Chapter 34: Plans

2.7K 52 0
                                    

| KELLY'S POV |

"Shit pare! Kanina ka pa namin inaantay!" Salubong ni Sander at Alex sa amin ni Kurt. Anyare? Ang aga aga, ang ingay ng dalawang to! At talagang inabangan nila kami dito sa gate ha.

"Hindi ka maniniwala, Kurt! May bago tayong kaklase!" Masayang sabi ni Alex.

Oo nga pala, simula ngayon...papasok na dito si Pia at sa tingin ko kaklase nga siya ni Kurt.

Kinabahan ako sa maaaring mangyari..Sa totoo lang, kagabi pa ako wala sa sarili. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Kurt, hindi ko alam kung paano ko siya tatanungin ng tungkol sa amin. Mahal nga ba talaga niya ako? Naguguluhan ba talaga siya dahil nakikita niya kay Pia si Bea?

"At isang malagkit na shit! Dahil hindi ka maniniwala, kamukhang kamukha ni Bea yung bago nating kaklase." Sabi naman ni Sander.

Sandali naman silang napatigil at napatingin sa akin.

"Ahh-ehhh...Kelly, sorry." Sabi ni Alex sa akin at isang matamlay na ngiti lang ang isinagot ko. Wala talaga ako sa mood kagabi pa.

Ay! Shit! Oo nga pala, hindi alam ni Kurt na alam kong dito na papasok si Pia! Dapat pala nagulat ang reaction ko!

"S-Si Pia? Dito na ba siya mag-aaral?" Kunyare hindi ko alam -_-

"Wait lang! Kilala niyo siya?!?" Gulat na tanong naman ni Sander at Alex. Habang paakyat kami sa 4th floor, kwinento naman sa kanila ni Kurt na nameet namin si Pia nung culminating activity.

Pagdating na pagdating namin sa 4th floor, marami nang estudyante ang nagkukumpulan sa harap ng room ng first section.

"Mauuna na ako sa room ko." Sabi ko kay Kurt. Papasok na sana ako sa room pero hinigit ni Kurt ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit.

"Galit ka ba sa akin? May nagawa ba ako?" Nangungusap ang mga mata niyang sabi sa akin.

"Wala." Matipid kong sagot. Hindi ko pa rin siya kayang tanungin.

Lalo lang humigpit ang hawak niya sa kamay ko at hinila ako papasok sa classroom nila. Ano bang ginagawa niya?!

Sa di kalayuan, natanaw ko na si Pia na nakikipagusap sa mga kaklase niya. Agad rin siyang napatingin sa direksyon namin ni Kurt.

"Kelly!!" Sigaw niya sabay takbo at yakap sa akin. Ang cute niya talaga! Para siyang little sister!  Ngayon, sabihin niyo nga sa akin kung paano ako magagalit sa isang to? Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil mabait naman siya!

"Waaah! Grabe! Excited na talaga ako! Buti na lang tinulungan ako ni Santi makapasok sa school niyo, Kelly." Masaya niyang wika sa akin "Hello, Kurt!" Bati naman niya sa katabi ko.

"Hi." Matipid niya sagot ni Kurt.

"Ang saya naman! Kaklase ko si Santi pati na si Kurt!" Sabi niya ulit.

The Search for the Bride (Complete)Where stories live. Discover now