9

5K 105 35
                                    

CHAPTER 9

"Okay, it's her." sabi ni Matt

"Ano bang gusto niyo?" naiinis na tanong ko.

"Wala. Sus ito naman ang sungit agad e. Hindi mo ba kami kilala?" sabi ni guy 1

"Hindi." 

"Hayup talaga yung Nathan na yon, hihingi ng pabor tapos di man lang tayo pinakilala sa girlfriend niya." guy 2

"Excuse me? Bakit kilala niyo si Nathan?" singit ko sa usapan nila

"Kaibigan namin yun. Tropa yun." sabi ni Matt

"Nauna lang siyang maka'graduate kasi masyado siyang GC. Ako nga pala si Terrence." sabay abot niya ng kamay niya sakin

"Hi Tiffany! Ako si Jeremy."

"Hello!" bati ko "...sana sinabi niyo agad na kaibigan kayo ni Nathan. Pasuspense pa kayo e."

"Girl, wala ka bang balak ipakilala kami?" bulong ni Selena

"Guys these are my girlfriends, Selena....."

"Hi!" Selena

".....Amanda," kumaway naman si Amanda

"....Venice,"

"Hello!" bati ni Venice

".... and Kath." medyo nag'bow naman si Kath. Half korean kase siya kaya ganun yung way ng pagbati niya.

"So, do you guys wanna go out tonight? I know a place." yaya ni Terrence

"G!" sagot ni Venice

"Can't" sabi ko

Hindi ako pwedeng sumama kase uuwi si Nathan ng 7. Kailangan kong magprepare ng dinner. Pambawi ko sa ginawa niya kanina.

"Why?! May sakit ka ba? Bar 'to ha. Diba mahilig kang mag'bar?" tanong ni Kath

"Not today, kailangan kong magprepare ng dinner namin ni Nathan."

"Woah! Hands on si Mrs.Acosta" pang-aasar ni Selena

"Ikaw ba Selena, maalaga ka din ba?" tanong ni Matt

"Depende sa hitsura." sagot naman ni Selena

"HAHAHAHAHAHAHA!" 

"Kain na tayo guys." Jeremy

"Tara!" 

----------

-BAR-

"Tiffany kanina pa kami umiinom ikaw naman ni isang shot wala pa." Amanda

Yes, andito ako sa bar. Turns out kay Terrence pala 'tong bar kaya libre kami. HAHA. I know sinabi ko na hindi ako sasama kaso kase nagtext kanina si Nathan, may kailangan daw siyang tapusin kaya late na siya makakauwi. Sad.

Huh?! Sad? 

"Just one shot, Tiffany." Jeremy

"Okay. Isa lang ha." pagpayag ko.

Nagsalin na sila sa shot glass sabay abot sa'kin.

One.

Two.

Three.

.....

....

Wait pang'ilang shot ko na ba 'to?

Ugh. Nahihilo na ko. Sabi ko isang shot lang e.

"Guys, uuwi na ko." pagpaalam ko. Kailangan maunahan kong makauwi si Nathan. Baka kase kapag nakita niyang lasing ako, magalit yon e. Hindi sa concern siya ha, baka lang kase magalit. BEAST pa naman yun palagi.

"Hatid ka na namin." yaya ni Terrence

"No, please, stay. Kaya ko sarili ko."

"Gabi na Tiffany, wala ka pang dalang sasakyan." Venice

"It's a good thing na malapit 'tong bar sa place ni Nathan. Don't worry guys, I'll be fine."

Off I go.

Srsly Tiffany, control yourself. Ang dali dali mong malasing tapos ang lakas ng loob mong uminom. 

Malapit na ako sa bahay ng biglang

"Hi babe. Mag'isa ka lang?" 

May isang lalaki, siguro nasa mid-20's na humawak sa braso ko. Hindi naman mahigpit pero natakot ako

"Let me go. Hindi kita kilala." sinubukan kong tanggalin yung braso ko sa pagkakahawak niya kaso mas lalo lang niyang hinigpitan.

"Pakipot ka pa Ms e."

"Aray! Nasasaktan ako! Please! Bitawan mo na ko!"

Dinala niya ko sa may eskinita, hinawakan niya ko sa magkabilang braso at palapit na ng palapit yung mukha niya, natatakot ako, kaya pumikit nalang ako. Masyado siyang malakas, hindi ako makapalag.

Naramdaman ko yung pag'alis ng kamay niya sa'kin

Pagdilat ko nakita ko siyang nakahiga, habang binubugbog ng isang lalaki.

Kahit nakatalikod, alam ko ko kung sino siya.

Si Nathan.

"Tama na" nanghihinang sabi ng lalaki

Lumapit ako saka ko hinawakan si Nathan.

"Nathan tama na yan."

Nakakatakot si Nathan ngayon. Ibang'iba sa Nathan na nakikita ko netong mga nakaraang araw.

"NATHAN!" sigaw ko para makuha ko yung atensyon niya.

Tumigil na siya pero nakatitig pa din siya sa lalaki.

"Are you okay?" nag'aalalang tanong niya sa'kin

He cupped my face and kissed me lightly on the cheek.

"I would've ripped his head off if you didn't stop me." unti unti niya kong nilapit sa'kanya hanggang sa nakayakap na siya sa'kin.

"Let's go home Tiffany."

Then There's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon