Maraming beses na akong kinilig
Ilang ulit na rin naman akong nasaktan
pero mas nakakapagod sa lahat ay ang umiyak at masaktan ng patago.
Ako'y nagbabakasakaling iyo'y mapansin
Kahit sa panaginip ikay nakikita
Ayoko na sanang magising pa pero....
kailangan ko nang tanggapin ang lahat.
ika'y para sa iba at hindi para sa akin.
Kaya may pagkakataong naisip ko nang sumuko.
Dahil sa pag-ibig ako'y bigong-bigo
Sana hindi na lang puso ko ang pinana ni kupido.
Para hindi lang ako ang nag mamahal ng nag-iisa.
Ngayon alam ko na puso ko'y pinaglaruan ni Kupido. :/