EYES 28

174 2 0
                                    

Nash💚

Nagshoshooting kami ni Alexa para sa Home Sweetie Home guesting namin.Nagkaroon muna ng break at nalaman kong nandito lang pala malapit si Sharlene.Kaya eto ko ngayon kinukuha na ang pagkakataon upang makita ko siya kahit saglit lang.

Ayun na nga nakita ko na yung Dressing Room ni Shar.Kumatok ako at nagsalita siya.

"Pasok bukas yan"

Napangiti naman ako bigla at dahan-dahang binuksan ang pinto.Hindi pa ako nakikita ni Sharlene kasi nagcecellphone siya.Lumapit ako sa kanya at bigla siyang niyakap mula sa likod.

"Happy Birthday"at kiniss ko siya sa cheeks.

"Nash?"biglang namilog ang mata niya.

"Oo ako 'to"

"Pero paanong...."

"Kasi nagshoshoot ako dito eh sakto nung nalaman kong andito ka nagpunta agad ako dito"nginitian ko siya ng matamis na may pagtaas-baba pa ng kilay.

"Pero hindi na rin ako magtatagal kasi kailangan di  agad akong bumalik.Happy Birthday,I Miss You,I Love You Sharlene"pagkasabi ko nan,niyakap ko pa siya ng mahigpit at kiniss ulit siya sa cheeks.

Habang lumalabas ako ng pintuan sumisikip yung dibdib ko.Sinulyapan ko ulit si Sharlene at tumakbo aki papaunta sa kanya at niyakap ko ulit siya ng mahigpit.

"Magkikita tayo ulit ha"naramdaman ko naman ang pagtango niya.Lumayo ako ng kaunti upang hawakan ang mukha niya.

"Mag-iingat ka palagi Shar hmmmm"

"Ikaw Din"

"Shhh huwag ka ng umiyak"

Pinahid ko ang luha niya at hinalikan ko siya sa Noo.Sa unti-unting paghakbang ko palayo sa kanya ay kasabay nun ang pagbagsak ng mga luhang kanina pa nagbabadyang umalpas.

When You Look Me In The EyesWhere stories live. Discover now