Keizer's Sin [A Side Story]

68.7K 794 67
                                    

THIS IS NOT A SPECIAL CHAPTER... I REPEAT NOT A SPECIAL CHAPTER..

Keizer who? (See TABOO 44-46, INFATUATION PREFACE for Keizer references)

 

 

Keizer’s Sin

“I’ll give you a ‘HUNDRED Reasons’ to ‘HATE’ me and ‘One Reason’ to ‘LOVE‘ only me…”

-Keizer Regalado-

Inis na ibinalibag ni Congressman Regalado ang NewsPaper sa mukha ng bunsong anak. “Panibagong kagaguhan na naman Keizer. Kailan ka ba talaga magtitino?!?” halos dumagundong sa apat na sulok ng Study Room ang galit na boses ng Congressman. “Hanggang kailan mo dudungisan ang magandang pangalan natin ha?!”

Napasipol ako ng makita ang NewsPaper at mabasa ang Artikulo. Tumataginting lang naman na ‘THE CONGRESSMAN SON’S, A RAPIST?’…  “At least gwapo ako dito.”  Balewala kong sagot. Tinangka kong tumawa pero nauwi lang iyon sa ngiwi. Pumutok kasi ang sulok ng nguso ko ng suntukin ako ng gagong si Damon Rivero. Not only that, hirap din akong dumilat dahil sa mga suntok nya. And base on his skills siguradong nag aral ng kick boxing ang hinayupak.

Tsk, malas lang dahil ang gwapo kong mukha ang napag-practisan.

                “Pasalamat ka at hindi na nagsampa ng demanda saiyo ang mga Rivero dahil kung hindi Keizer sa kulungan ka na talaga mabubulok. Wala kang maaasahang tulong mula sa akin!”

                May bago ba doon?. Kailan ka ba nagkaroon ng time sa akin?. Kung saan ako nanggaling kagabi?.  If I’m okay?. What really happened? Blah blah blah!. .. Ni hindi mo nga alam na muntik na akong maubusan ng dugo kagabi eh because you’d never care, damn old man. Ang alam mo lang namang gawin ay ang hanapan ako ng mali and rubbed some salts to the wounds and that’s it!.

                I smirked, at ang lakas ng loob mong tawagin ang sarili mong Isang Ama?. That’s bullshit!.

                “Tapos ka na ba?. May I go now?”

                Lalo lang nainis si Congressman Regalado sa reaksyon ng nag iisang Anak na Lalaki. Kahit kasi anong pangaral pa ang gawin nya dito hindi naman pumapasok sa kukote nito. Hindi man nya aminin  alam nyang ang katigasan ng ulo nito ang tanging namana nito mula sa kanya. Napahilot ang matanda sa pagitan ng noo. Kung alam lang nito ang ginawa nyang pagmamakaawa kay  Christopher Rivero para lang hindi na sila magdemanda at hindi na makaladkad pa ang Pangalan ng Pamilya.

                He hates it when he beg!.

                Keizer was thickheaded like him! Much Stubborn perhaps?. Hindi ito marunong tumanggap ng pagkatalo at lalong ayaw na ayaw ng dinidiktahan sa bawat kilos nito.

                Pinagmasdan nya ang anak. Hindi naman ito dating ganito. Lalo na ang bagong getup  nito na parang drug addict na napulot lamang sa isang kanto. He admit hindi nya alam ang bagong fashion trending ng mga kabataan ngayon pero kung i-cocompare nya ito sa apo ng kanyang Kumpadre malayong malayo ito kay Damon.

TABOO [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon