Chapter 21: Ano Ba Talaga?

12.3K 302 18
                                    

Sarap ulit-ulitin ang Diary ng Panget the movie ano po? Ang hot kase si James eh. MEGHED YUNG ABS NANAMAN NIYA! T^T It's killing meh :( :">

Sana wattpad user si ate Nadz, para mabasa niya to. Tapos magkakatuluyan na sila James. Hihihi <3 Osiya, read na!

**********

*shooting*

(A/N: Yung mga lines po dito hindi po EKSAKTONG lines na sinasabi nila ok po? Tinatamad akong panuorin ulit eh, para lang makuha yung lines. Hahahhh #tamadproblems)

Mamaya pagkatapos netong shoot na to, magpapractice pa kami para sa masquerade ball na ishooshoot na bukas. Kaya ibobongga ko na tong scene na to. :)

"Alam niyo ma, pa. Ang dami kong nakilalang bagong tao sa buhay ko." sinindihan ko yung kandila. Nasa puntod ako ng mga parents ko.

"Isa na dun si Chad. Ang saya nya kasama, at sobrang nakakatawa sya. Meron din po akong bestfriend na si Lory, nakakanosebleed nga po siya eh. Tsaka ma, pa! Pinaganda niya po ako! GRABE ma, pa kung nakita niyo ang mukha ko, wala na pong mga bulkan pramis!"

"At.. si Cross. Oo, nasa kaniya na ang lahat. Nasa kanya na lahat ng PANGET NA UGALI! Matapobre, antipatiko, bossy, nakakainis, nakakabwiset, naninira ng magandang araw, feeler at tanga-tanga!"

"Ganun?" biglang sumikit sa eksena si James.

Pero biglang umulan.

"Ay! Umuulan! Teka lang bag ko, oh tara na!" kinuha ko yung bag ko sa puntod ng mga parents ko.

"Saan ka?" reklamo ni James. Este ni Cross.

"Dito yung daan!"

"Hindi diyan! Ditooo!" hinila ako ni Cross sa kaliwa. -__-

Sumilong kami sa may bubong, pero yung nasa likod namin puntod parin ng mga patay. Eek!

"Ano ba yan! Dumating ka pa kase! Yan tuloy umulan!" reklamo ko na lamig na lamig na. "Tsk, sayang pageemote ko dun! Umulan naman!"

"Panget mo kase." waw ha!

"Teka, teka. Bakit ka nga pala nandito?"

"Binisita ko yung puntod ni mama." tapos naluluha na siya. Galeng umakting James ha!

"Teka, umiiyak ka noh?"

"Bakit ako iiyak?" pero umiiyak siya. hahah

"Umiiyak ka eh! Yan oh!" hinawakan ko yung baba niya pero inalis niya yung kamay niya.

"Oo na. Nalulungkot ako."

Emeghed, eto na.. Yung body heaaaaat!

"achoo! achoo!" kunwari umaaching ako. Tas niyakap ko yung sarili ko dahil sa lamig. Lumakas na kase yung ulan.

"Halika dito."

"Bakit?"

"Basta." tinanggal niya yung jacket niya. "Oh, suotin mo na. Para mainitan ka ng onti."

"Eh basa na yan eh!"

"Para nga mainitan ka ng onti eh." pinasuot na niya sakin yung jacket na yun.

"Achoo!" pero feeling ko totoong nilalamig ako ngayon.

Bigla na niyang hinubad yung t-shirt niya.

"Halika dito."

"Ayoko nga!"

"Dali na, kaysa naman mangisay ka na dyan sa lamig."

"Sabing ayoko---" hinatak niya ko at niyakap niya ko.

"Ano to?"

"Body heat. Wag ka maarte, di ka maganda."

Sheet yung abs, yung muscles na nakawrap sakin. Grabe, ang hot talaga ni James kahit and lamig ngayon dahil sa ulan! Syete.

Di ko maiwasang kiligin. :"">

Sabi sa script, itataas ko yung isang paa ko, parang sa fairytale.

Haay, sana hindi scripted lahat noh?

Sana hindi puro pantasya ang fairytales ang nangyayare sakin ngayon.

Kahit na gusto ko na siya mapasaakin, di pwede eh. Kase sabi nga nila:

"Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo."

Hindi lahat.

Oo, masarap mangarap. Libre mangarap. Pero kung puro ka na lang pangarap, hanggang diyan ka na lang.

Kung gusto mong abutin yung pangarap mo, pagtrabahuhin mo, pagtiyagaan mo.

Pero sobrang labo naman yata sakin eh.

Sana totoo na lang.

Sana.

"Nadine! Cut na kanina pa!" sigaw ni direk.

"Ay sorry po.." tumakbo na ko papunta sa tent. Teka, bakit may tubig na unaagos sa mukha ko? Ulan ba yun?

"Hindi ulan ang nasa mukha mo, bangsie. Luha yan. You're crying." kilala ko na kung sino to. Kahit nakatalikod ako, yung boses lang niya at yung namecall niya sakin, kilala ko na.

"ALAM ko at feel ko yung nafeefeel mo. Ramdam ko yung mga nararamdaman mo. Dahil parehas tayo."

What?

Diba binawi na niya na hindi na niya ko gusto?

Ano nanamang kalokohan to?

"Ano nanaman 'yang sinasabi mo? Babawiin mo nanaman lahat ng sinabi mo noon sakin?"

"Hindi ko muna masasagot yan. Pero sana, hindi na lang scripted lahat ng ginagawa sakin." lumapit siya sakin. "Sana, ako na lang yung may karapatang pumupunas ng luha mo. Sana ako na lang yung helping hand at crying shoulder mo. Sana ako na lang ang aangkin ng puso mo. Sana akin ka na lang.." at niyakap niya ko.

Hindi ko mapigilang umiyak.

Tuwing niyayakap niya ko, nakakalimutan ko lahat.

Ngayon, niyayakap niya ko at gusto kong i-freeze ang oras at mundo ko. Gusto kong kumanta ng "Let it Go".

Pero dahil nga nakayakap siya sakin, malamig. Para mawala yung chills ko, nandito siya. Kaya "the cold never bothered my anyway."

Tuwing kami ang magkasama, gusto kong kantahin yung line na "Here I stand, and here I stay."

Actually naguguluhan ako, bakit ganun ang lumalabas sa bibig niya? Diba mahal niya si Rica? Di ko na kaya, lumalagpas na sa maximum level yung feelings ko sakanya.

Pero mali eh. Gusto kong mapakawala sa lahat ng problema na to!

Kaya napapankanta din ako ng "Let it go, let it go. Can't hold it back anymore.."

Can't hold it back anymore..

"James ano ba." tinanggal ko yung pagkayakap niya sakin.

"Please lumayo ka na? Ayoko nang masaktan ulit. Pleasee? Excuse me." at tumakbo na ko papuntang tent.

**********

Oh ayan naaaa XD

Grabe, nawawalan na ko ng ideas pero kumanta si Anne Curtis sa showtime ng LET IT GO kaya ayun, nakuha ko na yung idea. Yehey thank you ate Anne! Hahaha

TYPOS!? Ples porgeb meh :<

Vote + Comments? Kayo bahala :)

Please comment kung ano sa tingin niyo yung chapter na to, huhuhu

Sige na, ciao~

Period, no erase [JaDine Fanfic]Where stories live. Discover now