RunAway [3/5]

1.7K 55 4
                                    

"Ako nga pala si Daniel. DJ." Naglalaro sa kanyang mga labi ang matamis na ngiti. Naisip niya kasi na para magawa niyang comportable ang katabi niya, kakausapin na lang niya to. Kahit di siya magaling sa pakikipag usap, nakaramdam siya ng gaan ng loob para sa binibining katabi niya. 

"Kathryn." Hindi niya alam kung ano sasabihin niya. Hindi naman siya sanay na kinakausap siya ng mga tao. Mga magulang lang niya ang kumakausap sa kanya, pati si Quen. Her social life didn't exist. Pero wala naman siyang pakielam dun. 

The cart with food and drinks arrived and Daniel took that chance to make her talk more. Nginitian lang siya nung stewardess na puro make-up lang sa muka. "Ano paipaglilingkod ko?" Halatang nakikipaglandian sa kanya yung stewardess. Hindi na lang niya yun pinansin at humarap kay Kath.

"Ano gusto mo?" Tanong niya kay Kath. Pero sa labi lang nakatuon ang atensyon niya. Parang sobrang lambot nito. Her voice was enjoyable and calm. 

"Juice and a sandwich na lang." Ngumiti si Kath pero nakatingin pa rin siya sa bintana.

"Make that two, please." Sagot ni Daniel sa stewardess. Nginitian niya na rin yung babae, pero pilit.Pagkakuha niya ng pagkain, napahinga na lang siya ng malalim.

Madaming nagsasabi na gwapo siya. Pero walang nakakapansin na di yun importante sa kanya. Yung past girlfriends niya, sinagot lang ata siya para ipagmayabang. He wanted to be more than that. Gusto noya makiya yung babaeng mamahalin siya para sa kanya. But he guessed that that person had to be blind to the right one.

"Eto na oh. Kain ka na." Inabot niya yung juice kay Kath. 

Kath was holding out her hand. She didn't feel Daniel's hand on the first attempt. She could feel his elbow on the armrest. She let her fingers glide up his arm to his hand and was able to get a hold of the bottle."Salamat."

Di makapaniwala si Daniel sa nakita niya. Akala niya, na yung babaeng katabi niya ngayon e katulad ng ibang tao. Akala niya kaya di natingin si Kath sa kanya e dahil nahihiya siya.

Iba pala ang dahilan. Di talaga siya makapaniwala na ang napakagandang nilalanang na nasa tabi niya ngayon ay bulag. Di niya alam kung paano siya nakakalampas ng mag isa sa pang araw araw na problema. Isa yung misteryo para sa kanya. 

"Bakit ka pupunta sa London?" Sa simpleng tanong na yan, binasag ni DJ ang katahimikan. 

Sanay na si Kath na pag usapan ang kinabukasan niya. Di siya nahihirapang sagutin yun kasi yun lang naman lagi tinatanong sa kanya eh. Kinabukasan niya. 

Sinabi niya kay DJ na papakasalan niya ang taong di niya naman mahal. Sinabi niya lahat ng tungkol sa plano ng magulang niya. Everything came out of her lips like waterfalls. Everything. 

Di siya pinigilan ni Daniel. He loved to listen to her. Sometimes, a small giggle would escape her lips. It was like angels are singing to his ears.

Natapos magkwento si Kath. 

Tinitigan lang siya ni Daniel.

Pero isang tanong ni DJ ang magbabago ng lahat.

"Masaya ka naman ba?"

--

Nag-update lang kahit wala masyadong nagbabasa nito. Tatapusin ko na rin to :)

Salamat sa mga nagbabasa haaa :DD

RunAway.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon