Tula Para Kay Ano

154 4 1
                                    

Tula Para kay Ano

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tula Para kay Ano


Napakarami ng pwede kong makilala sa mundo. Kung tutuusin, sa Pilipinas nga lang, daan-daang milyon na ang bilang ng mga tao. Akalain mong nakilala pa kita?

Naniniwala kasi ako na may dahilan kung bakit nakilala mo ang isang tao. Pwedeng magbigay sayo ng inspirasyon, o pwede rin naman magbigay sa'yo ng leksyon. Bakit kaya tayo nagkatagpo?

Tanda ko pa kung paano tayo unang nagkita. Kung paano ka ipinakilala ng mga kaibigan ko na may pang-aasar pang kasama. Ewan ko ba sa mga 'yun!

Muntik na nga akong mag-walk out pero ikaw, dedma lang. Pero that time, hindi ko maiwasang pagmasdan ka na para bang may kumo-kontrol ng mata ko.

Ilang beses akong umiling pero hindi agad nawala sa utak ko ang mukha mo. Nasilayan ko tuloy kung paano ka ngumiti. Napansin ko tuloy kung gaano kalalim ang dimple na rumehistro sa'yong pisngi.

Infairness, cute ka. Oo, cute ka! Cute ka sa hairstyle mo. Bagay na bagay sa'yo 'yung one sided. Para kang leading man sa pinonood kong K-drama. Lakas mo maka-Oppa!

Cute ka din pumorma. Sobrang linis at sobrang disente. Siguro sa tuwing tumitingin ka sa salamin, 'yung salamin na ang nahihiya sa'yo 'no?

Tapos 'yung boses mo pa sobrang ganda. Narinig ko kasi 'nung minsang pinakanta ka ng teacher namin. Sigurado ako, ikaw ang pipiliin ng mga babae kung sakaling gusto nilang haranahin.

Hindi ko talaga akalain na magiging close tayo. Nagsimula lang 'yon nang minsan mo kong hinampas 'nung naglaro tayo ng Uno. Ako naman 'tong tawa ng tawa kasi palagi ka pa rin talo.

Oo cute ka. Para kang tuta, ang lambing-lambing mo kasi! Ang lambing ng boses mo, ang lambing tawa mo. Lahat lahat na yata!

At Habang tumatagal, mas lalo kitang nakikilala, kung sino ka, kung anong ayaw mo, at kung ano rin ang bagay na gusto mo.

Ako ba? Hindi mo ba ko tatanungin kung anong gusto ko? O mas tama sigurong sabihing kung "sino" ang gusto ko?

Pero 'wag na, okay lang na hindi na, kasi baka mamaya madulas pa ko at masabi kong ikaw.

Baka mamaya hindi ko mapigilang hindi umamin sa'yo kasi malapit na 'tong sumabog. At ikaw ang dahilan kung bakit! Oo Ikaw!!! Ikaw!!!

Ikaw na iniisip ko sa tuwina. Kapag wala ka, hindi ko alam kung mabubuo ba ang araw ko o hindi na.

Ikaw na bukambibig ko sa iba. Na kapag sinabi ng mga kaibigan ko na mag-kwento ako tungkol sa crush ko, automatic ikaw na!

Ikaw na palagi ko na lang inaalala. Kumain na kaya siya? Nasaan na ba siya? Ano kayang ginagawa niya? Para akong tanga dito sa kama!

Naghihintay sa text mo. Naghihintay ng tawag mo. Naghihintay ng pagkakataon na masabi 'to sa'yo...

"Alam mo, Gusto kita..."

Pero di bale na lang talaga, hindi ko na lang aaminin kasi alam kong mababalewala.

Mababalewala kasi alam kong hindi naman ako ang gusto mo. Alam kong may iba kang gusto at hindi ko alam kung ano mo ako.

Minsan kasi naiisip ko, Kasalanan ko bang nagkagusto ako sa'yo? Bigla ko lang 'tong naramdaman pero alam kong dapat kong pigilan.

Kaya Bago matapos 'to, gusto ko lang magpasalamat sa'yo. Salamat na nagkakilala tayo dahil nagbigay ka sa'kin ng inspirasyon.

Salamat dahil di mo napansin na meron akong pagtingin sa'yo. Salamat sa mga oras na tinitingnan kita, habang ikaw, nakatingin din sa iba.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tula Para KayWhere stories live. Discover now