Chapter 1 - Summer Job

77 0 0
                                    

April 2010

"Kring, Kring"

Hindi ito tunog ng alarm clock, tulad ng pagsisimula ng mga typical na istoryang iyong nababasa. Ito ang kalembang ng tinitindang ice cream ni Xander, 13 years old. Nakagawian niya na kasi itong gawin tuwing magsusummer. Kapos kasi sa kita ang kanyang ama na ang trabaho ay ang pagiging welder sa isang construction firm.

Habang nasa kalagitnaan ng kanyang pagbebenta ng ice cream sa isang park, ay may nakita siyang babae nakayuko at umiiyak habang nakaupo sa swing. Sa tingin ni Xander ay Ka-edaran nya lang ang babaeng ito. Dahil sa awa niya at pagkagoodvibes niya ay binigyan niya ng ice cream ang babae.

*sniff* *sniff* "Oh ano 'to?, kinakaawaan mo ba ko, huh? Lubayan mo na ako, gusto ko mapag-isa"

"Libre na yan miss, at special pa ang flavor niyan, yung paborito ko na coffee crumble!"

kinuha ng babae ang Ice Cream at sinabing "Salamat"

Inililim muna ni Xander ang tinutulak niya na Ice Cream Cart, at umupo sa swing na katabi ng babae.

"Alam mo ba, pag malungkot ako, kumakain ako ng Ice Cream, dahil matamis at malamig ito, nakakapagpasaya sa malungkot na pakiramdam. Ang problema, parang ice cream yan, pag di mo hinarap, matutunaw at madudumihan ka, at masasayang ang pinambayad mo"

ngumiti ang babae at tumingin kay Xander, nakatingin naman sa ulap si Xander.

Tumayo ang babae at tumakbo paalis. Ngunit tumigil siya pagkatapos ng ilang metrong tinakbo niya, at sinabi

"Salamat dito sa Ice Cream!!, at sa walang kwentang paliwanag mong binigay sa'kin."

At tuluyan ng tumakbo palayo ang babae.

Si Xander naman ay naiwang mag-isa at nagpahinga muna sa swing. Makaraan ang ilang minuto ay dumating ang kababata ni Xander na si Lyn.

"Woi kupal bat ka nagpapahinga diyan?, nakaquota ka na ba ng paninda huh?"

"Hindi pa nga eh, may iniisip kasi ako."

"ano?, ako ba yan?"

"tanga hinde, iniisip ko yung babaeng nilibre ko ng ice cream kanina. Hindi ko kasi nakita yung mukha niya, bigla nalang umalis."

"talagang mapapaisip ka! nabudol ka Xander, HAHA! tigilan mo nalang pagiisip mo sa kanya, ako nalang isipin mo!"

"Hindi ako pumapatos ng kapwa ko lalaki"

Naghabulan ang dalawa at tumumba sila. Si Xander ang nasa taas at si Lyn ang nasa baba.Napapikit si Lyn at nagkunwaring tinutulak si Xander palayo(sobrang hinang tulak).

"Lyn, ang cute mo pala pagnakapikit at naaasar ka."(Halfmeant lang 'to ni Xander)

"Xander, tumayo ka nga jan, at baka may makakita sa'tin!"

"Eh, paano kung ayaw ko?, Anong magagawa mo?"(Halfmeant ulet)

"Shet naman, wag kasi, naaanu mo na ako oh."

"Ay sorry, HAHA, okay tayo na ako, wait."

Biglang sinipa ng isa pa nilang kaibigan na si Tristan si Xander, kaya naman hindi sinasadyang nahalikan niya si Lyn.

*SPARKS* <3 *SPARKS*

Tumigil ang oras ng tatlong segundo, at bigla nalamang tumayo na agad si Xander at inabot ang kamay kay Lyn upang matulungan syang tumayo. Hindi ito inabot ni Lyn, at tumayo nalang mag-isa.

"Manyak ka talaga, sabi ko sayo tumayo ka na kagad kanina eh, yan tuloy."

"Tumayo naman na ako eh, si Tristan kasi parang tanga kung mangtrip."

"HAHAHA! Kalagitnaan ng initan nagpapainit kayo, humanap kasi kayo ng kwarto, tuloy naabala ko kayo"

"Leche, First kiss ko yun Xander, paano na yun?"

"Edi Bawiin mo, oh eto oh." Ngumuso si Xander na para bang ibabalik niya ang halik ni Lyn.

"Kadiri ka talaga, WALA na! Ikaw na ang naka-una sa'kin"

"waw big deal? If I know crush na crush mo ako simula pa nung mga bata pa tayo."

"Hmp, pakshit ka., aalis na ako"

Namumulang umalis sa parke si Lyn.

"Pre pagtapos ka na diyan baka pwede mo ako samahan maglaro ng basketball, at syempre tutulungan kita manghunting ng chicks"

"Sinabi ko na sa'yo masyado ako busy dito sa pagbebenta ko, wala akong panahon sa mga babae, dahil nangmimind-control lang sila, mag-ingat ka pre."

"Hahaha! Ge, una na ako, manghuhunting pa ako ng mga chicks."

"Ge."

Tuluyan na ngang naiwan mag-isa ulit si Xander, at tinuloy niya ang paglalako ng IceCream for the rest of the day.

UST Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon