Chapter 34

5.9K 132 16
                                    

Trishia POV

"Gising na mga alien!" Nagising kaming lahat sa sigaw ni Vlad. Kahit kailan talaga. Hahaha.

"Kuya naman. Aish" reklamo ni Vanessa. Nagiba narin ang ugali ni Vanessa. Parang hindi na siya yung dating Vanessa na Cold.

Sa haba habang panahon ay ngayong panahon lang yan nagbago. Haha.

"Asan na tayo?" Tanong ni Daisy. "We are almost here baby." Marc. Yung totoo. Na aabno ako dito sa dalawang to. Oo kaibigan ko si Dai pero si Marc? Wala na. Crush ko siya eh? Pero Loyal ako.

"Trish nasayo ba powerbank ko? Lowbat na ko eh" Tanong ni Vanessa. Kinuha ko naman sa backpack ko yung powerbank.

Dumeretso na kami sa Hotel na pagtutuluyan namin.

"Good Afternoon Sir Blake and Company." Bati ng isang guard samin. Pero teka Sir Blake? Tumingin ako kay Blake na nakatingin din pala sakin. Umiwas agad ako ng tingin.

Nag Vibrate phone ko.

~PaKo <3~

BuKo mamaya ko sasabihin sayo.

Um-oo nalang ako.

Kaming tatlong babae ang magkakasama sa kwarto syempre. Apat apat naman silang mga lalaki sa kwarto dahil madami sila.

Nagbihid ako at nagpalit ng panglamig. Siguro dahil malamig dito. Hahaha.

"BuKo andyan ka?" Rinig kong sabi ni Blake mula sa labas. Nakahiga naman na sila Daisy at Vanessa. Sabinila matutulog daw ulit siya.

Lumabas ako ng kwarto namin. Nakita kong nakasandal si Blake sa tabi ng pinto.

"Trishia Wag mong sabihin sa kanila na Dad ko ang may ari nitong hotel." Sabi niya sakin.

"Ok PaKo. Love you. Lakad lakad muna tayo." Ako. Tinitignan kami ng iba. Ganda ko kasi. Hahaha. Yung iba naman ay binabati si Blake.

Nakaabot kami sa Garden ng hotel nato.

"Namiss kita Trishia." Seryosong sabi ni Blake na nakatitig sa mga mata ko. Oo namiss ko talaga siya. Sobra. Yung bonding namin, ung kulitan.

"Namiss din kita Blake. Sobra" naka Ngiti kong saad sa kanya. Yinakap niya ko ng mahigpit. syempre yinakap ko tin siya pabalik.

"Mag paalam kaya muna tayo sa kanila na aalis lang tayo. Bukas na tayo balik." Sabi niya. Tinaggal ko naman ang pagkakayakap sa kanya. At tinignan siya.

"At saan naman tayo pupunta?" Ako.

"Sa may resthouse diyan. Malapit lang naman yon dito eh. Sige na bukas ng umaga babalik na agad tayo. Pls." Siya. Hay nako ang cute talaga neto.

"Sige. Mag papaalam lang muna ako kila Vanessa." Sabi ko.

Nakabalik na ko ng kwarto namin. At nakita ko silang tulog parin. Hindi naman halatang pagod sa biyahe ano?

Gumalaw si Vanessa ng kaunti. Dahan dahang bumangon at nag kusot ng mata.

"Good Afternoon." Bati ko sa kanya. Si Daisy naman ay mahimbing na natutulog sa kabilang kama.

"Uhm." Sabi niya tas tango.

"Vanessa Aalis muna kami ni Blake. Bukas ng umaga kami babalik." Paalam ko sa kanya.

"Geh". Kahit kailan talaga.

***

Vanessa POV

The Nerd is a Gangster Queen  Where stories live. Discover now