Kahit isang saglit.

1.3K 25 0
                                    

Dedicated to @itzmesophia Hi Gorgeous!♥ (Di ko matag e.Di ko alam.Alamin ko.hahaha)

***

Kahit isang saglit-Juris Fernandez

Paano ang puso kong ito

Ngayong lumisan ka sa buhay ko?

Kung kailan sumikat ang araw

At lumigaya ang aking mundo...

Paano na ang mga bukas ko

Ngayong wala ka na sa piling ko?

Paanong mga pangarap, mga pangako sa bawat isa?

Sana'y ika'y muling makita ko

Damhin ang tibok ng puso mo...

Sana'y yakapin mong akong muli...

Kahit sandali...

Kahit isang saglit mayakap ka...

Puso ko'y biglang naulila

Iyong iniwanan na nagiisa...

Sana'y ika'y muling makita ko

Damhin ang tibok ng puso mo...

Sana'y yakapin mong akong muli...

Kahit sandali...

Kahit isang saglit mayakap ka...

***

Amanda's P.O.V

Eto nanaman ako.Super sa kayod para mabuhay.Wala nang ginawa kundi mag trabaho.Tinignan ko ang orasan at nakita kong 10 na.Sa wakas.Makakauwi narin ako.

"Hoy Amanda, andyan na ang prince charming mo!"Narinig kong sabi ni Vicey.

May bigla namang sumulpot na lalake sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo dito Miguel?Gabi na."Lagi na lang siyang nandito pag pauwi na ako.Di ba to nagsasawa sakin?

Masugid ko siyang manliligaw.Halos mag iisang taon ko na rin siyang manliligaw.Di ko nga alam kung bakit nagtitiis pa to sakin eh ang yaman yaman naman neto.

"Natural, Sinusundo ang prinsesa ko.Halika na?"Sabay hinalikan niya ako sa noo.Hinahayaan ko lang siya sa mga ginagawa niyang ganun sakin.Gusto ko rin naman tsaka napapamahal naman na siya sakin.Di ko rin alam kung ano ba talagang meron kami.

"Vicey!Mauna na kami ah!Ingat ka!"Sabay kuha ko na nung bag ko.Kinuha naman nito ni Miguel sakin.

"Ako na."

"Hindi ako na.Pagaawayan pa ba natin to?"Wala na akong nagawa.Natatakot ako.

"Bye Amanda!Bye Papa Miguel!"Sigaw ni Vicey bago pa man kami makalabas.

Pinagbuksan na ako ni Miguel at sumakay narin siya.

"Manong, sa bahay ni Amanda."Sabi niya sa Driver.Ang yaman niya diba?Di ko alam kung bakit ako pa ang pinili nito.Eh isang hamak lang naman akong singer sa isang bar.

"Bakit ako pa?"Pag basag ko sa katahimikan na namamagitan samin.Tapos humarap ako sa kanya.

Nakatingin lang siya sakin.Na para bang nagtataka sa tanong ko.

"Ano?"

"Sabi ko, Bakit ako pa?Marami namang iba diyan."Sabi ko.Lumapit naman siya sakin at inakbayan ako.

"Kasi, iba ka sa iba.Hindi ko maexplain.Basta, nalaman ko na lang nung nakita kita."Humarap naman ako sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.

"Anong klaseng sagot yan?"Sabi ko.

Chardawn's OSCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon