5. Truth or Dare

246 39 27
                                    

A competition for my hand? Medyo nag error yata ang utak ko sa sinabi na yun ni Ryan.

"Anong competition? Teka. Pag aawayin mo sila? Paglalabanin?" kunot noong tanong ko sa kanya. Nagpa-process pa utak ko. Ano kaya ang binabalak ng bestfriend ko na to??

"Wag kang slow bestfriend! Kevin likes you. Kuya likes you. Even Daniel is chasing after you. Ang taray ng beauty mo best! I'm just going to make it more exciting! That way makikita natin kung sino ang seryoso sayo at sino yung nangtitrip lang!"  parang nauubusan na ng pasensya na sabi nito.

"I don't understand you best. Ibebenta mo ko ganon?! Akala ko gusto mo ko para sa kuya mo?" naguguluhan talaga ako.

"Gusto ko lang makita kung sino ang sincere sayo! Ang gusto ko maging sure si kuya sa feelings nya sayo. Yung hindi ka lang nya gagawing rebound! Gusto kong makita kung ipaglalaban ni Kevin ang nararamdaman nya para sayo! Gusto kong makita kung sino talaga ang gusto mo! Kung crush mo lang talaga si kuya or inlove ka na pala sa kanya or kung mas magugustuhan mo si Kevin or kung may feelings ka pa sa ex mo!"  sigaw na nito.

"Teka. Wait. Para. Stop. Hinto. Wag mo kong sigawan. Ok. Uhm Naiintindihan ko na. Gusto mo lang masure lahat ng feelings namin, tama ba?"

"EXACTLY! Finally naintindihan mo. That way, kahit na may masaktan, win-win situation pa din di ba? At least lahat magiging sigurado sa nararamdaman ng bawat isa!"

Napapaisip talaga ako sa pinagsasasabi nitong si best. May point naman di ba? Pero tama kaya ito? Parang mali? 

'Uhm, best. tama ba itong gagawin mo?" 

'"Wala namang mali sa pagsusure ng feelings di ba? Saka wag ka ng mag-alala best. Ako na ang bahala. Sabi mo nga go with the flow ka lang di ba? Kaya just sit back and enjoy the show." nakangiting sabi nito. Kinuha nito ang susi ng sasakyan nya at lalabas na ng kwarto. 

"San ka pupunta?"  tanong ko.

"Bibili lang ako ng iinumin natin mamaya. Wanna come?"  

"Uhm. No. Tinatamad na kong lumabas. Sama lang ako sayo pababa." 

Bumaba kami at hinanap namin yung apat na lalaki. Nakita namin sila sa entertainment room ng bahay. Naglalaro ng Playstation si Mark at Kevin habang nanunuod at kumakain naman si Richard at PJ.

"Kuya, bibili lang ako ng iinumin natin mamaya." sabi ni Ryan.

"Sige, sino kasama mo?" tanong ni Mark habang nakaharap pa din sa nilalaro.

"Wala nga eh. Ayaw sumama ni best."  biglang tiningnan ako nito sabay ngiti.

"Ganun ba? Gusto mo ako nalang sumama?" pinause na nito yung laro at tumingin sa kapatid.

"No kuya. Maiiwan si Kaylie. Hindi pwedeng umalis tayong dalawa ng sabay. How about isama ko sila PJ, Richard at Kevin tapos samahan mo si Kaylie dito." 

Tumututol yung tatlo sa plano ni best. Nakita ko na natahimik si Mark. Nakangiti naman si best. Ako naman patingin tingin lang sa kanilang tatlo.

"Uhm, best, ako nalang kaya sumama sayo?" bulong ko dito. Syempre obvious na obvious naman na gusto nya kaming magsolo ni Mark. Pero ang awkward eh. Tapos ngayong alam ko pa na may gusto din sa akin si Kevin. Baka naman mag away itong dalawa na ito dahil sa akin. Hindi ko matatanggap yun. 

The Love Game: Truth or Dare [ON HOLD]Where stories live. Discover now