One Click

552 21 22
                                    

"Hey Lee! I am asking for your number kanina pa" tanong sakin ng klasmate slash dutymate ko na lalaki. Akala ko kapag sinabi ko na 'later' na lang eh makakalimutan na niya. kaso hindi eh. Siguro halos pang- apat na beses na rin siyang lumapit sakin para kunin number ko at kung sasabihin ko na naman na 'itetxt na lang kita?' baka naman umasa siya tapos makalimutan ko tapos may duty pala kami bukas tapos di niya alam tapos may make up duty na siya dahil sakin *O* ang ginawa ko para tumigil siya sa kakakulit sakin, kinuha ko na lang yung number niya at tinext ko yung groupmate namin na itext siya bukas kung may duty but heck! kahit iniwasan ko ibigay sa kanya yung number ko, nakuha naman niya sa ibang classmate namin >.< at nung sinabi ko sa kanya yung tungkol sa two rules ko before giving my number sinabihan ba naman ako na "ang arte mo naman" >.< Oo alam ko naman 'yon pero hello? wag mo ng ipamukha pa. 

Yes, I have Two Rules before giving my number to someone who's asking for it.

First,  DO NOT GIVE MY NUMBER TO ANYONE WITH OUT MY PERMISSION

Why? -Do you know the word 'Privacy?'. When I was still a high school student I always recieved text messages from unregistered number saying  "can you be my text mate?". Seriously, napaparanoid ako kapag ganon' kaya laging pa-iba-iba ang number ko. Maarte? YES! matutuwa ka ba kapag may nagtext sayo na ganon' at matutuwa ka ba kapag sinabi sayo na "Binigay sakin ni *insertnamehere* " ng walang sabi-sabi?

My number is not like a Fliers (pamphlet) na pwedeng mo'ng ibigay kung kanino mo gusto or sa taong may gusto.  Hello Privacy. You can give my number with my permission naman eh or pwedeng ibigay mo basta kilala ko at sasabihan mo ko na kahit  "Hoy I gave your name to *insert name here* may sasabihin daw kasi siya sayo".

Second, Kung mahilig ka mag-GM (Group Message) please lang, wag mo na ko padalhan.

Reason: Gusto mo ba mag-basa ng text message na super haba pero tungkol lang naman sa ginawa niya buong araw like: "Inaway ko prof ko kasi ganito ganyan. Nag-lunch ako sa Mcdo tas grabe ang sarap talaga ng mcdo fries. Nagdate kami ni boyfriend. Shet! kinilig ako" Diary mo ba ko? NO OFFENSE. Pero hindi ako nag-smart or nag-sun kahit most of my friends are smart/sun subscriber. Why? Kasi unang, una. naka-Globe ang parents ko. Pangalawa, yung ibang friends ko ang hilig mag send ng Group Messages tungkol sa buhay nila. ba't ko alam? eh kasi triny ko dati mag smart. at ang napala ko? Mabilis nga ako ma-contact ng mga friends ko pero ang sakit na ng kamay ko kakabura ng GM's nila at Nasermonan pa ko ng dad ko kasi di niya ko ma-contact >.<

Matutuwa ka ba magbasa ng text message na ganito "Gandang gabi. Maliligo pa lang ako". Shet! pwede ba wag mo na ipagkalat or ipagkalandakan sa buong mundo na di ka pa naliligo! ~.- 

Uulitin ko "NO OFFENSE!" sa mga taong mahilig mag-GM. kaya nga bago ko ibigay number ko sinasabi ko sa kanila ang "2 RULES Before Giving my number"

Okay lang mag-gm. Wala ako'ng magagawa. Phone niyo yan at Load niyo naman yan galing sa sarili niyong pera. Pero ang akin lang, Wag naman buong araw puro Gm's mo tungkol sa bawat minutong nangyayari sa buhay mo. Please lang. wag naman buong detalye ng buhay mo eh ipagkalat mo na or let me just say "wag mo i-gm lahat" or make the story short. Same as Posting Status on Facebook or tweets on twitter. etc.

Having accounts on Facebook, Friendster, Myspace, Tagged, twitter, Tumblr and wattpad, etc. you can easily get Updated to your family and friends esp to those who are in malayong lugar through posting or updating their Statuses, tweets, photo's, video's at pwede rin nga mag-chat basta may Internet Connection ka at connected ka :>

In Just a click away, bago na ang Profile Picture mo, maraming likes na ang status na pinost mo, trending na ang twineet mo, at maraming ng nag Follow sayo sa tumblr , at sikat ka na sa Youtube, kung nasa wattpad ka marami ng nag-fan sayo.

You can gain new friends, you can buy and sell online, you can share you're idea's and inspire people through writing online. Makaka-sagap ka agad ng latest chismis galing sa friends mo. Pwede ka na rin manood online, at pwede ka rin magka-lovelife online :>

and just a click away, marami ng naiinis sayo dahil sa Gm's mo via text, sa status mo sa facebook tungkol sa kinaiinisan mo with matching 'mura/badwords pa', sa pinost mo'ng picture na halos ipakita mo na ang katawan mo, sa hindi magandang twineet mo or rinetweet mo or sa comment mo sa wattpad na hindi nagustuhan ng Fans/readers/Author.

Siguro iniisip niyo ano ba meron? Ba't may ganitong kaartehan si Lee? Ano gusto niya palabasin?

Simple lang naman ang gusto ko'ng sabihin pero pinahaba ko pa at alam ko'ng naiinis ka kasi ang haba-haba ng sinabi ko yun pala gusto ko lang naman sabihin na

"THINK BEFORE YOU CLICK"

Parang Gm, ang haba-haba ng tinype mo, ang haba-haba ng kwento mo, gusto mo lang pala sabihin na "Good Morning", "Gising na ko" "Matutulog na ko" "Gutom na ko" "Gusto ko ng uwi" "Badtrip ako!" at "Maliligo pa lang ako!"

Parang status para sa kaaway mo. Ang dami mo ng sinabi, nalabas mo na lahat ng sama ng loob mo sa kanya, lahat ng klaseng mura nabanggit mo na pero ang tanong : FRIENDS BA KAYO SA FACEBOOK?

Okay lang naman kasi mag post kahit di mo siya friends e, pero 'USE' the right and appropriate words naman.

Alam ko na hindi maiiwasang ma-i-gm mo sa text kung paano ka nagising/ba't ka nagising. Walang masamang mag post ng status tungkol sa nangyari sayo or sa gusto mo'ng sabihin sa kaaway mo. at hindi mo mapipigilan yon lalo na kapag tuwang tuwa ka, sobrang excited ka, at galit na galit ka na kulang na lang umusok ka na.

WALANG MASAMA.

Hindi Bawal.

Pero isipin mo muna.

Hindi lahat pwede mo'ng i-kwento sa gm.

Hindi lahat pwede mo'ng ipost sa facebook katulad na lang ng:

"T@ngnamo! magbayad ka naman ng utang mo *insert name here*!"

"Pina-barangay ko si *insertnamehere*"

"May iba ako'ng gf/bf nung kami pa ni *insertnamehere*. Ang saya ko nga eh"

"Di na virgin si *insertnamehere* kasi blah blah blah blah"

Hindi lahat ng picture ay pwede mo'ng i-post at i-share. kung gusto mag-picture ng katawan mo na kita cleavage mo, na naka bikini ka lang, nasasayo yon pero kung may nag-comment 'don at nabustusan ka, aba! wag kang magalit at bigla mo ipa-barangay yung taong nambastos sa picture mo. kasi sino ba may kasalanan? Ikaw naman diba? kasi PINOST MO.

Konting hiya at Konting Respeto naman, para sa sarili mo at para sa taong tinag mo sa post mo. Pwede namang wag mo na lang i-tag? Pwede namang 'I-Private mo' or pwedeng i-costumized kung sino lang ang pwedeng makakita at makabasa.  Hindi yung Proud ka pa na pinost mo'ng "YES! DI NA KO VIRGIN!"

Hindi maiiwasang ma-post ng ganon.

At siguro iniisip mo "Pakielamera ka pala Lee e!"

For me, Hindi. I'm just giving you a reminder. I'm just sharing my opinion about this case/ issue.

Seryoso, Totoo or Joke man ang ipopost mo, Pag-isipan mo ng mabuti :)

It's hard to take back what you've posted online, kahit nadelete mo na basta may nakabasa or masaklap pa eh may nakapag print screen pa.

At Para mas maintindihan niyo ang ibiga ko'ng sabihin or ang gusto ko'ng maintindihan niyo ba't ko ginawa ito, may kwento ako.

The story came from a friend and she has a schoolmate who cannot take the final exam kasi may balance siya sa tuition fee noong midterm and Finals. Hindi pwedeng ma-approve yung promisorry note na ginawa niya for Finals kapag hindi na-settled yung balance account noong midterm, That's the policy of the school. To make the Long story short, she posted a post (message) about her dilemma to their School Page. (di ko alam kung ano yung  pinost niya) basta tungkol sa final exam issue niya 'yon. The post gained likes and comments from other students and Alummni's agreeing upon on what she posted. And what happened to her? May incident report na siya agad at Muntik na siyang ma-expel sa school.

See? 

Think before you click

PS: This is only my opinion, if you're going to ASK me if "I think before I click the save & Publish button' my answer, is "YES" nag-ask pa ko ng opinion sa ibang tao :)

One ClickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon