Kaibigan lang pala talaga.

257 4 6
                                    

> Kael's POV<

*Matagal ko nang itinatago 

Mga ngiti sa munti kong puso 

Batid kong alam mo nang umiibig sa 'yo. 

Bakit hindi mo pansin itong aking pagtingin 

Ba't di mo ramdam ang tibok nitong dibdib 

Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin.*

"ano ba yan ang aga aga, may tawag agad. haayyss" *yawn* sagdgvbfvsyvchzvbcjkas. kinuha ko na yung cellphone ko, tiningnan ko yung screen, yung inis ko kanina dahil sa early phone call nawala, syempre start palang ng umaga, boses agad nya ang maririnig ko. boses ni Kaitryn,

"hello Khalil Rafael Santos inshort KAEL! mayroon akong good news sayo!!!"

"oh, ano yun, kailangan ganto kaaga sabihin agad?"

"ganto kasi yun, paano ko ba sisimulan?"

"sabihin mo nalang"

"engaged na kami ni Daniel :D"

"h-ha? ikakasal na kayo?"

"parang ganun na nga, naku Kael sobrang saya ko, alam mo ba para akong pumunta sa 7th Heaven sakay sa cloud nine"

"baliw, ang OA naman ng reaction mo... c-congrats"

"oh, bakit parang hindi ka masaya para sakin?"

"syempre masaya, medyo malungkot nga lang iiwan mo na ako, magaasawa ka na."

"hay, naku ang drama mo. ikakasal lang ako hindi ako bibitayin :)) sige bye-bye na. pupuntahan pa namin yung wedding planner namin :D"

"sige bye. ingat nalang"

Naihagis ko nalang yung cellphone sa kama ko. Shet lang, hindi man lang ako nagkaroon ng time para ipagtapat sa kanya na mahal na mahal ko sya, ang buong akala ko kasi maghihiwalay rin sila ni Daniel, kasi noong mga nakaraang araw palagi na silang nagaaway. Kaitryn Gonzales, crush ko since first year. ngayon graduate na kami, may sariling trabaho. pinunasan ko yung mga luha ko at lumabas na ako ng kwarto.

"anak, nasabi na sa akin ni Kaitryn, ayos ka lang ba anak?"

"ma, bakit kailangan mangyari nito? nakakapangsisi tuloy... dapat pala matagal ko ng sinabi bwiset."

"sinabi ko naman kasi sayo noon na, kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman mo kay Kaitryn dahil baka masaktan ka, ang ibig sabihin nun ay ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya at kinareer mo na ang pagiging tang@. hindi ka kasi nakinig sakin noon"

"sana nga mama nakinig nalang ako sa inyo, wala na ikakasal na sya" bigla namang tumulo ang mga luha sa mata ko.

"ssshhh,,, tama na yan. wag ka ng umiyak. ngayon ang mahalaga ay ang makasama mo sya sa mga huling araw nya  ng pagiging "Gonzales" "

"opo ma. sasabihin ko rin sa kanya bago sya ikasal, lahat lahat ng nararamdaman ko."

"ganyan nga anak. sige tara kumain na tayo"

Lumipas ang isang buwan, at hanggang ngayon hindi ko parin nasasabi sa kanya ang dapat kong sabihin, naduwag nanaman ako. parati naman eh.

"Kael, sa April 26 ang kasal namin 4:00 pm, beach wedding yun. sa Puerto Princesa ang venue. para kasabay na rin ng birthday ni Daniel at yung . . . honeymoon hehe" kumurot yung puso ko, Beach Wedding ... Honeymoon... nakakalungkot lang dahil sa ibang lalaki mapupunta ang babaeng pinakamamahal ko.

Kung Ako Ba SyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon