Chapter 36: Downside

2.4K 53 1
                                    

| KELLY'S POV |

"Aalis na ako, Kelly." Paalam sa akin ni Kurt bago siya umalis.

"Saan kayo magkikita?" Tanong ko. Medyo bothered lang talaga ako na magkikita sila ni Pia pero iniisip ko na lang na school project to at pilit ko ring kinukumbinsi ang sarili ko na wala akong dapat ikabahala kasi ako naman ang mahal ni Kurt.

"Sa condo daw niya." Sa condo talaga?! Sila lang dalawa?! Pakiexplain nga kung bakit doon? Di ba pwedeng dito na lang?!

"Sige, mag-iingat ka." Pinilit kong maging mukhang kalmado, ayoko namang isipin ni Kurt na wala akong tiwala sa kanya.

"Kelly..." Sabi niya sabay hawak sa magkabila kong braso. "Stop worrying..Okay? I promise, wala kaming ibang gagawin maliban sa project. Trust me." Nahalata niya ata na bothered ko. Argh! I'm a terrible actress!

"Okay." Matipid kong sagot. "Basta, umuwi ka before 5 ha? May appointment tayo with the wedding coordinator." Pagpapaalala ko sa kanya.

"Yes, soon-to-be-Mrs. Salazar." Hinalikan ako ni Kurt sa noo bago tuluyang lumabas sa kwarto ko.

11am pa lang nang mapatingin ako sa relo ko. Gagawa na nga lang muna ako ng report ko sa English.

**********************************************************

| KURT'S POV |

She's gotta be kidding me! Talaga bang sa condo niya kami magkikita? For pete's sake! Kaming dalawa lang ang tao sa condo niya. Not that I have any other intentions pero babae pa rin siya at lalaki pa rin ako at magkakasama kami sa condo niya for several hours!

"Sir Kurt, andito na po tayo." Sabi ni Francis nung makarating kami sa condo.

Bumaba ako sa sasakyan at dumiretso na sa loob ng condo. Maganda ang itsura ng interior ng condo, mukhang secured at mahal ang mga units. Hindi na ako dumaan sa reception kasi tinext naman na sa akin ni Pia kung saang floor ang unit niya.

Nang makarating ako sa 9th floor, pumunta ako sa room 9134 at agad na nagdoorbell.

Ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto at sinalubong ako ni Pia.

"Hi! Pasok ka, Kurt." Bati niya sa akin. Pumasok naman ako umupo sa may sala.

"Wait lang ha? Kuha lang ako ng snacks." Sabi niya tapos dumiretso siya sa isa pang parte ng kwarto. Hindi ako nagkamali, spacious ang loob ng unit at white wash ang pintura. Malinis tignan at classic ang itsura.

Dumating ulit si Pia dala ang tray na may lamang dalawang baso ng juice at ilang chichirya.

"Feel at home, okay?" Sabi pa niya. I SERIOUSLY CANNOT LOOK AT HER. Bakit ba ganyan ang suot niya? Nakashort siya at sando lang, ano bang tawag dun? Yung manipis ang strap ng damit niya. What the hell? Is she trying to seduce me or something?!

The Search for the Bride (Complete)Where stories live. Discover now