Bratinella.04

6.5K 107 8
                                    

Bratinella.04

"What the hell are you doing here?" napaangat ako ng tingin sa tanong niya.

Naningkit ang mga mata ko at namewang, "What?! Matapos mo kong kaladkarin ng walang pakundangan dito, tatanungin mo ko kung anong ginagawa ko dito? Are you insane?"

Tila natauhan naman ang mukha niya. Then mabilis na naman na nagbago, sumimangot itong muli, "It's your fault."

Pakiramdam ko ay nag-akyatan ang lahat ng dugo ko sa katawan patungo sa ulo. Kasalanan ko na naman?! Ako na nga'ng nakaladkad nang walang pakundangan at nangangati na nang bonggang-bongga dito, tapos sa akin na naman ang sisi?

Hindi ko man lang magawang magsalita pa dahil sa patindi na nang patindi ang kating nararamdaman ko. Hindi ko na 'ata kaya. Hindi ko pa naman dala yung gamot ko. 

Hay, ewan ko ba! Noong una kasi acting lang talaga... pero bakit ngayon totoo na? Totoong-totoo na.

Allergic na talaga ako kay Grey.

Literally.

At kung paano nagsimula ang lahat. Ewan, basta ang natatandaan ko lang matagal ko na talagang kilala 'tong mokong na 'to. Simula nang maging magka-sosyo ang pamilya namin sa isang business ay naging mag-bestfriend na ang parehong mga mommy at daddy namin. Pati nga kami ni Grince ay ganoon na rin, lalo na nang nagkasama pa kami sa trabaho at naging magkaklase.

Actually ay ako na rin ang nag-suggest kay Grince na kumuha ng kursong Fashion Design. Dahil bukod sa wala talaga siyang maisip na kurso noon ay may plano rin akong maging business partners kami sa isang boutique business in the future. At dahil tiwala naman siya saken at gusto rin niya ang mga naiisip ko ay napapayag ko rin sya.

Pero hindi ko naman akalaing mamasamain pala ng magaling nyang kuya ang ginawa ko.

"Pakialamera ka! Hindi mo ba alam na mas akma ang BS Accountancy kay Grince para sa business namin?!"

Aba, ano bang malay naming mag-bestfriend sa Math subject diba?! Eh as far as we're concern, high school pa lang ay puro kalandian lang sa damit at mukha ang alam namin ni Grince.

Bukod doon ay concern lang din naman ako sa bestfriend ko na magpapasukan na ng college ay wala pa ring naiisip na kursong kukuhanin. Naisip kong sayang naman kung next year pa sya makakapag-aral ng kolehiyo dahil lamang hindi sya makapagdecide sa kung ano talaga ang kukuhaning course.

At bukod pa sa "course issue" ay marami pang ibinibintang ito ang lalaking yun saken...

Kesyo bad influence daw ako kay Grince dahil kung anu-anong kalandian ang tinuturo ko sa kapatid niya,

"Para kang bugaw sa kapatid ko!"

At ang pinakamatindi naman sa lahat ay ang pagtuturo ko daw kay Grince na magrebelde sa pamilya.

"Tinuturuan mo pa ang kapatid kong magrebelde!"

BETCHABYGOLLYWOW NAMAN OH!

Grabe lang mamintang ang lalaking ito, gusto ko na ngang idemanda ng libelo eh.

Naku! Kung hindi ko lang talaga love na love ang bestfriend ko at mga magulang nila ay matagal na sigurong himas rehas ang mayabang na lalaking yun.

Kaya ang naisip ko na lamang gawin noon sa tuwing lalapit ito saken at pagbibintangan ng kung anu-ano ay umaarte na lamang akong kating-kati at animo'y allergic na allergic sa kanya. Pero nang lumaon, sa sobrang pagtataka ko ay napansin kong parang hindi na arte ang pangangati ko sa tuwing makikita siya. totoo na kasi ang allergy ko towards Grey. Minsan, sinabi ko sa parents ko at kay Grince yun, pero tinatawanan lang nila ko.

Ella Bratinella #Wattys2017Where stories live. Discover now