CAN I STEAL A LITTLE LOVE

224 5 2
                                    

CAN I STEAL A LITTLE LOVE--Introduction-

Pabilis ng pabilis ang tibok nang puso niya.Hirap narin siyang huminga.Habang pinagmamasdan niya ang maamong mukha nang taong mahal niya,Hindi niya mapigilan ang maiyak.Mabilis niya iyon pinahiran at nakangiti itong tinignan muli

Gumanti ito nang isang matamis na ngiti.Hinawakan ang kamay niya nang mahigpit at naglakad sila papunta sa oval nang school.Ika isandaang taon nang school ngayon kaya nagkalat ang mga masasakyan mong rides at mga bilihan nang kung ano-anong palamuti.

Sumiksik sila sa mga estudyanteng hindi magkamayaw sa kakahiyaw,dahil sa isang sikat na banda sa school na nag pe-perform.Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya para hindi sila magkahiwalay na dalawa.

Narating nila ang bilihan nang ticket nang rides na sasakyan nila.Sa isang ferris wheel sila sasakay na dalawa.Habang ang haring araw ay nag-sisimula nang lumubog.Mag-sisimula narin ang bagay na kinakatakutan niya

Ayos ka lang?Tumango siya sa tanong nang nag-iisang taong nilalaman ng puso niya

Nag-simula nang umandar ang ferris wheel,Mabagal na para bang binibigyan siya talaga ng pagkakataong masabi ang lahat nang gusto niyang sabihin.Mula roon kitang-kita niya ang kagandahan nang school.

Ang mga ilaw na unti-unti narin binuksan dahil papalubog na ang araw.Ang mga ingay na nag-mumula sa mga kasiyahan nang mga estudyante roon at ang mga tugtugang masarap pakinggan.Muli niyang naramdaman ang pagbilis nang tibok ng puso niya at ang matinding sakit na nagmumula doon

Napahawak siya nang mahigpit sa kamay nitong hindi bumibitaw sa pagkakahawak sa kanya,Isinandal niya ang ulo niya sa balikat nito.Naramdaman niya ang pagkalas nang kamay nito sa kanyang kamay upang akbayan siya.

Napatingin siya dito at isang munting ngiti ang sumilay sa mukha nang taong mahal niya.Muli nitong hinawakan ang isang kamay niya gamit ang kanang kamay nito habang ang kaliwa ay nakaakbay sa kanya.

Mahal na mahal kita..Mahal na mahalHumigpit ang yakap nito sakanya

Hindi niya napigilan ang mapahikbi,Napahawak siya sa tapat nang dibdib niya.Tumigil ang ferris wheel nang sila ay nasa pinakaituktok na.Mula doon kitang-kita nila ang mamula-mulang langit na kay sarap picturan.

Habang nasisinagan sila nang mamula-mulang sinag nang araw.Tumingin siya dito at hinaplos ang mukha nito,Sinaulo at dinama para hindi niya malimutan kailanman.Ang araw na tinakda para sa kanya ay dumating na

Nag-simula itong mag kwento nang mga bagay-bagay.Mga plano sa buhay na kasama siya.Siniksik niya ang sarili dito,Mas lalo naman humigpit ang akbay nito sa kanya na para na siyang niyayakap.Unti-unti na niyang nararamdaman ang pag-alis niya

Patuloy ito sa pag-sasabi ng mga bagay-bagay sa kanya.Mga bagay na nakakapag-pangiti sakanya.Muling umandar ang ferris wheel na sinasakyan nilang dalawa.mabagal,katulad nang pagbagal nang malakas na tibok nang puso niya

Unti-unti naring dumidilim ang paligid dahil sa paglubog nang araw,katulad nang pagdilim nang lahat sakanya.Nag-sisimula narin lumakas ang boses nito sa pagkausap sakanya.Nararamdaman niya rin ang pagpisil nito sa braso niya.Katulad niya nararamdaman narin nito ang nakatakda sakanya

Katulad nang pinangako ko sayo,Magpapakasal tayo sa simbahan,Bubuo nang masayang pamilya,kasingkulit at ganda mo,Gusto mo iyon diba?Gusto mo iyon ?

UhmmmSa nanghihina niyang katawan,Nagawa niyang sumagot dito

Nagpatuloy sa pag-ikot ang ferris wheel katulad nang pag-ikot nang buhay nang isang tao.at Katulad nang pag-sikat ng araw na lulumulubog sa tinakdang oras para dito,hihinto rin ang ferris wheel sa tinakdang oras nito.Sa oras na kung saan……..Isang nakakabinging sigaw at hikbi ang maririnig mo. 

-----AN:

Ahahai.new story,fantasy story..sana magustuhan niyo..solomot ng marami..

CAN I STEAL A LITTLE LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon