Chapter 3 [Grocery, Phobia, and The Twin]

19K 278 23
                                    



========================

Spinach..Nasaan na ang mahiwagang Spinach...Kanina pa ako hanap ng hanap dito eh wala naman akong makitang spinach. Si Kevin nasa meat section habang ako naman na sa kabilang dulo ng grocery, naghahanap ng spinach.

Wow lang. Ito na ba ang tinatawag niyang DATE? I've always dreamt na magiging perfect ang first date ko. Sa isang resto, sa carnival o sa movies. Hindi ko inaasahan na sa grocery magaganap ang first date ko.

Nang nahanap ko na ang spinach (which is na sa kabilang dulo pa pala) hinanap ko na ang aking master. Si master kevin. Pagkatapos pala ng halikan session namin kanina eh niyaya niya ako makipagdate. Wala na akong nagawa dahil hinila niya na ako agad. At dito kami napadpad sa grocery.

Nakita ko si kevin sa meat section...Mukhang nakikipagflirt sa isang babae. Haist. Fail na fail talaga ang first date ko. Well...Hindi niya na ko kaylangan kaya naisipan kong umuwi na lang. Naglakad na ako papunta sa exit nang may tumawag ng pangalan ko.

"Tasha!" 

Hindi mo narinig tasha. Lakad lang. Lakad. Keep moving forward. Hindi ka niya kaylangan dahil may iba na siyang babae. 

"Tasha!"

Lakad..

"Tasha.." Hinila niya bigla ang braso ko 

Nagkungwari akong nagulat nang nakita ko siya. Ngumiti pa ako. "Master..este Kevin, Andito ka pala. Kanina pa kita hinahanap. Ito nga pala ang spinach mo" Binigay ko sa kanya ang spinach niya. 

Sa totoo lang nababad trip ako. Date nga 'toh eh nakikipaglandian pa siya sa ibang babae. Tsk. Sino nga ba naman ako? Isa lang naman akong slave. Hindi ako nagseselos. Selfish lang ako. Oo. Tama. Mas maganda pakinggan ang selfish kaysa sa selos.

"Aalis na ko ah baka kasi hinahanap na ako ni kate sa hotel." maglalakad na sana ako nang hinala nanaman ako ni Kevin at

O__O

Paghiwalay ng labi namin sa isa't isa, hinampas ko siya "PDA!" Sigaw ko na pabulong

"Selos ka kay sheila noh?" Ngumisi siya. Shiela pala yung babae ah. 

"Hindi ako nagseslos mister....selfish lang" I whispered myself the last words.


Ngumisi nanaman siya "Alam mo ba, pag nagseslos ang tao, sign yan na ayaw mo siyang mawala" 

My Kissing SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon