LIL: Tadhana.

508 8 7
                                    

Tadhana-Up Dharma Down

Sa hindi inaaasahang

Pagtatagpo ng mga mundo

May minsan lang na nagdugtong,

Damang dama na ang ugong nito.

Di pa ba sapat ang sakit at lahat

Na hinding hindi ko ipararanas sayo

Ibinubunyag ka ng iyong mata

Sumisigaw ng pag-sinta.

Bakit di papatulan

Ang pagsuyong nagkulang

Tayong umaasang

Hilaga't kanluran

Ikaw ang hantungan

At bilang kanlungan mo

Ako ang sasagip sayo.

**

Carmina's P.O.V

Nakakainis.Nakakainis talaga.Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo siya pa?Nanadya ka ba tadhana?Ilang taon akong magiging sawi?!

"Lalim ng iniisip ah."Napalingon ako sa pintuan ng office ko.

"Bigla bigla kang pumapasok.Ginulat mo ko."

"Sa mukha mong yan?Nagulat kita?Di ka naman siguro nagpapatawa?"

"Ayaw mong maniwala di wag."Inis kong sabi sabay inikot ko ulit yung upuan ko.Ganda lang ng view dito sa office ko.kita buong city.Amazing

"Init ng ulo mo ah?Anyare sayo?"

"Wala."

"Alam mo kung ako sayo, tumingin ka lang sa kanan mo,sasaya ka na ulit."

"Manahimik ka nga.Nakakairita sa tenga."

"Ay kabayo mo!"Hinampas ba naman niya yung mesa ko kaya nagulat ako.Napaharap tuloy ako sa kanya.

"Cara!Maiirita ka pa ba sa itsura niyang taong yan?Adonis yan Cara!"

"Wala akong pakialam kung Adonis ang pagmumukha niya.Demonyo naman ang ugali niya."

"Kilala mo na ba siya ng tuluyan?Baka naman may positive na side yung tao pero di mo pa nakikita."

"Alam mo, kahit anong tingin pa ang gawin ko sa kanya,Wala akong makitang positive, lahat nega."Sabay tingin ko sa kaliwa. Kitang kita ko ang nakakainis na mukha niya.Salamin lang kasi ang pagitan ng office ko sa office niya, kaya kitang kita ko ang ginagawa niya.Ayon.Natutulog tapos nakashades nanaman.May sore eyes ba to?Like a boss pa ang pwesto niya.Wth

"Malay mo Cara!"Napalingon ako kay Alice.Isang hampas na lang nito sa mesa ko papalayasin ko na to."Akalain mo ba naman na siya yung Representative.Tadhana na ang naglalapit sa inyo!Di ka ba natutuwa?"Nakangiti pa niyang sabi.Sino bang matutuwa?Sa lahat ng pinaggagagawa niya sakin.

"Tadhana his face.Kung pwede lang akong pumatay, inuna ko na siya."

"Ang hard Cara!Pero Infair, cute ang lolo mo."

"Isa pang compliment na ibigay mo sa kanya papalayasin na kita."

"Palayasin mo.Feeling ko handsome siya.Tapos gentleman.Tapos reddish pa ang lips niya oh.Tapos ang astig pa ng porma niya.Feeling ko masarap maging jowa niya.Tignan mo ng-"

"Alice!Tama na nga!Naririndi ako!Tumataas ang balahibo ko sa pinagsasabi mo!kung ako sayo kumain na lang tayo kasi nagugutom na ako."Sabay tayo ko.

"Libre mo ah."Mukhang libre talaga to.Minsan siya na yung ipapambayad ko eh.

"Mam Doktora?"Napalingon kami sa pinto tapos nakita ko si James.

"Bakit?Pasok."Lumapit ako sa kanya.

"May nagpapabigay po"sabay abot niya nung paper bag sakin.

"Sinong may bigay?"ngumuso naman siya sa kaliwa ko.Napataas ako ng kilay.Huh?sino?

"Anong hmmm"with nguso pa.

"Si Sir, Mam"

"Sige sige ako ng bahala."singit ni Alice sabay palayas don kay James.

"tek..teka?Bakit mo pinalayas?May itatanong pa ako eh!"

"No more questions Ms. Montereal!You know, That's what you call destiny!Nabasa niya ang isip mo!Right timing!MTB kayo!"Sabay kuha niya nung paper bag at binuksan sa may mesa ko.

"Anong Mtb mtb ang pinagsasasabi mo diyan?Tsaka ibalik mo yan sa paper bag isosoli ko yan sa kanya.Anong akala niya?Madadaan niya ako sa ganyan?"At akmang ibabalik ko na yung mga pagkain.

"What are you doing Cara?!Ang pakipot mo naman!"

"Anong pakipot?I'm giving it back to him!I don't need this!I can buy my own!"

"Alam kong kaya mong bumili ng sayo pero paraan na nagpagsorry sayo to nung tao.Tanggapin mo naman."

"I'm not convinced.Give me that"Sabay hablot ko nung pagkain.I saw my Favorite cake at green tea.Yun yung dapat bibilhin ko sa Coffee Shop kanina.i gulp.Natakam ako bigla?

"Kung yan ang gusto mo Cara.Bahala ka."

Pumunta na ako sa opisina niya na katabi lang naman nung akin.Kinatok ko ng malakas yung pintuan niya natutulog kasi.Bossy, nakakainis.

Binaba niya yung shades niya at ginalaw niya yung hintuturo niya na nagpapahiwatig na pumasok daw ako.Wala ba tong boses para sabihing pumasok ako?Wala ba tong paa para pagbuksan ako ng pinto?Bulag na, pipi pa, pilay pa.

"Mr. Salazar, ano po ito?"tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba nakikita?Bulag ka ba?Pagkain yan Ms. Montereal."

"Wag mo nga akong pilisopohin!Alam kong pagkain to!Tinatanong ko kung para saan!"Inis kong sabi.Nakakahighblood tong lalaking to.

"Gusto ko lang.Peace offering."

"Di ko kailangan niyan."Sabay lapag ko nung pagkain sa mesa niya.

"Hindi mo ko madadaan sa ganyan.Wag kang magpakita sakin baka matuwa pa ako."Sabay talikod ko.

"I'm saying sorry but you just ignoring it.Di ka marunong mag appreciate."Napalingon ako sa kanya.

"Kung ayaw mo nito edi wag.Hindi kita pipilitin sa bagay na ayaw mo naman."Sabay tapon niya nung pagkain dun sa basurahan sa tabi ng mesa niya.Na shock ako.Sayang yung pagkain.Ganun ganun lang niya tinapon yon.Grabe tong lalaking to.

Pagkakita ko na lang, binuksan na niya yung pinto ng office niya at umalis na ng tuluyan ng walang pasabi.Ako naman nakatayo lang dun.Tulala parin sa ginawa niya.Ganto yung itsura ko oh.(T.T)Sayang yung pagkain.

**

Comments and votes are much appeciated.♥

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon