Chapter 5

86 5 0
                                    

Nami POV

Matapos yung dramahan namin sa park ay dumiretso na kami sa bahay nila Dreia.

Nagmeryenda kami ng frice and sundaes. Actually, nagpadeliver kami sa McDo. Kesa magluluto na naman daw yung maids niya eh baka mapapagod daw.

Mejj may kabaitan rin pala si Dreia sa mga maids niya.

Konteng discussion lang naman ang napag-usapan namin. Dun sa mga family namin, mga trabaho. Member ng family. Well, ang gaan na ng feeling namin sa isa't isa.

Pagkatapos nun ay nagpaalam na rin akong umuwi kasi hapon na. Baka maabutan ako ng gabi.

Habang naglalakad ako ay naisipan kong puntahan ang park.

Gusto kong makita ang new stuffs dun. Baka may mga new improvements.

Dumiretso ako dun tapos pumunta sa may swing. Pinagmamasdan ang mga bata na naglalaro, naghahabulan.

Ang saya nga nila. Sana kaya ko ring sumaya ng bongga. Yung di ko na siya maiisip.

Haaay. Ayan ka na naman Nami eh. Puro na lang Sean ang pumapasok sa isip mo. Ano use ng move-on the?

Kinuha ko si Aquarius sa bag ko. Pinagmasdan...

" Alam mo aquarius. Ramdam din kita. Alam kong miss na miss mo na rin si Scorpio. Pero bat ganon? Iniwan nila tayong nganga matapos silang makipaghiwalay saten? Nagtataka ka rin ano? "

Kinakausap ko yung key ko. Sobrang miss na kita Sean.

Habang nagmumuni muni ako ay may sumigaw na lalake dun sa may unahan.

Tapos niyakap niya yung kasama niyang babae...

Teka...Tulad ko rin yun ah?

Tapos nag-kiss sila nung bakla. Siguro, sinagot na siya.

Ang sweet naman nila. May pa-harana harana pang nalalaman yung boy. Nakakakilig naman. Lahat nga taong nakakita, nakangiti at halatang kinikilig rin...

Parang kami ..

Kami ni Sean.

" Hay Aqua--- "

Sasalita sana ako kaso natapon ko sa likod yung key. Napalakas ata ang hagis ko. Haha ! Kung ano anong bagay kasi ang iniisip ko ngayon.

Bumaba ako sa swing at pumunta sa direksyon kung saan natapon si Aquarius.

Kaso pagpulot ko, may napansin rin akong key. Actually, magkatabi sila.

Siguro may nakahulog nito. Sayang naman. Akin na lang...

Wa-wait....

Scorpio. Kanino kaya to? Ganito rin kasi yung key ni--

" Nasan na ba yun? Tss. "

Natigilan ako nung may narinig akong boses. Napaka-familiar.

Yung boses na ang sarap pakinggan. Ang sarap damhin at nakakainlove.

Boses ni...

Sean.

" Ah, miss may nakita ka bang kulay gold na bagay dito? Yung parang key? "

Turn me On (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon