Chapter 30: Kidnap?! Wait, who's Jared Moore?

2.1K 24 11
                                    

This chapter is dedicated to DidjeiMidnight. Thank you so much sa pag add ng Finding Him sa library mo. :)

--

2 week passed and okay naman ang school na pinapasukan ko ngayon.

May nalaman nga ako sa kanila. Hindi naman pala sila laging nag-eenglish. Taglish sila minsan. Hahaha. Kaya di na ko nanonosebleed minsan. :))

Tapos hindi naman pala sila maarte. Okay din sila. Actually, parang mas maarte pa ata mga tao sa old school ko kaysa dito sa new school ko.

Anyways, wala naman kaming masyadong ginawa ngayon Sunday. Nagsimba lang kami and kumain sa mall then umuwi na.

Nag facebook at twitter na lang ako buong hapon.

Biglang nag ‘ping’ yun facebook ko.

Jared Moore: Hello! ^__^

Whut?

Sino si Jared Moore?

Wala naman akong kaklase na ang name ay Jared ah. In-add ko ba ‘to? Aish. Sa susunod nga di na ko mag-aadd ng basta basta. Click ko nga ang profile ng makita kung sino sya.

O.o

Ah. Taga-HurstBridge pala sya. Siguro kaya ko sya in-add. Gosh. Sino kaya ‘to? May kilala ba akong Jared sa school ko? Let’s see..Jared, Jared. Ah. Yun gwapo ko na stalker. Oo yun. Kaso taga school ba namin sya? Idk. Parang hindi. Or maybe, sya nga yun. Kung sya..awkward na naman.

Matingnan nga ang album baka mamukhaan ko.

=.=

Walang picture nya? Pangit siguro ‘to. -_- JOKE.

Puro dota characters (ata?) yun mga pictures nya. Nu ba yun? Adik lang?

Jared Moore: Hello!

Aish. Hindi ko ‘to rereplyan. Nakakatakot baka mamaya janitor pala sa school namin at kidnapper. XD

Jared Moore:  Hi?

-_-

Makulit rin lahi nito. Hindi ba nya na-sesense na ayoko syang kausapin? Makapag-offline na nga lang.

Biglang may tumawag naman sa phone ko.

*ring*

Paluma na talaga phone ko.

*ring*

Makabili nga ng bago.

*ring*

Ay, paano ako bibili? Wala akong pera. XD

*ring*

Ah, oo. Kay papa ako magpapabili.

*ring*

Kailan kaya? Sa birthday ko? Hmm..

*ring*

Shoot. May natawag nga pala. -___-

“Hello?”

“Bri! Oh, bakit ang tagal mong sumagot?” tanong ni Harper.

“Hehe. Sorry. May iniisip lang.” sabi ko.

“Sino si Tom? Ayieee.” uto nya.

Psh. Oh, Harper. Ikaw nga ang ata ang crush ni Tom. Haha. ‘Ata’ pa lang. Di ko pa natatanong kay TOMato e. Everytime na tinatanong ko crush nya, namumula sya. Ang cute nga. Hahaha. Kaya nadidistract ako at di ko na sya natatanong ulit.

“Hindi ah. Bakit ka nga pala napatawag?” tanong ko.

“Wala naman. Nag unli call kasi ako. Eh wala naman pala akong tatawagan. Buti na lang naisip kita. Hahaha.”

Finding HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon