y nakangiti. "Na-nasaan tayo?" Tanong ko dito.

Tumayo siya't nilapitan ako dahan-dahan. "Nasa panahon, kung saan ang lahat ay binaon," naguguluhan ako. Ang lalim niyang magsalita. Magtatanong pa sana ako ng biglang may maingay na bagay ang bumalot sa atensyon ko.

Kring! Kring!

Napaupo ako sa higaan ko. Pawis na pawis kahit walang ginawang kahit na ano. Napapunas ako ng pawis gamit ang kumot na hawak ko. Kaya naman pala ako pinag-papawisan, nakakumot ako kahit mainit.

"Ayesha! Baba na! Kakain na!" Rinig kong sigaw ng Kuya ko. Kahit kailan talaga, ang ingay ng bibig niya. Kalalaking tao, dinaig pa ang babae sa ingay ng bunganga.

Tumingin ako sa orasan. 4:13 am. Kaya pala ang dinilim pa sa labas ng bintana.

"Ano bang meron!?" Sigaw ko pabalik habang tumatayo sa higaan. Inayos ko na rin ito bago buksan ang pintuan ng kuwarto ko, sakto namang bumungad saakin ang mukha ng kuya ko.

"Our fieldtrip, remember?" Hindi niya ako hinintay sumagot, basta nalang siyang dumaan saakin. Fieldtrip? Fieldtrip! Tama! Teka! 5:30 ang alis ng bus!

Agad akong kumuha ng damit sa kuwarto bago tumakbo pababa ng hagdan. "Mauna na ako sa'yo kuya!" Sabi ko nang papasok na si Kuya sa banyo. Napasapo naman siya sa mukha niya.

"Ayesha!" Sigaw nito.

Wala na siyang nagawa dahil ni-lock ko na ang pintuan ng banyo at nagsimula ng maligo.

"Hayaan mo na ang kapatid mo JM," rinig kong sabi ni Mama bago tumawa. Panigurado nagluluto siya ng pabirito naming almusal.

"Eh? Ano pa nga ba. Hayst!" Bad trip na sabi ni Kuya. 4 years ang agwat namin. Isa akong Grade 9 student, at siya naman Grade 12.

Ang araw na ito ay ang araw ng fieldtrip namin. First time kong sumama sa fieldtrip ever since na pumasok ako sa school, kaya nga excited ako ngayon e dahil first time.

Pagkatapos kong maligo ay pumunta na agad ako sa kusina. Nakita ko si Kuya na kumakain na. "Hay nako. Napaka-patay gutom talaga," bulong ko habang iiling-iling.

"Hay nako. Napaka-isip bata talaga," bulong din ba sabi ni Kuya JM at umiling-iling habang sumusubo ng sangag na kanin.

"Oy! Kayong dalawa nag-aasaran na naman kayo! Bilisan niyo na ngangkumilos at baka mamaya kayo nalang ang hinihintay ng bus!" Sermon ni Mama.

"Opo," sabay namin sabi. Umupo na ako sa upuan at sinimulan na ang pagkain.

———

"Una na po kami!" Sabay naming sigaw ni Kuya kay mama bago umakyat sa loob ng bus. Nasa likod ako, nandoon kasi ang lahat ng Grade 9 students.

Saktong pagka-upo ko, umandar na ang sasakyan. Naipikit ko ang mata ko dahil sa aga ng gising ko kanina. Pero hindi pa man ako nakakatulog, may tumawag na sa pangalan ko.

"Ayesha," paulit-ulit na sabi ng tinig.

Dinilat ko na ang mga mata ko. Isa lang ang nakita ko pagdilat ko. Isang batang babae na may hawak na laruan. Nakangiti siya saakin at tila sabi niya'y sumunod ako sa kaniya.

Tumakbo siya palayo kaya sinundan ko siya dahil na din sa curious ako sa kung saan niya ako dadalhin. Ang ipinagtaka ko lang, nakahinto ang bus, ang lahat ng kasama ko dito ay tulog.

Bumaba 'yung bata sa bus at dumaan sa mapunong lugar. Nakahinto pala ang bus sa gilid ng kalsada. "Teka bata! Hintayin mo ako!" Sigaw ko dito.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero tumakbo ako't sinundan ang batang babae. Saan kaya siya pupunta? Baka dito ang bahay nila? Napahinto ako sa gitna ng gubat. Gubat, ang napasukan ng bata.

Teka! Baka naliligaw na ang bata. Bakit kasi dito pa siya pumunta. Naglakad ako't umikot-ikot sa mga puno, umaasang makita ang bata, pero wala.

"Ayesha," sabi ng isang tinig na nagmumula sa likuran ko.

Napaharap ako doon at nakita ang isang babae na nakasuot ng lumang kasuotan. May hawak din siyang itak na ikinatakot ko. "Sino ka? Ba-bakit kilala mo ako?" Tanong ko dito.

"Ayesha," sabi ng isang tinig. Napatingin akong muli sa likuran ko, at isang babae pa ang lumabas mula dito. Mas magara ang kasuotan niya, mukha din siyang mayaman. Maganda at maputi siya.

"Si-sino kayo? P-paano niyo nalaman ang pangalan ko?" Naguguluhang tanong ko sa kanilang dalawa.


"Ako si Juanita," nakangiting sabi ng babae na may hawak na itak.

"Ako naman si Diana," sabi ng may magarang damit.

"Tulung—"

"At ngayon nandito na tayo sa Philippine History Museum."

Napadilat ako ng marinig ang Tour Guide. Nanaginip lang pala ako. Nagsitayuan na ang lahat at bumaba na sa bus. "Ayos ka lang?" Tanong ni Kuya nang makababa kami.

"Ah, Oo," sagot ko, pero sa totoo lang, hindi.

Sino si Juanita at Diana?

Katipunerang GangsterWhere stories live. Discover now