Rock & Roll Sweetheart (Beating of the Hearts) - Prologue

412 17 11
                                    

This new story is dedicated to my niece @Butterflywithme (ano bang pangalan yan?), o ayan masaya ka na? hahaha! Huwag mo lang ipagsasabi sa buong angkan natin ang kahibangan kong ito, hahaha!

PROLOGUE:

The crowd's cheers are deafening. Ilang minuto na mula ang huling kanta pero patuloy pa rin sila sa paghiyaw at nagrerequest pa ng kasunod na kanta.

Iyon na siguro ang pinaka madaming taong nanood sa lahat ng mga concerts namin.

But it's just too bad...it will be my last one.

As I slammed my drumsticks for the last beat, I immediately stood up and had my last wave to the crowd and left the stage. Hindi ko na hinintay pa yung introduction na usually na binibigay matapos ang huling performance.

Hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luhang umaagos mula sa mga mata ko. Ayoko lang na makita ako ng karamihan sa ganitong sitwasyon na napaka hina ko. I am mostly known for being tough as being the only girl in the band and that of being the drummer which are mostly dominated by the guys.

 Pero hindi na nila ako kailangan. Sila mismo ang nagsabi na kailangan nila ng bagong lalaking drummer dahil kailangan nila ng bagong image sa banda. Bilang babae, hindi ko daw magagampanan ang papel na gusto sana nilang maging sa bagong imahe na yon. How sexist they can be. From Alternative/Pop Rock they will be switching to Hard/Metallic Rock.

Although we are just doing fine, marketability and popularity wise. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit gusto pa nilang mag switch ng music genre kung okay naman ang current type of music namin. But being the youngest and the only girl, I was simply outvoted.

Iyon na siguro ang pinaka masakit dahil buong buhay ko ibinuhos ko sa banda. I even felt that I lost my youth because of them. Imagine joining them since I was seventeen and now that I'm twenty-one, they no longer need my services. I just felt rejected.

Ang mas nakakasakit pa ang taong gusto kang umalis ay ang taong akala mo ay nagpapahalaga sa'yo. I even thought that I was inlove with him. Si Chris ang syang unang lalaking nagpakita sa akin na babae rin ako at kailangan ng pagmamahal mula sa isang lalaki pero sya rin ang nagsabi na dahil babae ako hindi ko makakayang gampanan ang papel na gusto nila sa bago nilang imahe.

"Penny! " Narinig kong tinatawag ako ni Chris, ang Lead Vocalist/Guitarist ng Virtual Reality, ang banda.

Patuloy lang ako sa paglakad-takbo dahil hindi ko sya kayang harapin.

"Penny, please! " tawag pa rin ni Chris habang hinahabol ako.

"Leave me alone, Chris!" Sigaw ko. Nakatawid na ako sa kabilang side ng kalye mula kung saan nandoon ang venue ng concert namin. Hindi ko pa rin nililingon si Chris.

Hanggang makarinig ako ng malakas na kalabog at preno ng sasakyan. Agad akong lumingon upang balikan sana si Chris. Pero nakita ko syang naka handusay sa kalye at duguan.

"CHRISSS!!!"

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Hello guys, I'm back! Here's my new story sana magustuhan nyo rin gaya ng KK LL.  I'll do my very best to make this one a very good one. Enjoy :)

Again, importante lang sa akin basahin nyo, okay lang na hindi mag vote kung palagay nyo eh hindi naman talaga maganda. Sana may comments kayo kung ano ang palagay nyo (wala lang murahan ha, hehehe!) Hindi ko lang talaga ugali mamilit na mag vote kayo, yun lang. Thanks :)

Rock & Roll Sweetheart (Beating of the Hearts) - On HoldWhere stories live. Discover now