Chapter 16: Confession

130 4 0
                                    

Miles' POV

*at the school gate*

Pagkapasok ko ng gate mabilis kong tinungo ang daan kung saan maaari ko siyang makita. At hindi nga ako nagkamali agad kong nakita si Kazari na kasama si Jack at Shane.

"Let's talk... " sabi ko pa habang humarang ako mismo sa harapan nila . Ayaw ko naman kasing sumigaw  noh,  baka mamaya sumuka pa ako dito eh.  Nakakahiya...

"Bakit 'di ka pumasok?  San ka galing?  Bakit amoy alak ka? " sunod sunod na tanong sakin ni Kazari

'Gandang bungad' napapa iling na lang ako sa isipan ko

"I said let's talk. " walang emosyong sabi ko ngunit nakatitig ako ng direkta sa mga mata ni Kazari

"Woah!!! Chill lang mga pre. " sabi naman ni Jack na parang sumu surrender na

"Masyado kayong hot! " dugtong pa ni Shane

"Eh kung ingudngod ko kaya 'yang mga mukha niyo sa kumukulong mantika sa nagtitinda ng kwek kwek!" singhal ko

Itinuro ko pa si manong na angbebenta ng kwek kwek sa may kanto.  Nakakainis na kasi,  lahat na lang ginagawa nilang biro.

"Joke lang" sabi ni Jack habang naka peace sign

"Eto naman,  'di na mabiro. " sabi pa ni Shane

Hinila ko na agad si Kazari sa kotse ko.  Bago pa ko tuluyang mainis sa dalawang 'yon.  Kaya ko pa naman mag drive kahit papano.  Di naman ako masyadong nalasing.  Tsaka bago ako umalis naghilamos muna ako para naman mahimasmasan ako.

"I'll drive" pagp- prisinta ni Kazari

"No"pag tanggi ko

"Ako na nga. " pamimilit pa niya

"A-yo-ko! "

"Ako na nga sabi! "Mas tumaas pa ang tono ng boses niya sa puntong iyon

"Edi ikaw na!  The best ka eh! " singhal ko

Muli akong lumabas ng kotse para lumipat sa kabilang seat.  Hindi ako sa harap umupo kundi sa passenger's seat.  Ayoko siyang makatabi.  Galit ako!  Basta...  Parang hindi maganda ang kutob ko. 

"Babe... " he called me huskily

"Ano??! " inis na tanong ko

"Ano bang problema mo?  Parang ang moody mo lately.  Masyado kang mabilis magalit,  konting saway lang sayo iiyak ka na agad.  Tapos para kang isip bata.  Your so sensitive and childish. "

"Napansin mo yun? "

"Katulad niyan,  nagbago na naman ang mood mo. "

  Oo nga,  parang ewan ako lately...  Minsan galit ako tapos maiiyak na lang.  Tapos ngayon naman ang hinahon ko.

And Kazari's right.  Parang ang childish ko din.  Minsan nga nag
c-crave ako sa chocolates tsaka apples pati narin sa manggang hilaw.  Ano bang nangyayari sa katawan ko?  Hindi ko na maintindihan...

Hindi kaya buntis ako???  Naaah!  Malabo yun..  Twice lang naman namin ginawa ni Kaz yun kaya malabong mangyari yun.

Muling bumalik ako sa ulirat ko.  Galit nga pala ako kay Kazari.

"San tayo pupunta? " tanong ko

" Sa ramping ng Tagaytay. "

"Ang layo naman! "

"Bakit,  may angal ka? "

"Wala... " poker faced na sabi ko

He continued driving habang ako naman matutulog na sana ng biglang.....

The BetWhere stories live. Discover now