Chapter 7: Muse & Escort

123 5 0
                                    

huwaaaaaaaa!!! kaloka naman!! sana matuloy ko pa tong story ko!! sana kaya ko pa, lalo na pag may pasok na.. :DDD

btw TENCHÜ po sa mga nagbabasa ng I Love You!! tsaka dun po sa mga silent readers dyan, SPEAK UP!! pwede po kayong masuggest sa akin kahit ano.. 

pagpatuloy niyo lang po ang pagbabasa!! TENCHÜ po ulet!! 

 lapit na mag 300 reads!! ^______^V

********

CHAPTER 7

Keith's POV

2nd day na ngayon ng klase. hindi na msyadong boring ngayon, kasi maguumpisa na ung mga teachers sa tuturo ng mga lessons for this quarter. nandito ako ngayon sa loob ng classroom. hinihintay namin si Bianca namakapasok dito sa classroom.

tama ang pagkakabasa nyo, hinihintay NAMIN siya. sinama kasi ako netong bestfriend ko sa panliligaw niya. dapat nga mamayan pa ako pupunta dito sa school, kaso tinawagan ako ng best friend ko ng maaga, tulungan ko daw siyang mag ayos ng mga surprise niya kay Bianca. Parang hindi na nga natulog tong si Art, ang lalim kasi ng ilalim ng mata nya eh. siguro iniisip niya kung ano ang mga dapat sabihin kay Bianca at sa parents nya.

ganyan kagusto ni Art si Bianca. lahat gagawin niya para mapasaya, wala siyang pakialam kahit ilang beses pa ibasted ng babaeng gusto niya. motto nga niya " try and try until Ü die " hahaha, joke lang!! ano ba yan!!! lakas ng tama ko ngayon ah.

"Ayan na si Bianca!!!" sigaw ng isang kong classmate na lalaki.

umayos na ang lahat, bawat isa ay may dalang red rose. nakapila kaming lahat sa harap niya. isa isa nang binigay ng mga classmates ko ang mga rose na hawak nila. nasa harap ko ang best friend ni Bianca na si Kim.

eto na.... turn ko na.

*dugdug*

*dugdug*

*dugdug*

huh?? bakit ganito yung puso ko?? ang bilis ng tibok.ano bang meron?? aahh, baka kinakabahan lang ako para sa best friend ko kaya ako kinakabahan. oo tama yun. ganun lang yun.

 "Hi Bianca! this is for you. sana pumayag ka na maging manliligaw mo siya. and alagaan mo yun ah." then I wink at her ^____~

hala!!! namula siya!!! ang cute niya talaga. ano bayan so gay naman!!! tama na nga. pagkatapos ko ibigay kay Bianca yung rose umalis na siya. hindi ko alam kung bakit ayaw ko magstay dun para mapanood ko yung gagawin ni Art. 

lakad lang ako ng lakad pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. bahala na nga yung paa ko kung saan niya ako dadalhin. 

(A/N: hala!! ipaubaya daw ba yung sarili sa paa.. xDDD)

hayy author wala pakialamanan. kanya kanyang trip lang yan.

(A/N: oo na.. oo na.. hindi makikialam.. tsk tsk.)

dinala ako ng paa ko sa....

CANTEEN???? ano naman gagawin ko dito?? bakit dito pa ako dinala?? hayy, nandito na rin naman ako edi bumili na ako ng ice cream ung chocolate flavor syempre. ^___________^

*KKKKKKKKRRRRRIIIIIIINNNNGGGG*

nagmamadali akong pumunta sa classroom baka malate ako sa klase mapagalitan pa ako ng adviser namin. pagkadating ko sa classroom, yung iba ay nakaupo na at yung iba ay nakikipagkwentuhan pa. narinig ko ang usapan nila.

 "ang swerte naman ni Bianca, manliligaw na sa kanya si Art."

"oo nga eh, buti nga pumayag siya na magpaligaw kay Art. hayyy, sana gawin sa akin iyon ni Keith. hindi na pwede si Art diba?? edi si Keith na lang." 

I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon