Chapter 1: Part 2

26 0 0
                                    

Mia’s POV:

Ako si Mia Francesca P. Rodriguez, sounds rich diba? Pero hindi talaga. Ang tatay ko OFW sa middle east ang nanay ko naman nagbebenta ng lupa wala naming bumibili sa kanya. Nakatira kami sa Bagong Barrio sa Caloocan. Maliit lang ang bahay namin, 4 kaming magkakapatid. 15 years old ako at sa September 15 ang birthday ko.

First day ko ngaun sa bago kong school, hindi ko alam kung bakit ditto pa ko enenroll ng tatay ko. Eh wala naman kaming pera. Sabi niya gagawin niya daw lahat makatapos lang daw ako sa magandang school. Mukhang mahihirapan naman ako nito e. Puro sosyalin yung mga tao ditto. Paano ako makakasabay sa kanila. Bahala na, tsss.

Pagpasok ko ng room konti palang ang istudyante, kaya umupo ako sa harapan at tumahimik lang. Maya maya may pumasok na babae, ang ganda ganda niya, maliit na medyo matangos ang ilong, mahaba ang buhok niya kulot sa ibaba, moren at maganda ang pangangatawan niya. Para siyang manika kung titignan mo, perfect siya para sakin kaso mukhang mataray, masungit at suplada e -.- Hindi niya naman ako gugustuhin maging kaibigan.

Dumami na ang mga istudyante at nagbell na rin kaya bumaba na kami para sa flag ceremony. Marami pala kaming classmate na gwapo at marami ring gwapo sa mga lower years. Marami rin magaganda kaya mahirap talaga makipagsalamuha. Mukhang maaarte pa yung iba. Natapos na yung flag ceremony kaya umakyat na kami. Dumating na yung teacher namin.

"Good Morning class! I am Miss Maybel E. Agustin, and I am your class adviser and also your Araling Panlipunan teacher. May I request all of you to introduce yourselves here in front." Hala totoo? Ayoko! Nahihiya ako, naiiyak na ko dahil hindi ko alam sasabihin ko. May nagpapakilala sa harap, ang gwapo niya. Crush ko na siya.

"Hi guys. My name is James Anthony B. Del Rosario, I'm an old student here. I studied here since grade 1. I love editing." Wow, mahilig din siyang mag-edit. Parehas kami, Ang gwapo niya talaga grabe! Crush ko talaga siya, okay ako na malandi. Sinimulan ko na isipin ang mga sasabihin ko. Napatingin nalang ako bigla ng tinawag ang isa magandang pangalan ng isang babae.

"Who's Felina Beatriz Garcia?" Sabi n mam, napansin ko na naglingunan lahat sa likod ng napansin nila na may tumayo at isang napakagandang babae, siya yung mukhang doll kanina na nakita ko. Felina ang pangalan niya. Pang-mayaman talaga. Nagpunta na siya sa harapan at nagsimulang magsalita.

"My name is Felina Beatriz D. Garcia but my family and friends used to call me Pepper, because of my morena skin. I am 16 years old, I'm from *tooooot* University, thank you." Galing siya sa *Tooooot* University! maraming tao ang gusting makapasok dun. Isa na ko dun pero mahirap. Mayayaman at matatalino lang ang nakakapasok dun.

"Why did you transfer here?" Sabi n mam, oo nga. Bakit kaya? Eh maganda naman yung pinanggalingan niyang school.

"Do you want me to be honest about that? If I tell you the truth, baka ayawan niyo ko unless ngayon palang ayaw niyo na sakin." Sabi niya. Prangka siya. Siya siguro ang tipo ng tao na sinasabi kung anong naiisip.

"No dear. Just tell me why." Mam Agustin.

"Sure mam. To tell you, kaya ako nagtransfer kasi isa akong pasaway, makulit, pala-away na istudyante. Nagcucut ako ng class. But in fact matalino ako. There's just some reasons my I became like this. Okay?" Sabi niya. Bakit kaya siya umalis dun. Naiintriga tuloy ako.

"Oh I see, you may sit Ms. Garcia." Tapos umupo na siya. Nakatingin lang ako sa kanya. Sa ganda niyang yun parang ang hirap niyang alisan ng tingin. Kung lalaki lang ako nagustuhan ko na sya. Napansin ko lahat din nakatingin sa kanya kaya iniwas ko na tingin ko dahil baka Makita niya pa ko na nakatitig sa kanya. Ang dami rin nagsasalita ng kung anu ano.

~From This MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon