Prologue

116 0 0
                                    

Hay buhay! Parang obstacle! Ang hirap! *sigh* Dami ko problema ngayon! Ung renta sa bahay, ung pangpa-gamot ni mama, ung tubig at kuriente, tapos dumagdag pa ang sandamak-mak na trabahong binigay sa akin nung pesteng Chief Editor na yan!

Ako nga pala si Nayumi Audrella Yang, or just "Yumi". Ang mama ko lang ang nagpalaki sa aming dalawa ng kapatid kong babae na si Yuri dahil never naming nakilala o nakita manlang si papa. Simula nung ipinanganak kaming dalawa ni Yuri, never pa naming nakita ni hibla ng buhok ni papa. Kakambal ko nga pala si Yuri or "Nayuri Andrella Yang". Ang surname ni mama ang linagay sa mga birth certificates namin. "Yang" ang surname namin kasi half-korean si mama. 

"Hoy Yang!"

"Ay Yang!" napa-hiyaw ako ng biglang may pumukpok na rolled magazine sa ulo ko. Tumalikod ako para makita kung sino ung taong nagkamali na pukpukin ako. "HOY ANG LAKA---- Ay! Kayo po pala Sir!" Nang pag-lingon ko, nakita ko lang naman ang dakilang pahirap sa buhay ko. Ang pesteng Chief Editor na si Marcos Allan Rodriguez. 

"Ano to?!" sigaw nya sa akin habang pinapakita ang report ko nung nakaraang-araw. "Ah ung report k-"

"ALAM KONG REPORT 'TO!" 

Grabe naman maka-sigaw 'tong lalaking to! Kalalaking tao ang lakas sumigaw! Nakalulon siguro to ng megaphone!

"Ah Sir ano po ba ang problema?"

"Ulitin mo to!"

Aba! Loko to ah! Hindi ba nya alam kung gaano kahirap gumawa ng report para sa Chess Monthly? Nakaka-gago na ah!

"Teka Sir! Ano po ba ang problema? Ang hirap po gumawa nito tapos ganito lang?! Ano po bang mali sa ginagawa ko?!" 

"MALI ANG LAHAT NG ITO! Hindi mo ba maintindihan? At wala akong pakielam kung nahihirapan ka! Responsibilidad mong gumawa ng report na nababagay para sa mga magazine ng Chess Monthly! Gawin mo kung ano ang dapat mong gawin at wag ka nang umangal!" 

Nakakainis! Wala na akong ibang nagawa kung hindi kunin nalang ang nasayang kong report at gumawa ulit. Grabe, nangingilid na ung luha ko dahil sobrang pinag-hirapan ko ito!

"Sige pwede ka ng umuwi pagkatapos mong mag-ayos dyan. Bibigyan kita ng oras para matapos yan at ipasa mo sa akin BUKAS NA BUKAS! Naiintindihan mo?" tapos ayun napa-tango nalang ako. Pesteng buhay oh! Tapos ayun umalis na sya. 

"Hey! Nakita ko lahat, OK ka lang ba?" biglang tanong ni Arra, best friend ko. Actually Ciarra Alunin ang real name nya pero ang tawag naming lahat dito sa office is Arra. 

"Oo, ang sungit talaga nung lalaking yun!"

"Ano ka ba? Sobrang hot nya kaya kahit masungit!"

"Yeah! How I wish masigawan nya rin ako sa mga susunod na araw!"

"Alam mo Yumi, you're so lucky kasi ikaw ang madalas nyang sigawan!"

Grabe lang ha! Naki-sali na lahat ng babae dito dahil lang sa asungot na yun? Tss. Makapag-ayos na nga ng maka-uwi na! Pani-gurado hindi na namang nagluto ung si Yuri. Tamad kasi un eh

Nandito ako ngayon sa taxi pauwi sa bahay. Nag-kakalikot ako ng phone ko ng biglang nagtext si mama.

From: Mama 

10/09/12 - 5:37 pm

Hi Yumi! Pauwi ka na ba?

To: Mama

10/09/12 - 5:38 pm

Opo mama bakit po?

From: Mama

10/09/12 - 5:40 pm

Anak, wala kami sa bahay ng kapatid mo. Nandito kami sa restaurant na katabi ng Hemsworth University. Dito nalang tayo mag early dinner may ipapakilala din ako sa inyo. 

To: Mama

10/09/12 - 5:43 pm

Sige po ma! Mga 6:00 pm po dyan na ako! Love u po!

Pag-katapos nun, di na ulit nag-reply si mama.

Our Little Secret **ON-GOING** (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon