✝Prologue

48 1 0
                                    

Copyright 2014

All Rights Reserved

Story written by simply_shy05

Prologue

Malalim na ang gabi. Malamig ang simoy ng hangin. Madilim na ang kapaligiran at ang malaki at bilog na buwan ang nagbibigay ng liwanag sa lugar. Tahimik ang kapaligiran at tanging alon ng malapit na dagat at ang mahinang paghapas ng hangin sa mga puno sa paligid ang maririnig.

"Ugh." Pilit iminulat ng lalaki ang kanyang mga mata. Duguan ito sa nangyaring aksidente. Aksidente.

Nanlaki ang kanyang mata. Naalala na niya ang lahat. Masaya silang magkakasama sa sasakyan ng kanyang pamilya. Patungo sila sa bahay-bakasyunan ng kanyang ama ng biglang may humarang sa kanilang sasakyan dahilan ng biglaan niyang pag-iwas dito at mabangga sa puno sa tabi ng daan.

Inilibot niya ang kanyang tingin at halos lumuwa ang kanyang mata. Wasak na wasak ang kanyang sasakyan. Pero hindi ito ang ikinatakot niya. Ang pamilya niya...

"Bitawan n'yo ang mga anak ko!"

Tinawanan lamang siya ng babaeng kanina lang ay nasa tabi ng kanyang bunsong anak, walang malay na siya namang hawak at pinoprotektahan ng panganay niyang anak, pero ngayon ay nasa harapan na niya.

"Jun, mabuti naman at gising ka na."

Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo niya para makita ang babaeng nagsasalita. Laking gulat niya ng makilala kung sino ito.

"I-Ikaw."

"Oo, ako nga. Surprise!" At tumawa ulit ito. Nagtaasan ang buhok sa katawan niya ng marinig niya ito. Tila nawala na ito sa matinong pag-iisip. Nakakahindik pakinggan.

"Ano bang gusto mo?! Huwag kang magkakamali na saktan ang pamilya ko!"

"At ano? Sa tingin mo ba ay may magagawa ka pa!? Akala mo ba matatakasan mo ang mga kasalanan n'yo sa pamamagitan ng pagpunta sa mundo ng mga tao?" Hindi niya napigilang ilabas ang tawa niya. Talagang natatawa siya sa naiisip ng kanyang kababata. "Akala n'yo ba hindi na kayo maaabot ni Lord Voltaire dito?"

Pinilit ng lalaking igalaw ang kanyang katawan pero bawat galaw niya ay may kaakibat na parte ng kanyang katawan ang sumasakit. Wala siyang nagawa kundi ang lumugmok muli sa sahig.

"A-Alam kong hindi lang 'yan ang g-gusto mo. A-Ano pa?" Nararamdaman na niya ang panghihina ng kanyang katawan. Ilang saglit na lang at alam niyang bibigay na ito. Kinakapos na din siya ng hininga.

"Tsk. Huwag kang magmaang-maangan! Alam mo kung bakit ako nagkakaganito! Bakit?! Bakit mas pinili mo siya kesa sa akin!? Ako, ako na matagal mo ng kasama? Ako na matagal mo ng kakilala? Ako na tunay at tapat na nagmamahal sa'yo?" Nakita ng lalaki ang namumuong mga luha sa kanyang mga mata pero agad din itong nawala ng mabilis niya itong pinunasan. "Anong meron siya na wala ako? Kung ako na lang sana ang pinili mo Jun, hindi na 'to mangyayari."

"Patawarin mo ako pero hindi kita kayang mahalin gaya ng pagmamahal ko kay Lilia. At kung nangyari man na ikaw nga ang pinili ko, sa tingin mo ba maiibigay ko sa'yo ang tunay na kasiyahan na iyong hinahangad kung alam mo naman sa sarili mo na hindi ikaw ang laman ng puso ko? At saka, bakit mo pa ito ginagawa? May pamilya ka na at alam kong mahal na mahal ka nila!"

"J-Jun." Natigilan sila pareho. Sabay silang napalingon sa tabi. Isang babaeng sugatan ang tumambad sa kanila.

"Lilia!" Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nagkaroon siya ng sapat na lakas upang makatayo at tumakbo papalapit sa kanyang asawa. "Lilia," tawag niyang muli dito. Noong pinipilit ng nasabing babae na magsalita, pinigilan agad niya ito. "Shh. Huwag ka munang magsalita. Nandito na ako."

Biglang may bampirang humawak sa kanya at kinuha papalayo si Lilia mula sa kanya. Nagpumiglas siya pero wala siyang nagawa. Wala siyang nagawa kundi ang tingnan ang kanyang asawa habang dinala ito papalapit sa kababata niya.

"Huwag mong saktan ang asawa ko. Nagmamakaawa ako!"

"Hindi mo na ako makukuha sa ganyan mo, Jun. Siyam na taong pagtitiis na nakikita kong masaya ang pamilya mo, akala mo ba madali lang 'yun? Pasalamat na nga lang ako kay Lord Voltaire kasi naiintindihan niya ako!" Hinarap niya si Lilia at tiningnan ito ng masama.

Sa sigawan nilang iyon, hindi nila namalayan na nagising na ang batang kanina ay walang malay. Nakita niya ang kuya niya, mahigpit ang pagkakahawak sa kanya.

"K-Kuya?"

"Shhh." Pagsuway sa kanya ng hindi man lang siya tinitingnan. Wala siyang nagawa kundi tingnan din ang pinapanood ng kanyang kapatid. Nanigas ang buong katawan niya kasabay ng paglaki ng kanyang mga mata sa eksenang nakikita niya.

"Ikaw. Ikaw ang dahilan ng lahat! Nasira ang buhay ko ng dahil sa'yo!"

"Walang sumira sa buhay mo. Akala mo lang 'yun. At hindi ko naman hinangad na masira 'yun."

"Manahimik ka! Kung sana hindi ka na lang nabuhay, nasa akin sana si Jun! Kung hindi ka niya nakilala, wala sanang mangyayaring ganito! Mamatay ka na lang!" Kinuha niya mula sa likod ng kanyang damit ang kanina niya pang itinatagong patalim. Mariin niyang hinawakan sa buhok si Lilia at hinila ito. Mariin niyang sinaksak sa tiyan ang babae.

"Lilia!"

"Mama!"

____________________________________

AUTHOR'S NOTE

Sorry po kasi inalis ko yung kwentong 'to dati. Dun sa mga nag-add nito sa library nila, pasensya na po talaga. Medyo nagulo po kasi 'yung takbo ng kwento kaya inedit ko po muna. Ganoon pa din naman po ang main plot. At pipilitin ko na pong maayos 'to ngayon. Sana basahin po ulit 'to nung mga dating readers. Salamat po. :)

simply_shy05

When Vampire Meets Human (Repost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon