Toss Coin

52 0 0
                                    

Naniniwala ka ba sa Love?

Meron nga ba talagang iba't ibang klase ng love?

O tayo lang ang gumagawa ng meaning neto?

Naniniwala ka ba sa destiny?

Sa Soulmate? Na lahat tayo may itinakdang kaparehas? 

Na lahat tayo merong makakasama balang araw sa buhay natin?

Na merong magmamahal satin ng higit pa sa buhay nila?

Ako kasi Hindi ako naniniwala eh.

Bukod sa lagi akong iniiwan, lagi akong pinagtitripan, eh hindi din ako magawang mahalin ng taong gusto kong mahalin.

Yung love love na yan, pang hangal lang yan. Pang hipokrito lang yan, magmamahal ka ibibigay mo lahat tapos sa bandang huli iiwan ka lang rin nila, sasabihin nila kailangan nila ng kung anu anong space, o kaya mag-aaral, di kayo bagay. Whatever.

Nakakasawa na, ayoko na. Worst pa yung nang-iwan nang hindi man lang nagpapaalam.

Soulmate Soulmate? Hindi totoo yang ganyan, hindi kaluluwa ang nagmamahal, hindi kaluluwa ang nakakaramdam, kundi ang Hypothalamus, Pituitary glands, ganun. Kung totoo yang soulmate, eh di sana walang tumatandang dalaga, anong idadahilan mo dun? Marahil maagang namatay yung ka partner supposedly nila kaya hindi sila nakapag-asawa? Kahibangan yan.

Kaya ako, heto, enjoy lang, ayoko na kasing masaktan ulit eh. Lagi na lang na kung kelan ako seryoso saka naman nila ako lolokohin. 

Kung kelan binibigay ko ng buong buo yung pag-mamahal ko saka naman walang sukli.

Buti pa sa jeep, pag nag-bayad ka ng buo, susuklian ka neto.

Buti pa sa jeep, pag hindi ka sinuklian, pwede mo i-follow up sa driver yung sukli mo.

Buti pa sa LRT, pag hindi ka nakasakay sa unang tren, pwede mo pa antayin yung dating nung susunod na tren, pwede kang makasakay, minsan mas maluwag at mas maginhawa.

Buti pa sa school, kasama mo mga kaibigan mo, masaya ka, at hindi ka malungkot.

Kaya yung love love na yan, destiny na yan, soulmate na yan, gawa gawa lang yan ng mga taong mataas ang pananaw sa pag-ibig. Masasaktan rin lang tayo.

Ako nga pala si Patricia Denise Mathay, at ito ang kwento ko.

Toss CoinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon