Thirty Eight- Blooming

1.6K 26 0
                                    

Sandra's POV

Lunes na at masasabi kong okay na yung pakiramdam ko. Minsan tuwing nagiisa ako ay hindi ko maiwasang isipin yun.

"Pero seryoso, girl. Bakit parang blooming ka ngayon?" Sabi ni Cindy at nagsingayunan naman sila.

"Ano bang blooming pinagsasabi nyo dyan? Umayos nga kayo!" Sabi ko dahil shocks ayoko ngang malaman nila ang tungkol doon.

"Totoo naman e. Blooming ka talaga." Sabi naman ni Ash.

"Araw araw naman akong blooming mga bruhang 'to." Sabi ko.

"Ayy. Alam namin yan, girl. Pero kakaiba kasi ngayon e. Parang may something." Sabi ni Kc.

"Alam nyo naman pala at tsaka walang something. Ganito lang talaga ako." Sabi ko na lang.

"Hindi, girl. May iba talaga e. Ramdam namin yun. Pagpasok mo pa lang kanina sa gate ramdam ko na, ramdam na namin na may iba talaga." Sabi ni Rhaine.

"Hmm? Ano naman naramdaman nyo?" I asked.

"Alam mo yung ambiance nung pagpasok mo? Parang ang saya saya mo. Ramdam namin!" Sabi naman ni Elle. Ehem.. hindi ko pa pala nakukwento ano? Simula nung nagpasukan ay samin na sumasama si Elle at kasama din nya syempre sila Anne at Misty pero ngunit subalit datapwat ay hindi pa rin namin sinasabi sakanila yung about samin ni Adam dahil wala lang di ko lang feel sabihin.

"Ah. Wala naman. Masaya lang talaga ako. Teka nga! Ayaw nyo ba akong maging masaya, ha?" Tanong ko sakanila.

"Syempre gusto ka namin maging masaya, gurl. But the point is may iba talaga!"

"Okay? Then tell me kung ano yung 'may iba' na iyon." I said at kumagat sa burger ko.

"Aba! Malay namin ano! Ayaw mo talaga sabihin?" Sabi ni Kc.

Napailing na lang ako, "Ayaw sabihin? Ano kasing sasabihin ko kung wala naman talaga!" I said.

"Hey love!" Pareparehas kaming tumingin sa nagsalita and guess who? It's Adam

"Hey!" I said at umalis naman si Kc sa tabi ko at lumipat sa kabilang upuan dahil dumating na ang prinsipe ng buhay ko.

"Kumain ka na?" I asked.

"Oo." He said kaya tinanguan ko na lang sya.

"Love?" Tanong ni Elle. Ohh. Late reciever ang loka.

We all nodded our heads, "Bakit love? Yung totoo? Kayo ba?" She asked.

Nagkatinginan kaming lahat at naghihintay ng sasagot. Aba miski ako hindi ko alam kung aamin ako sakanya dahil alam nila yung ginawa ni Elle sakin. Honestly, ayaw nila kay Elle except Beb and Rhaine. Nagexplaine naman si Elle pero atmyaw talaga nila Kc tapos nagsorry si Elle kanila Kc tapos okay na sila.

"So silence means yes. Kailan pa?" She said nung walang nasagot samin.

"Three months ago na sila. At kung pwede 'wag mo na silang guluhin pa dahil as you can see kahit ginawa mo iyon sakanila ay tinanggap ka pa rin nila." Sabi ni Kc kaya pinanlakihan ko sya ng mata.

"What? I'm just stating the fact." He said kaya napailing na lang ako.

"Oo naman. Nagsorry na nga ako diba? Tsaka nandyan naman si Alvan para sakin kaya hindi ko na ulit gagawin yun. Pangako." Sabi ni Elle.

"Mabuti naman kung ganon." Sabi ni Ash.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan at nahuhuli ko ang mga pasimpleng tingin samin ni Elle pero hindi ko na pinapansin dahil kahit hindi pa ako ganon katiwala sakanya ay kaibigan ko naman sya at ayokong maging masama sakanya.

Sobrang bilis lang na lumipas ang oras at araw. Kami din ni Adam yung pinakamataas sa project namin kay Sir Vasquez, 'yung sa research paper.

Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nawawala ang issue sakin na ang blooming ko daw talaga at isang linggo na ang nakaraan. Sabi pa nga nila ay dahil daw kasama ko palagi si Adam gawa nung sa project kaya umoo na lang ako paratigilan na nila ako at buti naman at tumigil na sila ngayon.

Friday ngayon at may announcement daw si Sir Vasquez kaya hinihintay na namin sya kaya pagkarating na pagkarating nya ay nagsimula na.

"Malapit na ang JS Prom nyo." 'Yan ang panimula ni Sir kaya't umingay agad ang buong klase.

"At kung sino man ang gustong sumali sa cotillon, candle, at dance presentation ay magpalista na. Lahat kayo ay kasali at mamimili na lang kayo sa tatlo kung saan nyo gusto. Nandito ang tatlong papel sakin at ipapaikot ko ito sa buong klase at isulat nyo ang pangalan nyo kung saan nyo napiling sumali. And for the cotilloners ay dapat sigurado na kayo dahil kayo ang pinakahighlight ng programa natin. Nagkakaintindihan ba tayo?" Sir Vasquez.

"Yes, Sir." We all said.

"Cotillon?" Adam asked and I nodded my head.

"Sure na?" He asked.

"Yes. Sure na sure." I said.

"Uyy. Saan ka?"

"Candle."

"Ako dance presentation."

"Ayy. Ako rin."

"Mas gusto ko sa candle."

"Tangek. Mas maganda sa dance. Kyaaaaah! Sino kaya makakapartner ko? Sana gwapo."

"Oo nga girl. Kaya din ako sa dance e. Sana talaga gwapo ano?

Ilan lang yan sa mga naririnig ko. Grabe ang iingay nila. Nagkakagulo na nga dahil umalis si sir e. Sakit sa tenga ng mga boses nila. Tsk.

"Anong sinalihan mo, Sandy?" Tanong ni Elle sakin.

"Ah. Magcocotillon kami ni Adam e. Ikaw?"

"Same here with Alvan." She said kaya napatango na lang ako.

Si Rhaine, Kc, at Cindy ay sa Dance Presentation at si Beb naman ay sa Candle dahil ayaw daw nya sumayaw. Nagtalo pa nga sila Elle, Rhaine at Beb dahil magaling daw kasing sumayaw si Beb tapos bigla syang magcacandle. Wala daw kasi sa mood magsayaw si Beb at hindi na rin sya pinilit nila Elle kahit medyo nagtatampo ito dito.

-

It's been a week since Sir Vasquez announce about the JS thing and later after class ay magstart ng magpractice ang kasali sa Cotillon dahil kailangan daw namin maperfect at malinis ang pagsayaw para mas mapaganda.

Every afternoon after class ay dito na kami dumadaresto sa quadrangle para sa practice, hindi na rin nga ako nakakasama sa gala tuwing uwian e.

Good thing dahil kahit papaano ay may nakakausap ako sa practice dahil nandodoon din si Elle pero ngayon ay may iba na rin akong nakakausap dahil isang linggo na simula nung magsimula ang praktis namin kaya heto at may bago na akong kaibigan.

Buti na lang at mababait ang mga higher years. Karamihan kasi sa kasama kong pumila ay higher years dahil sa tangkad ni Adam. Tss. Edi sya na ang matangkad.

6pm natatapos ang praktis namin at kung minsan naman ay inaabot kami ng 7pm kaya sabay sabay kaming nagdidinner nila Elle, Alvan at Adam sa fast food chain or any restau na maisipan namin.

Noong una ay ayaw ni Adam sumama samin dahil wala syang pera pero sabi ko naman sakanya ako na ang bahala since I'm his girlfriend. Pinagtalunan din namin 'to pero mas malakas ako kaya wala syang nagawa kundi ang pumayag. Wala lang naman sakin ang gumastos lalo na kung sya lang rin naman ang paggagastusan ko.

"Grabe! Nakakapagod ang araw araw na praktis. Paguuwi ko sa bahay, bagsak na katawan ko e." Sabi ni Alvan at nagsisangayunan naman kami. Pagkatapos namin kumain ay nagkwentuhan muna kami bago namin mapagpasyahan na umuwi.

"See you tomorrow my love. Good night and I love you." Adam said.

"Yep. I love you too and Good night." Sabi ko.

Nung makarating na yung tricycle sa tapat ng bahay bumaba na ako pero bago yun, "Ingat. Ily." I said and he nodded.

"Yes. Ilyt." Yun lang ang sinabi nya at umalis na yung tricycle.

ILY Baby [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon