Left Me Hanging

731 32 19
                                    

Hello po sa isa sa mga Idol author ko dito sa WP :) New account pala 'to!

~~~~~~~~~~~~~~~~

“Hmm… Zeus can you stop it?” I grunt as my dog licks my face to wake me up.

Pero lalo lang akong nagising dahil sa amoy ng pagkain. May nagluluto, pero hindi ko maalalang nandito sila ngayon.

Bumaba ako ng kwarto at dahan dahang pumunta sa kusina, nagulat ako ng makita ko siya.  Napangiti ako,

 ‘hindi niya talaga matiis na hindi ako makita sa isang araw’  Isip ko pa

“Putangina Bello, wag na wag mo akong yayakapin sa likod.” My smile widened

After all these years na magkasama kami, hindi pa din siya nagiging sweet. Mas mild na siya kumpara sa Barbara noon pero ayaw pa din niya sa mga ganyang bagay.

“Why? Bawal ka na bang yakapin?”

Lumingon siya sakin at tinutukan ako. “Manahimik ka, kung hindi isasaksak ko sayo ‘tong kutsilyo.”

“Ayaw mo ba ng home made?” I grin

Her cheeks flushed red at an instant. “Tangina Bello, manahimik ka nga!” sabay balik sa ginagawa niya.

Nilagay ko ang ulo ko sa leeg niya at niyakap na siya. “Ano ba yung niluluto mo, babe?”

“lul, babe mo mukha mo! Nagluluto ako ng umagahan ko, nagutom kasi ako napakatagal mo magising!”

“So, hindi mo ako bibigyan? Mamamayat ako niyan.”

“Edi mamayat ka sus!”

“Paano na ‘tong mga pandesal? May palaman pa man din.” Tapos tumawa ako

“HA HA PANNY!” Sabay irap niya sa kawalan.

Actually, hindi ito ang unang beses na ipinagluto niya ako sa umaga, minsan na lang kasi kami magkita dahil sa pareho na kaming may trabaho.

Everything’s fine kaso unti unting nauubusan ng oras sa’kin si Barbara habang tumatagal, iniintindi ko na lang dahil alam ko kung ano ang nagagawa ng pressure sa kanya.

Until one time hindi niya ako tinawagan o tinext man lang, hanggang kinabukasan wala pa din akong natatanggap na replies o sagot mula sa kanya. I started to worry pero tinatagan ko ang loob ko ‘Patience Bello, Patience!’  Noong nasundan pa ito ng dalawang araw ay hindi na ako nakatiis at pinuntahan ko na siya sa bahay nila, pero ang sabi ni tita ay palagi daw siyang umaalis at may lakad.

Sa pang limang araw na hindi niya sinasagot ang mga tawag ko, nagpasya akong tumigil muna, ‘baka kailangan niya ng oras’ sabi ko sa sarili ko. Pumunta ako noon sa isang tindahan malapit sa kanila, nagbabaka sakaling maabutan ko rin siya.

Laking gulat ko ng makita kong may kasama siyang iba. Gusto kong lumapit pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, gusto ko siyang tawagin at kausapin, pero walang lumalabas sa bibig ko.

Isang gulat na gulat na Barbara ang nakita ko noong napansin niya ako. Nakita ko siyang papalapit, pero ako na mismo ang lumayo at umalis.

Dalawang araw mula noong makita ko siya, nakatanggap ako ng text

“Can we talk? Sa may bridge. Please?”

Malayo pa lang ako ay nakita ko na siya. Gusto ko siyang yakapin pero nasasaktan ako.

“Are you cheating on me?” Bungad ko pagka lapit ko sa kanya.

“Seth, please. Let me explain!”

“Fuck!” I blurted out loud.

She then starts sobbing. “Seth, sorry! Hindi ko naman sinasadya!”

“Hindi mo nga sinadya pero sana hindi mo ginawa!”

Hindi ko mapigilan ang sarili kong sumigaw, basta ang alam ko ang sakit sakit na!

“Kailan pa Barbara?”

“H-hindi ko a-alam, believe me please?”

“HINDI MO ALAM? WAG KANG MAGPATAWA!”

“Nagising na lang ako isang araw, hindi na kita mahal!” Sigaw niya.

I was taken aback. Isang malaking sampal sa’kin ang mga sinabi niya.

Wala na akong nagawa, gusto kong magwala, gusto kong manakit!

Nagsimula akong sumuntok sa punong malapit sa’kin!

“FUCK YOU! FUCK YOU! FUCK YOU!”

“Seth, tama na yan!”

Hinawakan niya ako sa braso pero hinigit ko ito. “Huwag na huwag mo akong hahawakan!”

“Please tama na! Tama na! Tama na!” niyakap niya ako para tumigil ako sa pagsuntok.

Niyakap ko rin siya ng mahigpit. Nasasaktan ako dahil sa nangyayari, nasasaktan ako dahil nasasaktan siya. Putanginang yan!

“Barbara please, sabihin mong mahal mo ako ulit kakalimutan kong nangyari to. Please?” Bulong ko sa kanya

Pero hindi niya ako sinagot at yumuko lang siya. Guess I have the answer to my question.

Left Me HangingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon